Friday , May 17 2024

News

1-4 Alan Peter Cayetano Bike Caravan

1-4 Alan Peter Cayetano Bike Caravan Feat

LIBO-LIBONG siklista ang naglunsad ng “1-4 Alan Peter Cayetano Bike Caravan” sa mga lungsod ng Vigan sa Ilocos Sur, Urdaneta sa Pangasinan, Legazpi sa Albay, Ormoc sa Leyte, Baguio, Bacolod, Cagayan de Oro, General Santos, Zamboanga, Maynila, Marikina, at pati sa mga lalawigan ng Cebu, Camarines Sur, at Iloilo. Ang inisyatibang ito ay bilang pagpapakita ng kanilang suporta sa kandidatura …

Read More »

Vivian at iba pa suportado ang Isko-Sara 

Vivian Velez Isang Pilipinas Movement

MATABILni John Fontanilla ISA si Vivian Velez sa sumusuporta Sa Isang Pilipinas Movement kasama sina Edith Fider (producer), Daddy Wowie Roxas (manager) at iba pa sa pagsasanib-puwersa nina Manila Mayor Isko Moreno at Davao mayor Sara Duterte na tumatakbong presidente at vice president. Naniniwala ang grupo nina Vivian na ang tambalang Isko at Sara ang mag-aahon sa pinagdaraanang hirap ng Pilipinas at tunay na makapagbibigay ng pagbabago sa bansa. Parehong bata at …

Read More »

Malalaking pangalan sa showbiz naghatid-saya sa 70K supporters ni Leni sa Bacolod City

Leni Robredo Bacolod rally artists

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio NAGSAMA-SAMA ang mga malalaking pangalan ng showbiz at musika sa pagbibigay-saya sa 70,000 tagasuporta ni Vice President Leni Robredo noong Biyernes sa Paglaum Stadium sa Bacolod City.  Ang bigating lineup ay pinangunahan nina Sharon Cuneta, Rivermaya, Kyla, at Kuh Ledesma.  Nandoon din sina Curtismith, Mayonnaise, Gracenote, Tippy Dos Santos, Gab Valenciano, Janina Vela, The Company, DJ Joey, at Kay Leni Tayo singers na …

Read More »

10 NCR Mayors, panalo sa RPMD survey

RP-Mission and Development Foundation Inc RPMD

SAMPUNG nanunungkulang alkalde sa National Capital Region (NCR) na naghahangad na muling mahalal o tumakbo para sa ibang posisyon ay may “commanding lead” sa darating na halalan sa Mayo 2022. Sila ay sina Mayor Joy Belmonte ng Quezon City, Mayor Toby Tiangco ng Navotas City, Mayor Oca Malapitan ng Caloocan City, Mayor Emi Rubiano-Calixto ng Pasay City, Mayor Francis Zamora …

Read More »

Team Pagbabago inendoso ni Congw. Ocampo

Sandy Ocampo Alex Lopez Raymond Bagatsing Team Pagbabago

PORMAL na inendoso ni 6th district congresswoman Sandy Ocampo sina Manila mayoral aspirant Atty. Alex Lopez, vice mayor candidate Raymond Bagatsing at buong Team Pagbabago ng Distrito 6 nitong Sabado, 12 Marso 2022 sa Punta, Sta. Ana, Maynila. Ipinahayag ni Congw. Ocampo, walang ibang karapat-dapat na maging Mayor ngayon sa Maynila kung hindi si Alex Lopez. Ayon kay Ocampo sobrang …

Read More »

Trabaho para sa tao tugon ni Konsehal PM Vargas sa QC

PM Vargas

NGAYONG nasa Alert Level 1, sinabi ni Konsehal PM Vargas ng Quezon City, importanteng maisulong ang mga programang makapagbibigay trabaho sa mas maraming mamamayan, lalo na’t tumaas ang presyo ng bilihin bunsod ng kaguluhan sa Ukraine at dahil na rin sa patuloy na pandemya. “Kailangan natin isulong ang mas malawakan pa, at mas lalong pinalakas na mga programang nagbibigay ng …

Read More »

Navotas Coastal development

Navotas

INIANUNSYO ng pamahalaang lungsod ng Navotas na nagbunga na ang matagal nitong plano na pinakamalaking proyektong pabahay para sa mga Navoteño, ang Navotas Coastal Development. Ayon kay Mayor Toby Tiangco, ang proyektong ito ay pinagplanohan nila ni Congressman John Rey Tiangco kasama ang San Miguel Corporation at walang gagastusin ang lokal na pamahalaan ng Navotas. Anang magkapatid na Tiangco, sa …

Read More »

Lider ng ‘gun-for-hire’ gang, tiklo sa Montalban

Arrest Posas Handcuff

ARESTADO ang isang lalaking nakatalang No. 1 most wanted sa kasong murder at dalawang bilang ng kasong attempted murder sa bayan ng Rodriguez (Montalban), lalawigan ng Rizal, nitong Sabado ng hapon, 12 Marso. Sa ulat ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo, Jr., hepe ng lokal na pulisya, kay Rizal PNP Provincial Director P/Col. Dominic Baccay, kinilala ang suspek na si Juan …

Read More »

6 tulak, kawatan timbog sa Bulacan

Bulacan Police PNP

MAGKAKASUNOD na nasukol ang anim na hinihinalang tulak ng ilegal na droga at isang wanted person na may kasong pagnanakaw sa isinagawang anti-criminality operations ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan mula Sabado hangang Linggo ng umaga (12-13 Marso). Iniulat ni P/Col. Rommel Ochave, acting provincial director ng Bulacan PPO, nagresulta ang magkakahiwalay na buy bust operations na ikinasa ng Station …

Read More »

Drug den sa Subic binuwag 2 operators, kasabwat, nasakote

shabu drug arrest

NABUWAG ang isang pinaniniwalaang drug den habang nadakip ng mga awtoridad ang dalawang nagpapatakbo nito kabilang ang isang kasabwat sa inilatag na drug raid bago maghatinggabi nitong Sabado, 12 Marso. Magkatuwang na isinagawa ang operasyon ng mga operatiba ng PDEA Zambales Provincial Office, PDEU Zambales PPO, 2nd PMFC, at Subic police. Kinilala ang mga arestadong suspek na sina Eduardo Delos …

Read More »

Halos 9,000 kababaihan sa QC tumanggap na ng “Tindahan ni Ate Joy”

Joy Belmonte

AABOT sa siyam na libong (9,000) kababaihan sa Quezon City (QC) ang nakatanggap na ng ayudang “Tindahan ni Ate Joy” — isang livelihood program ni Mayor Joy Belmonte. Naiulat ni Belmonte nitong weekend, P10,000 halaga ng mga paninda para sa sari-sari store ang naipamigay na nila sa bawat isa ng kabuuang bilang na 2,389 ng kababaihan mula pa noong 2013 …

Read More »

Sa Misamis Occidental
Mayoral candidate sugatan sa pamamaril

Gun Fire

SUGATAN ang isang tumatakbong alkalde ng bayan ng Calamba, sa lalawigan ng Misamis Occidental, matapos barilin ng hindi kilalang suspek nitong Linggo ng umaga, 13 Marso. Kinilala ang biktimang si George Matunog, Jr., 55 anyos, kandidato sa pagkaalkalde ng bayan ng Calamba, sa nabanggit na lalawigan. Ayon kay P/Col. Anthony Placido, provincial director ng Misamis Occidental PNP, kalalabas ni Matunog …

Read More »

Tangka sa buhay ng konsehal pinigilan
PULIS-BATANGAS, 3 PA UTAS, 2 SUGATAN

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang apat na indibidwal kabilang ang isang pulis, habang sugatan ang dalawang sibilyan, sa barilang naganap sa isang sabungan sa bayan ng Calatagan, lalawigan ng Batangas, nitong Sabado ng gabi, 12 Marso. Kinilala ang napaslang na pulis na si Pat. Gregorio Panganiban, Jr., nakatalaga sa Calatagan MPS bilang Assistant Finance Police Non-Commissioned Officer at miyembro ng Traffic …

Read More »

Kotse bumangga sa poste, nagliyab 4 pasahero patay

road accident

NAGLIYAB ang isang kotse nang bumangga sa isang street light sa kahabaan ng pangunahing highway na bahagi ng Brgy. Anquiray, bayan ng Amulung, lalawigan ng Cagayan, nagresulta sa kamatayan ng driver at tatlo niyang pasahero dakong 11:00 pm, nitong Sabado, 12 Marso. Sa ulat ng Cagayan PPO nitong Linggo, 13 Marso, minamaneho ni Nicole Jarrod Molina, negosyante at residente ng …

Read More »

Lolang vendor kinulata, ninakawan ng bebot

P500 500 Pesos

KINULATA nang husto ng isang babae ang isang lolang vendor ng kakanin sabay ninakaw ang perang pinagbentahan nito sa Malabon City, kamakalawa ng hapon. Bagamat nakatakas, agad din naaresto ang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya ni Malabon Police Sub-Station 5 commander P/Lt. Mark Xyrus Santos, na kinilalang si Jennylyn Cantuba, 29 anyos, residente sa Block 7, Lot 18, Phase 1 …

Read More »

Vintage bombs nahukay sa hospital compound

Caloocan City

TATLONG unexploded ordnance at apat na exploded ordnance ang nadiskubre ang mga vintage bomb o Explosive Remnants of War (ERW) sa isang excavation site sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Ayon sa ulat, dakong 3:20 pm nang madiskubre ang nasabing ERW sa excavation site sa loob ng Manila Central University (MCU) Compound na matatagpuan sa Morning Breeze St., Brgy. 84, …

Read More »

Lacson camp kay Robredo:
IDEKLARA SA PUBLIKO NA (WALANG) UGNAYAN SA KOMUNISTA

031422 Hataw Frontpage

TINUGON ng kampo ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson ng isang hamon na harapang itanggi o kompirmahin ni Vice President Leni Robredo ang alyansa ng komunistang grupo sa kandidatura sa pampanguluhang halalan. Ayon kay dating House Committee on Public Order and Safety chairman at tagapagsalita ni Lacson sa peace and order na si Ret. General Romeo Acop, ito ay …

Read More »

Hindi batugan, bopols, at matapobre
KASUNOD KO SA PALASYO, DAPAT ABOGADO – DIGONG

031422 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO UMAASA si Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte na isang abogado ang papalit sa kanya sa Palasyo dahil mahusay at matalas magdesisyon ang isang manananggol. Inihayag ito ni Duterte sa panayam ni Kingdom of Jesus Christ (KOJC) at akusado sa kasong child sex trafficking sa Amerika na si Pastor Apollo Quiboloy kamakalawa. “Hindi naman ako nagsabi it’s the best …

Read More »

Almarinez free Wi-Fi facilities sa Laguna, malaking tulong

Almarinez free Wi-Fi

DAHIL sa negatibong epekto ng CoVid-19 sa ekonomiya, nagbigay ng libreng 60 WI-FI facilities si San Pedro, Laguna congressional candidate Dave Almarinez sa 27 barangay sa lugar. Layunin ng serbisyo na tinawag na “Dave Almarinez WI-FI Zone” ay para makatulong sa mabilis na pagrekober ng mga residente sa nangyaring paglagapak ng ekonomiya bunsod ng pandemya. Inilagay ang mga internet infrastructure …

Read More »

Yorme suportado ni Patricia Javier

Isko Moreno Patricia Javier

I-FLEXni Jun Nardo SUMUPORTA ang dating member ng That’s Entertainment, actress at beauty queen na si Patricia Javier sa kampanya ni presidentiable Isko Moreno sa San Miguel, Bulacan nitong nakaraang mga araw. Produkto ng That’s Enetertainment si Yorme Isko bago inagaw ng politika. Kaya hindi kataka-taka kung suportahan din siya sa dating programa ni Kuya Germs.

Read More »

Sharon natameme, ‘inupakan’ at inulan ng negative comments

Sharon Cuneta

HATAWANni Ed de Leon “GOOD vibes” na lang daw  at mukhang natameme si Sharon Cuneta nang ulanin ng mga basher at negative comments dahil sa sinabi niyang “kinilabutan” siya nang kantahin ng isang politiko ang kanyang kanta, at bilang singer daw niyon, papayagan lang niyang kantahin iyon sa rally ng mga kandidatong ine-endoso niya kabilang na nga ang kanyang asawa. Hindi alam ni …

Read More »

Franco Miguel, suportado si Manny Pacquiao

Franco Miguel Manny Pacquiao

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGLABAS ng saloobin niya ang aktor na si Franco Miguel hinggil sa kandidatura ng kaibigang si senator Manny Pacquiao. Ayon sa aktor, hindi niya kayang ipagpalit ang pagkakaibigan nila ng Pambansang Kamao, dahil lang sa politika. Esplika ni Franco, “Ang dami kasing bumatikos sa akin sa paglantad ko ng suporta kay Pacman o kay Senator …

Read More »