Wednesday , October 5 2022
lovers syota posas arrest

P136K shabu kompiskado MAGDYOWANG TULAK SWAK SA HOYO

DERETSO sa kulungan ang magdyowang tulak makaraang kumagat sa buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni P/Lt. Joel Madregalejo, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang mga naarestong suspek na sina Rhuven Daguplo, alyas Toto, 40 anyos, at Jennifer Espiritu, alyas Jen, 39 anyos, kapwa residente sa Bougainvillea St., Sitio Gitna Caybiga, Caloocan City.

Aabot sa P136,000 halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya  sa buy bust operation.

Batay sa ulat ni P/Cpl. Christopher Quiao kay Valenzuela  City police chief Col. Salvador Destura, Jr., dakong 10:20 pm nang magsagawa ang mga operatiba ng SDEU sa pangunguna ni P/EMSgt. Restie Mables ng buy bust operation sa Lazaro St., Brgy. Ugong na isang undercover police ang nagawang makipagtransaksiyon ng P500 halaga ng droga sa mga suspek.

Matapos tanggapin ang marked money mula sa police poseur-buyer kapalit ng isang plasctic sachet ng shabu, agad lumapit ang back-up operatives saka inaresto ang mga suspek.

Nakompiska ang halos 20 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price P136,000, marked money, P300 recovered money, at dalawang cellphone.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

arrest posas

2 manggagantso timbog sa bitag

HINDI na nakapalag ang dalawang indibiduwal na kapwa mga residente sa Cavite nang arestohin ng …

100422 Hataw Frontpage

Binangga ng SUV saka pinagbabaril riding-in tandem sa Las Piñas
BETERANONG BRODKASTER, KOLUMNISTA ITINUMBA

ni MANNY ALCALA PINAGBABARIL hanggang mapatay ang isang beteranong hard-hitting broadcaster at kolumnista sa diyaryo …

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

Ika-33 taon ng kooperatiba sa Bulacan ipinagdiwang

SA layuning pagkaisahin at isulong ang lahat ng mga koopertiba sa buong lalawigan, sinimulan ng …

Bulacan Recuers Luksang Parangal

Pagkilala at pinansiyal na suporta bumuhos sa limang rescuers na nasawi sa Bulacan

BUMUHOS ang mga pagkilala at pinansiyal na suporta para sa mga bayaning tagapagligtas sa ginanap …

Sta maria Bulacan Police PNP

Pusher na 67-anyos na lolo, kinalawit sa ibibiyaheng ‘bato’

KAHIT malapit ng lubugan ng araw ay nagagawa pa ng isang lolo na gumawa ng …