Friday , June 2 2023
Taguig

Taguig Love Caravan hahataw sa 3 barangay

MULING Inilunsad ng pamahalaang lungsod ng Taguig, sa pamamagitan ng Medical Assistance Office, ang Taguig Love Caravan, isang programa na naglalayong maiparating ang mga serbsiyong medical, dental, at wellness sa mga Taguigeño.

Naka-iskedyul para sa linggong ito: 6 Setyembre 2022 – San Miguel; 7 Septyembre 2022 – Central Signal; at 8 Setyembre 2022 sa Fort Bonifacio.

Maaaring magpa-check-up, magpabunot ng ngipin at magpagupit ng buhok nang libre sa Taguig Love Caravan.

Maaari rin matutong gumawa ng mga produktong pangkabuhayan sa ilalim ng programang ito, na first come, first served basis.

Para sa Medical at Dental Mission, may ilang mga patakarang kinakailangang masunod ang bawat benepisaryo.

‘Pag 18-anyos pataas  dapat fully vaccinated at nakatanggap ng booster shot may dalang vaccination card.

‘Pag menor de edad dapat nakatanggap ng kanilang 1st  dose o 2nd dose kasama ang kanilang parents/guardians na may dalang vaccination card.

Magsisimula ang registration para sa programa dakong 7:00 am habang ang mismong medical, dental, at wellness mission ay magsisimula 8:00 am. Ito ay magkakaroon ng cut-off sa tanghali.

Ang serbisyong ito ay tatakbo mula 6 Setyembre hanggang 27 Setyembre 2022.

About hataw tabloid

Check Also

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

P900-M smuggled goods nakompiska sa Bulacan

NAKUMPISKA ng magkasanib na mga operatiba na pinangunahan ng Bureau of Customs ang mga pinaghihinalaang …

arrest, posas, fingerprints

2 estapador tiklo sa oplan pagtugis ng CIDG

Dalawang indibiduwal na sangkot sa paglabag sa BP 22 ang naaresto sa Oplan Pagtugis na …

Cellphone sumabog, rider kritikal

Cellphone sumabog, rider kritikal

Nasa kritikal na kundisyon ngayon ang isang delivery rider sa San Jose Del Monte City, …

teacher

Sentimyento ng mga guro pakinggan
MOTHER TONGUE POLICY NG DEPED REPASUHIN– SENADOR

HINIMOK  ni Senador Win Gatchalian ang Department of Education (DepEd) na pakinggan ang mga guro sa …

Estate Tax

Pagpapalawig sa amnestiya sa pagbabayad ng estate tax pasado na sa senado

PINASA na ng senado sa third at final reading ang panukalang batas na pagpapalawig sa …