Thursday , November 30 2023
shabu drug arrest

9 drug suspects nasakote sa P.8-M shabu

SIYAM katao ang nadakip at mahigit sa P.8 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam sa magkakahiwalay na buy bust operation, sa Makati, Las Piñas at Parañaque, nitong Martes, 12 Hulyo.

Huling naaresto ang tatlong suspek na kinilalang sina Rexan Godino Apigo, alyas Buntog, 46 anyos, forklift operator; Vicente Llander Gasilos, 60 anyos; at HelenMie Puzon Abueva, 32, pawang residente sa Parañaque City.

Nakuhaan ng P204,000 halaga ng hinihinalang shabu ng Drug Enforcement Unit ng  Southern Police District (SPD) dakong 8:30 pm nitong 12 Hulyo sa Bacawan St., Purok 1, Silverio Compound, Barangay San Isidro, Parañaque City.

Dakong 7:17 pm ng parehong araw naaresto ang 54-anyos na si Marilou Chavez, alyas Ana, ng Makati City, nasamsaman ng P340,000 halaga ng ilegal na droga ng mga tauhan ng Makati Police Station Drug Enforcement Unit.

Una rito, dakong 3:00 pm sa Tambakan Bernabe Compound, Brgy. Pulanglupa Uno, Las Piñas City, naaresto ng  Las Piñas Police ang limang suspek na kinilalang sina Lloyd, 24;  RolandoEspiritu, 31; Maricar Versoza, 35; Anthony Sotol, 26, ng Las Piñas City, at Jonathan Buena, 34, ng Bacoor City.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 53.3 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P362,440.

“Ang sunod-sunod na operasyon sa ating nasasakupan ay bunga ng ating maigting na kampanya kontra ilegal na droga, na walang magandang maidudulot sa ating katawan, bagkus sisirain ang ating buhay kaya naman ito ay ipinababawal ng ating batas, sa ating mga kababayan hindi po titigil ang pulisya para sugpuin ang ilegal na droga sa ating nasasakupan, makaaasa po kayo, sa pamamagitan ng inyong suporta, at suporta mula sa ating gobyerno, magtutuloy-tuloy ang ating kampanya upang wakasan ang mapinsalang ilegal na droga,” pahayag ni SPD P/BGen. Jimili Macaraeg. (GINA GARCIA)

About Jaja Garcia

Check Also

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

P1.8-M ilegal na droga nakompiska sa 2 araw na anti-drug ops sa CL

SA MAAGAP at walang humpay na pagsisikap na labanan ang mga aktibidad ng ilegal na …

Bulacan Police PNP

Mga durugista at nagtatagong kriminal sa Bulacan arestado

PITONG durugista na nagbebenta rin ng droga, at tatlong kriminal na nagtatago sa batas ang …

dead gun police

63-anyos Taiwanese binaril, patay

SAN PABLO CPS – IsangTaiwanese ang iniulat na binaril at napaslang sa San Pablo City, …

Valenzuela Dump Truck WMD

Vale-LGU nagbigay ng bagong dump truck sa WMD

PINANGUNAHAN ni Mayor Wes Gatchalian ang turnover ceremony at pagbabasbas ng bagong 38 dump trucks …

shabu drug arrest

2 tulak timbog sa P68-K shabu

SWAK sa rehas na bakal ang dalawang hinihinalang drug personalities matapos kumagat sa ikinasang buybust …