IDINEKLARA ang Lungsod ng Las Piñas bilang Safe City sa buong Metro Manila, sa ginanap na 121st Police Service Anniversary sa NCRPO Hinirang Hall, Taguig City, nitong nakaraang Martes, 9 Agosto. Ang naturang parangal ay ibinatay sa naging performance ng Las Piñas dahil sa pagkakaroon ng pinakamababang antas ng krimen at may pinakamataas na bilang ng mga naarestong suspek na …
Read More »581 MMDA traffic personnel ide-deploy sa school zones simula sa pasukan ng klase — MMDA
AABOT sa 581 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic personnel ang ide-deploy ng ahensiya sa mga school zone at mga lansangan malapit sa eskuwelahan sa Metro Manila. Katuwang ng Department of Education (DepEd) ang MMDA para matiyak ang maayos at ligtas na pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral ngayong buwan ng Agosto. Ayon kay MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga, tuloy-tuloy din …
Read More »Kableng ninakaw, Metro sa C-5 road, Taguig napalitan na
NAPALITAN na ang ninakaw na metro at kawad ng koryente sa C5 road sa lungsod ng Taguig. Hinimok ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga residente na maging mapagmatyag upang hindi na maulit ang nakawan ng mga kable ng koryente at kontador sa kanilang lugar. Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, katuwang ang Brgy. Pinagsama at Local Utility Office …
Read More »
Sa Valenzuela
ONLINE CASINO AGENT KULONG SA P.1-M SHABU
BAGSAK sa kulungan ang isang online casino agent matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Lt. Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang naarestong suspek na si Niño Nicanor Faustino, Jr., 42 anyos, online casino …
Read More »Bawas presyo ng langis ngayong Martes
PANIBAGONG pagbawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes inianunsiyo ng mga kompanya ng langis. Bilang ika-8 sa sunod na linggo sa diesel at ika-7 sa gasolina ngayong taon. Sa advisory ng Chevron Philippines, babawasan nila ang kanilang pump prices ng mga produktong gasolina ng P0.10 sa kada litro, diesel ng P1.05 kada litro at kerosene ng P0.45 centavos kada …
Read More »Babala ni Tulfo, BROWNOUT/BLACKOUTS PUWEDENG SAMANTALAHIN NG TERORISTA
NAGBABALA si Senator Raffy Tulfo, ang laganap na brownout sa iba’t ibang probinsiya ay nagdudulot ng malaking banta sa pambansang seguridad. Sa kanyang programang “Wanted sa Radyo” na ipinalabas noong Biyernes, 12 Agosto, sinabi ni Tulfo, ang kapalpakan ng mga ahensiya ng gobyerno na matugunan ang paulit-ulit na problema sa brownout ay maaaring makaapekto sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan …
Read More »Panukalang learning recovery program muling inihain ni Gatchalian
SA GITNA ng mataas at nakababahalang antas ng learning poverty sa bansa, muling inihain ni Senador Win Gatchalian ang isang panukalang batas na layong magpatupad ng learning recovery program sa buong bansa upang tugunan ang epekto ng matagal na pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Ang Senate Bill No. 150 o ang Academic Recovery and Accessible …
Read More »Monkeypox victim ligtas, nakauwi na
TAHASANG sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire na ligtas at nakauwi sa kanyang pamilya ang naitalang unang kasong monkeypox sa bansa. Ayon kay Vergeire sa kanyang pagdalo sa Senate Committee on Health and Demography na pinamumunuan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, mismong ang mga doktor na ang tumingin dito ang nagrekomenda na ligtas na siya …
Read More »Importasyon ng asukal pinayagan kahit lingid sa kaalaman ni FM Jr.
SA GITNA ng kontrobersiya sa importasyon ng asukal, inako ng nag-resign na Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na siya ang pumirma sa mga dokumento sa pag-angkat nito. Sa isang joint briefing ng House committee on good government at Committee on Agriculture kahapon, sinabi ni Sebastian, siya ang pumirma sa resolusyon sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal na walang pabihintulot …
Read More »MMDA acting chair positibo sa Covid-19
KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Devlopment Authority – Public lnformation Office (MMDA-PIO), nagpositibo sa CoVid 19 si MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga. Ayon kay Sharon Demantillan ng PIO, sumalang si Dimayuga kahapon sa antigen test ngunit lumabas sa resulta na positibo sa naturang virus. Mild symptoms lang aniya ang mararamdaman ng MMDA chairman ngunit kailangan pa rin siyang sumunod sa health …
Read More »Natagpuang bangkay ng teenage lady biker kinilala ng 62-anyos ama
KINILALA ng kanyang sariling ama ang lady biker na unang iniulat na nawawala at natagpuan ang katawan sa madamong bahagi ng Bypass Road, sa Brgy. Bonga Menor, bayan ng Bustos, sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 12 Agosto. Kinilala ng kanyang amang si Rolando Dumantay, 62 anyos, residente sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte, ang biktimang si Princess Marie …
Read More »
Kagutuman lalala
PAGWAWAKAS SA GUTOM PANAGINIP NI FM JR.
IMAHINASYON lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pangarap niyang wakasan ang gutom sa bansa. Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, imbes puksain, lalong lalala ang kagutuman dahil sa panibagong pagtaas sa mga presyo ng pangunahing bilihin kagaya ng sardinas at noodles. Ani Brosas, inaprobahan ito ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at …
Read More »ex-vice mayor ng Lobo, Batangas binoga sa debut
TODAS sa bala ng boga ang dating bise alkalde matapos barilin habang nagbibigay ng kanyang pagbati sa isang debut party nitong Huwebes, 11 Agosto sa Sitio Cupang, Brgy. Tayuman, sa bayan ng Lobo, lalawigan ng Batangas. Kinilala ni P/Capt. Roy Cuevas, hepe ng Lobo MPS, ang biktimang si Romeo Sulit, 61 anyos, bise alkalde ng bayan ng Lobo mula 1998 …
Read More »
Sa Bukidnon
BUS NAHULOG SA BANGIN 31 PASAHERO NAKALIGTAS
NAHULOG sa isang bangin sa Sayre Highway, sa bayan ng Manolo Fortich, lalawigan ng Bukidnon ang isang bus na may sakay na 31 pasahero nitong Sabado ng gabi, 13 Agosto. Ayon kay P/SMSgt. Larie Eco, imbestigador ng Manolo Fortich MPS, bagaman walang naiulat na namatay sa aksidente, lima sa 31 pasahero ang naiulat na bahagyang nasugatan. Sa ulat ng Manolo …
Read More »Asunto vs Angono ex-mayor absuwelto sa Ombudsman
IBINASURA ng Ombudsman ang kasong graft, grave misconduct, at abuse of authority sa dating alkalde ng Angono, Rizal dahil sa paggamit ng lupang nasa pampang ng Laguna de Bay. Sa siyam na pahinang resolusyon, ipinawalang-sala ng Ombudsman ang inihaing kaso laban kay dating Angono Mayor Gerardo Calderon kaugnay sa pagpapatayo ng isang pasyalan sa lupang inaangkin ng isang Cecilia Del …
Read More »Bulacan, kaisa sa paghubog ng mga lider para sa susunod henerasyon
BILANG PAKIKIBAHAGI sa bansa sa obserbasyon ng Linggo ng Kabataan 2022, nagsagawa ang pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office ng isang linggong aktibidad para sa mga kabataang lider, edad 13 hanggang 17 anyos na kabilang sa Boy/Girl Officials 2022 upang sila ay magkaroon ng karanasang nauugnay sa mabuting pamamahala at pamumuno. …
Read More »
Kumagat sa pain
TULAK TUWING MADALING ARAW TIMBOG SA PARAK
NASAKOTE ng mga awtoridad ang isang pinaniniwalaang tulak ng ilegal na droga sa ikinasang buy bust operation sa bayan ng Bocaue, lalawigan ng Bulacan, nitong Linggo ng madaling araw, 14 Agosto. Inaresto ng magkasanib na mga operatiba ng Bocaue MPS, SOU3 at PNP DEG sa isinagawang buy bust operation ang suspek na kinilalang si George Orquiola, Jr., residente sa Brgy. …
Read More »Lolong manyakis naihoyo sa Zambales
NASUKOL ng mga awtoridad ang isang matandang lalaking may kasong panggagahasa sa inilatag na manhunt operation sa sa bayan ng Masinloc, lalawigan ng Zambales nitong Sabado, 13 Agosto. Sa ulat na tinanggap ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen, nagtulong-tulong ang mga elemento ng Masinloc MPS, PIU Zambales, 1st PMFC, 305th MC RMFB3, RID3 at PNP Maritime-Iba, na nagsagawa ng …
Read More »Dalagita nasagip sa cybersex den 3 suspek arestado
NAILIGTAS ng mga awtoridad ang isang babaeng menor de edad mula sa isang cybersex den kung saan nadakip ang tatlo katao sa Brgy. Sta. Cruz V, sa lungsod ng San Jose del Monte, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 13 Agosto. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting Provincial Director ng Bulacan PPO, nagsagawa ang mga tauhan ng San Jose …
Read More »
Para sa mas mabilis na biyahe
CAVITEX C5 LINK FLYOVER EXTENSION BINUKSAN NA 
INIANUNSYO ng Toll Regulatory Board (TRB) ang grantor ng Manila-Cavite Toll Expressway Project (MCTEP) kasama ang CAVITEX infrastructure Corporation (CIC) na lalong bibilis ang biyahe mula Merville, Parañaque patungong C5 Road sa Taguig at vice versa at ang joint venture partner nito na Philippine Reclamation Authority (PRA) na bukas na bukas na simula kahapon, 14 Agosto, sa mga motorista — …
Read More »Kelot timbog sa pekeng P500 bills
HINDI na nakalusot ang isang 31-anyos na lalaki sa ikalawang pagtatangka na magbayad ng pekeng pera, sa pagbili ng pagkain, sa Makati City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Makati City police chief, P/Col. Harold Depositar ang suspek na si Thom Jerome Pinzon, residente sa Valenzuela City. Ayon sa ulat, dakong 7:20 pm nitong Sabado, 13 Agosto, nang arestohin ang suspek …
Read More »
Bag ng pasyente tinangay
MISTER NA WANTED ARESTADO SA VALE
SA KULUNGAN bumagsak ang isang lalaki, matapos tangayin ang bag ng isang babaeng out-patient sa isang diagnostic clinic sa Valenzuela City. Kinilala ni P/Lt. Francisco Tannagan, Sub-Station-9 commander ang naarestong suspek bilang si Percival Carlos, 41 anyos, ng Balubaran, Brgy. Malinta, ng nasabing lungsod na nahaharap sa kasong Theft. Ayon sa ulat, naiwan ni Eloisa Santos, 48 anyos, ng Brgy. …
Read More »3 tulak huli sa buy-bust, p.1-M shabu nasamsam
NASABAT sa tatlong hinihinalang drug personalities ang mahigit P.1 milyon halaga ng shabu matapos matimbog sa isinagawang buy- bust operation sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Lt. Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela police ang naarestong mga suspek bilang sina Manuel Cardenas, Jr., 49 anyos, ng M H Del Pilar St., Mabolo; …
Read More »2 drug suspects ‘nag-abutan’ ng shabu arestado
KULUNGAN ang kinasadlakan ng dalawang drug suspects matapos maaktohan ng mga pulis na nag-aabutan ng shabu sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela City Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Doddie Aguirre ang mga suspek na sina Daniel Catinbang, alyas Pilay, 22 anyos, residente sa Brgy. Paso De Blas, at Zaide Bumahid, alyas Zai, 40 anyos, …
Read More »
Mas marami pang dapat iprayoridad
PH HINDI PA HANDA SA SAME SEX UNION 
AMINADO si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III, hindi pa handa ang Filpinas para sa tinatawag na same sex union na walang ipinagkaiba sa unang panukalang same sex marriage. Ayon kay Pimentel, hindi lingid sa kabatiran ng lahat na sa usaping ito ay papasok na ang usapin ng relihiyon at ng ating kasalukuyang batas kaya lubhang mahirap pag-usapan o …
Read More »