SA KULUNGAN na didiskarte ng kabuhayan ang live-in lovers na hinihinalang tulak ng ilegal na droga, matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Navotas City police chief Col. Dexter Ollaging ang naarestong mga suspek na sina Shiela Francia Guy, 39 anyos, at Michael Bonan, 47 …
Read More »P.1-M shabu kompiskado
Nanay nakatulog
SANGGOL NALUNOD SA ILOG
PATAY ang isang sanggol na lalaki na hinihinalang nahulog at nalunod sa ilog sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Sa inisyal na ulat ni P/Cpl. Florencio Nalus, dakong 1:30 pm, nakatulog ang ina kasama ang biktima pero nang magising ay wala na sa kanyang tabi ang sanggol. Kaagad hinanap ng ina ang kanyang sanggol at nagtanong-tanong sa mga kapitbahay na …
Read More »Libingan alinsunod sa kulturang Muslim isinusulong sa Senado
MATITIYAK ang paglibing ng mga yumaong Muslim at katutubo na nararapat sa kanilang pananampalataya at kultura sa oras na maging batas ang panukalang inihain ni Sen. Robinhood Padilla. Sa Senate Bill 1273, sinabi ni Padilla, nahihirapan ang ilang grupo tulad ng mga Muslim na ilibing ang kanilang yumaong mahal sa buhay dahil kulang ang public cemetery na naaayon sa kanilang …
Read More »Energy subsidy program para sa PUVs, pasahero vs oil price at fare hikes
NAIS ni Senador Win Gatchalian na magpatupad ng energy subsidy program na magbibigay ng safety net para sa sektor ng pampublikong transportasyon mula sa pagtaas ng presyo ng langis na kalaunan ay pipigil din sa posibleng pagtaas ng pasahe. Ayon kay Gatchalian, kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan nitong mga nakaraang buwan, sinabi ng Land Transportation …
Read More »May pandemya o wala, ayuda kailangang ibigay – solon
SA GITNA ng patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa, sinabi ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo na kinakailangang magbigay ng ayuda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) may pandemya man o wala. Si Quimbo, senior vice chairperson, ay nanawagang ituloy ang mga ayuda ng gobyerno para sa mga nangangailangan kasabay ang pagtaas ng pondo …
Read More »
Bilang Comelec at CSC chairs
GARCIA, NOGRALES KINOMPIRMA NG CA 
MABILIS nainaprobahan ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang kompirmasyon at nominasyon nina Atty. George Erwin Garcia, bilang Chairman ng Commission on Elections (Comelec), at dating cabinet secretary, Atty. Karlo Alexei Nograles, bilang chairman ng Civil Service Commission (CSC). Ginawa ang kompirmasyon sa rekomendasyon ng Committee on Constitutional Commission na pinamumunuan ni Senadora Cynthia Villar, matapos isalang sa kanyang komite …
Read More »
Sa open spaces
FM JR., ‘APRUB’ SA BOLUNTARYONG PAGSUSUOT NG FACE MASK 
MAY verbal approval ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang boluntaryong pagsusuot ng face mask sa open spaces bagama’t hinihintay pa ang paglalabas at paglagda sa executive order para maging ganap itong polisiya na ipatutupad sa buong bansa. “So actually the very reason why we are having this presscon and initially informing the public of this was because there was …
Read More »Taguig Love Caravan hahataw sa 3 barangay
MULING Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Taguig, sa pamamagitan ng Medical Assistance Office, ang Taguig Love Caravan, isang programa na naglalayong maiparating ang mga serbsiyong medical, dental, at wellness sa mga Taguigeño. Naka-iskedyul para sa linggong ito: 6 Setyembre 2022 – San Miguel; 7 Septyembre 2022 – Central Signal; at 8 Setyembre 2022 sa Fort Bonifacio. Maaaring magpa-check-up, magpabunot ng …
Read More »3 ‘lak-tu’ huli sa MJ at shabu
NAKOMPISKA ng mga tauhan ng Southern Police District (SPD) ang halagang P148,664 hinihinalang shabu at marijuana sa tatlong ‘itinurong’ tulak sa magkahiwalay na anti-drug operations sa mga lungsod ng Las Piñas at Parañaque. Base sa ulat, nagsagawa ng buy bust operation ang Parañaque Police, dakong 10:20 sa Manila Memorial Park sa Brgy. BF Homes nang makatanggap ng reklamo na lantarang …
Read More »P136K shabu kompiskado MAGDYOWANG TULAK SWAK SA HOYO
DERETSO sa kulungan ang magdyowang tulak makaraang kumagat sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang mga naarestong suspek na sina Rhuven Daguplo, alyas Toto, 40 anyos, at Jennifer Espiritu, alyas Jen, 39 anyos, kapwa residente sa Bougainvillea St., Sitio Gitna …
Read More »
Binata binugbog, sinaksak
3 SA 4 SUSPEK ARESTADO SA MALABON 
NAGTAGUMPAY ang mga awtoridad sa isinagawang follow-up operation nang tatlo sa apat na mga suspek na sumaksak at nambugbog sa isang binata sa Malabon City ang kanilang nasakote. Kinilala ni Malabon police chief Col. Albert Barot ang naarestong mga suspek na sina Ryan Frederick Calidro, 20 anyos, Sean Andrei Paragas, 18 anyos, at Rodrigo Caples, Jr., 22 anyos, pawang …
Read More »Pagluwag sa paggamit ng face mask, hinihimay ng IATF
INIHAYAG ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., masusi nang pinag-aaralan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang panukalang luwagan ang face mask rule sa bansa. Ayon kay Abalos, kailangan nilang pag-aralang mabuti ang naturang panukala lalo ngayong patuloy pa rin ang laban ng bansa kontra CoVid-19. Aniya, maaaring maglabas ang IATF ng desisyon …
Read More »Dalaga pinatay ng lover sa QC
NAAAGNAS na ang bangkay ng 19-anyos dalaga na sinasabing napatay sa saksak ng kaniyang boyfriend, nang matagpuan sa nirerentahan nitong unit sa Quezon City, Martes ng gabi. Ang biktima, kinilalang si Daisy Rose Recla Pascual, 19, dalaga, customer care assistant, tubong Davao at nangungupahan sa No. 253 Atherton St., Phase 8, Brgy. North Fairview, sa lungsod. Agad naaresto ang …
Read More »CALABARZON most wanted tiklo sa Laguna
NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted sa Regional Level sa ikinasang joint manhunt operation nitong Lunes, 5 Setyembre, sa bayan ng Victoria, lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Randy Glenn Silvio, OIC ng Laguna PPO, ang suspek na si Baltazar De Leon, 59 anyos, construction worker, at residente sa Brgy. San Benito, sa nabanggit na …
Read More »Lolo patay, apo sugatan sa ambulansiya
ISANG lolo ang binawian ng buhay, habang sugatan ang kanyang apong lalaki matapos mabangga ng ambulansiya ang sinasakyan nilang e-trike sa Hacienda Layagon Rd., Brgy. Lalagsan, sa bayan ng La Castellana, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 5 Setyembre. Kinilala ang biktimang si Emeterio Ordas, 72 anyos, residente sa naturang barangay. Ayon kay P/MSgt. Polen Jabagat, traffic investigator ng La …
Read More »PNP PRO3 hinangaan at pinuri ni Gov. Daniel
“LAGI nating isapuso ang sinumpaan nating tungkulin: ang maglingkod at magbigay ng proteksiyon.” Ito ang mensahe ni Gob. Daniel Fernando ng Bulacan, unang gobernador na naimbitahan bilang panauhing pandangal sa isinagawang Lingguhang Pagtataas ng Watawat kasama ang Philippine National Police-Police Regional Office sa pamumuno ni P/BGen. Cesar Pasiwen na ginanap sa PRO3 Parade Ground, Camp Julian Olivas, sa lungsod ng …
Read More »5 tulak, 9 pa timbog sa Bulacan
ARESTADO ang limang hinihinalang mga tulak kasama ang apat na pinaghahanap ng batas at limang huli sa aktong nagsusugal sa pinaigting na kampanya ng pulisya laban sa kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan, hanggang nitong Lunes ng umaga, 5 Setyembre. Sa ulat mula kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PNP, nadakip ang limang drug suspects sa serye ng …
Read More »Mindanao next investment destination ng Singapore
INIHAYAG ng Philippine Embassy sa Singapore, ang Mindanao ang susunod na maging investment destination ng Singapore. Kasunod ito sa naging matagumpay na business mission ng Mindanao Development Authority (MinDA), ang international marketing at promotional arm ng Mindanao island’s investment, business, at turismo, sa pakikipagtulungan ng Philippine Embassy sa Singapore at Philippine Trade and Investment Center. Ang Mindanao ay nagbibigay ng …
Read More »
Sa Indonesia
EXECUTIVE CLEMENCY KAY MARY JANE HIRIT NG FM JR., ADMIN 
HINILING ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang executive clemency para kay Mary Jane Veloso, ang Pinay na nasa death row sa nakalipas na 12 taon bunsod ng kasong drug trafficking noong 2010. Nakipagpulong si Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Indonesian Foreign Minister Retno Marsudi sa Jakarta, Indonesia noong Linggo sa sidelines ng state visit ni Pangulong Ferdinand Marcos, …
Read More »
‘Natakot’ sa subpoena
ES RODRIGUEZ ‘LUMUTANG’ SA SUGAR FIASCO HYBRID HEARING 
LUMUTANG si Executive Secretary, Atty. Victor Rodriguez sa ginaganap na pagdinig sa Senado kahapon kaugnay ng kontrobersiyal na Sugar Order No. 4, matapos magpasya ang mga senador na isyuhan ng ‘subpoena’ ang opisyal ng Palasyo kung hindi pa rin dadalo sa pagdinig. Ang sinabing ‘pagkatakot’ ni Rodriguez na makatanggap ng subpoena mula sa senado ang pinaniniwalang nagbunsod sa biglang paglutang …
Read More »Wanted sa Baseco tiklo sa Singalong
NALAMBAT ng mga tauhan ni Manila Police District – Baseco Police Station (MPD-PS13) commander P/Lt. Col. Rodel Bilan Borbe ang isang most wanted person na kinilalang si Arlan Fillomena y Taggaoa, 24 anyos, welder, residente sa F. Dagonoy St., Singalong, Maynila, sa bisa ng warrant of arrest sa kasong Acts of Lasciviousness na inisyu ng Regional Trial Court (RTC) Branch …
Read More »“Eddie Garcia Law” isinulong sa Senado
PARA protektahan ang kapakanan ng mga artista at iba pang mga nagtatrabaho sa pinilakang tabing, ihinain ni Senador Robinhood “Robin” C. Padilla ang panukalang batas para sa kanilang kaligtasan, habang nakatanggap siya ng panawagang maghain ng katumbas na panukalang batas para sa media. Ani Padilla, nagtrabaho sa sine at telebisyon mula noong dekada 80, tinagurian niyang “Eddie Garcia Law” ang …
Read More »Kamay ng obrero nabali sa makina ng Pochi
NABALI ang buto sa kanang kamay ng isang factory worker makaraang kainin ng makina ang suot niyang guwantes sa loob ng pinagtatrabahuang pabrika ng candy sa Navotas City, kamakalawa ng hapon. Dinala sa Orthopedic Medical Center (OMC) sa Banawe St., Quezon City ang biktimang kinilalang si Marlon Policarpio, 28 anyos, residente sa Villa San Paolo Subd. Sta. Maria, Bulacan. Sa …
Read More »Karpinterong nasa PDEA watchlist nabitag
NADAKIP ang isang lalaking hinihinalang notoryus na tulak ng ilegal na droga at nasa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) watchlist sa isinagawang buybust operation sa bayan ng San Ildefonso, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo, 4 Setyembre. Kinilala ang suspek na si Jose Oliber Marcelo, 56 anyos, isang karpintero at residente ng Brgy. Malipampang, sa naturang bayan, na inaresto sa mga …
Read More »Maagap na desisyon ng ERC, susi sa pagpapanatiling abot-kaya ng kuryente
HINILING ng SMC Global Power Holdings Corp. (SMGCP) at Meralco sa Energy Regulatory Commission (ERC) na pansamantalang payagan itong itaas ang presyo ng kuryenteng galing sa Sual Coal at Illijan Natural Gas Power plants. Kamakailan ay ginanap ang unang ERC hearing kung saan isinaad ng dalawang kompanya ang dahilan para sa naturang petisyon. Ang power supply agreement (PSA) sa pagitan …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com