Saturday , November 23 2024

News

Nabuking sa palusot na shabu
2 TULAK TIKLO SA BULACAN

shabu drug arrest

BIGO ang dalawang pinaniniwalaang notoryus na tulak na mailusot ang ibibiyahe sana nilang shabu nang maaresto ng mga nakaalertong pulis sa lungsod ng Malolos, lalawigan ng Bulacan, nitong Lunes, 15 Agosto. Sa ulat mula kay P/Lt. Col. Ferdinand Germino, acting chief of police ng Malolos CPS, kinilala ang dalawang nadakip na suspek na sina Zaldy Feliciano, ng Angeles, Pampanga; at …

Read More »

 “Ituro at ikuwento sa ating mga anak ang mayamang kasaysayan ng Bulacan.” – Sen. Villanueva

Joel Villanueva Bulacan

HINIKAYAT ni Senate Majority Floor Leader Senator Joel Villanueva ang mga Bulakenyo na ipasa sa susunod na henerasyon ang mayamang kasaysayan ng lalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng pagtalakay sa paksa tungkol dito sa mga hapag-kainan sa ginanap na Ika-444 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bulacan sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes, 15 Agosto. Sa kanyang talumpati …

Read More »

P/BGen. Pasiwen itinalaga na bilang Central Luzon Top Cop

Matthew Baccay Cesar Pasiwen Bulacan PNP PRO3

IPINAUBAYA na ni P/BGen. Matthew Baccay ang kanyang puwesto kay P/BGen. Cesar Pasiwen nitong Martes, 16 Agosto. Idinaos ang seremonya ng Change of Command sa PRO3 Patrol Hall, Camp Olivas, lungsod ng San Fernando, lalawigan ng Pampanga, kasama si Area Police Command-North Luzon Commander P/MGen. Felipe Natividad bilang presiding officer. Sinalubong ng Arrival Honors ang bagong Regional Director na dati …

Read More »

Angelica inamin nagkaroon ng trauma ‘pag nadadagdagan ang timbang

Angelica Panganiban Camille Prats

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Angelica Panganiban sa Youtube vlog ng kaibigan na si Camille Prats, ay nagbalik-tanaw ang dalawa sa naranasan nila  noong mga teen-ager pa lang sila, na kino-call out ang atensiyon nila kapag nadaragdagan ang kanilang timbang. Hindi kasi sila magandang tingnan sa screen, sa show nila noon na Gimik, kasama sina Carlo Aquino, John Prats, at Hearth Evengelista. Si Camille ang …

Read More »

MAYOR VICO PANG ‘SENIOR’ NA ANG TUHOD
Binawalan ng sobrang paglalakad

Vico Sotto

MA at PAni Rommel Placente SA pamamagitan ng kanyang Facebook account noong Sabado, August 13, ay ibinahagi ni Pasig Mayor Vico Sotto na sumailalim siya sa isang medical procedure na may kinalaman sa nararamdaman niyang sakit sa tuhod. Dahil dito, sinabi niya sa kanyang mga constituent na hindi na muna niya mapupuntahan ang ilang mahahalagang events na nakakalendaryo na sa kanyang opisina. Facebook post …

Read More »

Sa ika-444 anibersaryo ng pagkatatag ng Bulacan
VILLANUEVA, FERNANDO, CASTRO NANGUNA SA SELEBRASYON AT PAGBIBIGAY-PUGAY 

Joel Villanueva Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan

PINANGUNAHAN ng Bulakenyong Senador at Senate Majority Leader Emmanuel “Joel” Villanueva, kasama sina Gobernador Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro, ang pagdiriwang ng ika-444 Anibersaryo ng Pagkakatatag ng Bulacan sa Bulacan Capitol Gymnasium, sa lungsod ng Malolos, nitong Lunes, 15 Agosto. Sa temang “Katatagan ng mga Bulakenyo, Hiyas ng Nagkakaisang Pilipino,” nagsimula ang programa sa pag-aalay ng bulaklak sa …

Read More »

P.340-M droga kompiskado sa 5 miyembro ng criminal group

shabu

ARESTADO ang limang hinihinalang miyembro ng Randy Domingo Crime Group sa ikinasang buy bust operation ng Provincial Intelligence Unit sa bayan ng San Mateo, lalawigan ng Rizal, nitong Linggo, 14 Agosto 2022. Sa ulat ni P/Maj. Joel Custodio, hepe ng Provincial Intelligence Unit (PIU), kinilala ang mga suspek na sina Reden delas Armas, alyas Den-Den, Catherine Niegas, alyas Cathy, Benjie …

Read More »

5.5 magnitude na lindol yumanig sa Davao del Sur

earthquake lindol

NIYANIG ng magnitude 5.5 lindol ang lalawigan ng Davao del Sur nitong Lunes ng hapon, 15 Agosto. Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang epicenter ng tectonic na lindol, 12 kilometro timog kanluran ng Magsaysay, Davao del Sur na tumama dakong 4:23 pm, kahapon. Dagdag ng ahensiya, naramdaman ang lindol sa mga sumusunod na lugar: Intensity …

Read More »

Sa Bulacan
7 TUPADA BOYS, 2 KAWATAN, 2 TULAK TIMBOG

Bulacan Police PNP

NADAKIP ng mga awtoridad ang ang pitong nagtutupada, dalawang suspek sa insidente ng nakawan, at dalawang hinihinalang tulak sa pinatindi pang operasyon kontra kriminalidad sa lalawigan ng Bulacan nitong Linggo, 14 Agosto 2022. Ayon kay P/Col. Charlie Cabradilla, acting provincial director ng Bulacan PPO, naaresto ang dalawang suspek sa naging maagap na pagresponde ng mga tauhan ng Paombong MPS sa …

Read More »

Muntinlupa ginawaran ng Best City Police Station Award ng SPD

Muntinlupa Police

IGINAWAD sa Muntinlupa City Police ng Philippine National Police (PNP) ang Best City Police Station Award bilang pinakamahusay sa Southern Police District (SPD). Ipinagkaloob ang parangal  para sa namumukod-tanging pagganap ng Muntinlupa Police sa ilang kategorya, kabilang ang paglutas ng krimen at pakikipag-ugnayan sa komunidad. Kinilala rin ng PNP sina P/SSgt. Reynold Sajulga Aguirre bilang Best Junior Police Non-Commissioned Officer …

Read More »

Las Piñas, safe city sa Metro Manila

Las Piñas City hall

IDINEKLARA ang Lungsod ng Las Piñas bilang Safe City sa buong Metro Manila, sa ginanap na 121st Police Service Anniversary sa NCRPO Hinirang Hall, Taguig City, nitong nakaraang Martes, 9 Agosto. Ang naturang parangal ay ibinatay sa naging performance ng Las Piñas dahil sa pagkakaroon ng pinakamababang antas ng krimen at may pinakamataas na bilang ng mga naarestong suspek na …

Read More »

581 MMDA traffic personnel ide-deploy sa school zones simula sa pasukan ng klase — MMDA

MMDA, NCR, Metro Manila

AABOT sa 581 Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) traffic personnel ang ide-deploy ng ahensiya sa mga school zone at mga lansangan malapit sa eskuwelahan sa Metro Manila. Katuwang ng Department of Education (DepEd) ang MMDA para matiyak ang maayos at ligtas na pagbabalik eskuwela ng mga mag-aaral ngayong buwan ng Agosto. Ayon kay MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga, tuloy-tuloy din …

Read More »

Kableng ninakaw, Metro sa C-5 road, Taguig napalitan na

electric wires

NAPALITAN na ang ninakaw na metro at kawad ng koryente sa C5 road sa lungsod ng Taguig. Hinimok ng pamahalaang lungsod ng Taguig ang mga residente na maging mapagmatyag upang hindi na maulit ang nakawan ng mga kable ng koryente at kontador sa kanilang lugar. Pinangunahan ni Taguig City Mayor Lani Cayetano, katuwang ang Brgy. Pinagsama at Local Utility Office …

Read More »

Sa Valenzuela
ONLINE CASINO AGENT KULONG SA P.1-M SHABU

shabu drug arrest

BAGSAK sa kulungan ang isang online casino agent matapos makuhaan ng mahigit P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kahapon ng madaling araw. Kinilala ni P/Lt. Doddie Aguirre, hepe ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Valenzuela City police ang naarestong suspek na si Niño Nicanor Faustino, Jr., 42 anyos, online casino …

Read More »

Bawas presyo ng langis ngayong Martes

oil gas price

PANIBAGONG pagbawas sa presyo ng produktong petrolyo ngayong Martes inianunsiyo ng mga kompanya ng langis. Bilang ika-8 sa sunod na linggo sa diesel at ika-7 sa gasolina ngayong taon. Sa advisory ng Chevron Philippines, babawasan nila ang kanilang pump prices ng mga produktong gasolina ng P0.10 sa kada litro, diesel ng P1.05 kada litro at kerosene ng P0.45 centavos kada …

Read More »

Babala ni Tulfo, BROWNOUT/BLACKOUTS PUWEDENG SAMANTALAHIN NG TERORISTA

Electricity Brownout

NAGBABALA si Senator Raffy Tulfo, ang laganap na brownout sa iba’t ibang probinsiya ay nagdudulot ng malaking banta sa pambansang seguridad. Sa kanyang programang “Wanted sa Radyo” na ipinalabas noong Biyernes, 12 Agosto, sinabi ni Tulfo, ang kapalpakan ng mga ahensiya ng gobyerno na matugunan ang paulit-ulit na problema sa brownout ay maaaring makaapekto sa pagpapanatili ng kapayapaan at kaayusan …

Read More »

Panukalang learning recovery program muling inihain ni Gatchalian

Win Gatchalian ARAL

SA GITNA ng mataas at nakababahalang antas ng learning poverty sa bansa, muling inihain ni Senador Win Gatchalian ang isang panukalang batas na layong magpatupad ng learning recovery program sa buong bansa upang tugunan ang epekto ng matagal na pagsasara ng mga paaralan dahil sa pandemyang dulot ng CoVid-19. Ang Senate Bill No. 150 o ang Academic Recovery and Accessible …

Read More »

Monkeypox victim ligtas, nakauwi na

Monkeypox

TAHASANG sinabi ni Department of Health (DOH) Officer-In-Charge Maria Rosario Singh-Vergeire na ligtas at nakauwi sa kanyang pamilya ang naitalang unang kasong monkeypox sa bansa. Ayon kay Vergeire sa kanyang pagdalo sa Senate Committee on Health and Demography na pinamumunuan ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, mismong ang mga doktor na ang tumingin dito ang nagrekomenda na ligtas na siya …

Read More »

Importasyon ng asukal pinayagan kahit lingid sa kaalaman ni FM Jr.

Sugar

SA GITNA ng kontrobersiya sa importasyon ng asukal, inako ng nag-resign na Agriculture Undersecretary Leocadio Sebastian na siya ang pumirma sa mga dokumento sa pag-angkat nito. Sa isang joint briefing ng House committee on good government at Committee on Agriculture kahapon, sinabi ni Sebastian, siya ang pumirma sa resolusyon sa pag-angkat ng 300,000 metric tons ng asukal na walang pabihintulot …

Read More »

MMDA acting chair positibo sa Covid-19

Covid-19 positive

KINOMPIRMA ng Metropolitan Manila Devlopment Authority – Public lnformation Office (MMDA-PIO), nagpositibo sa CoVid 19 si MMDA Acting Chairman Carlo Dimayuga. Ayon kay Sharon Demantillan ng PIO, sumalang si Dimayuga kahapon sa antigen test ngunit lumabas sa resulta na positibo sa naturang virus. Mild symptoms lang aniya ang mararamdaman ng MMDA chairman ngunit kailangan pa rin siyang sumunod sa health …

Read More »

Natagpuang bangkay ng teenage lady biker kinilala ng 62-anyos ama

Princess Marie Dumantay

KINILALA ng kanyang sariling ama ang lady biker na unang iniulat na nawawala at natagpuan ang katawan sa madamong bahagi ng  Bypass Road, sa Brgy. Bonga Menor, bayan ng Bustos, sa lalawigan ng Bulacan nitong Biyernes, 12 Agosto. Kinilala ng kanyang amang si Rolando Dumantay, 62 anyos, residente sa Brgy. Graceville, San Jose del Monte, ang biktimang si Princess Marie …

Read More »

Kagutuman lalala
PAGWAWAKAS SA GUTOM PANAGINIP NI FM JR.

Bongbong Marcos BBM Arlene Brosas Gabriela

IMAHINASYON lamang ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pangarap niyang wakasan ang gutom sa bansa. Ayon kay Gabriela Partylist Rep. Arlene Brosas, imbes puksain, lalong lalala ang kagutuman dahil sa panibagong pagtaas sa mga presyo ng pangunahing bilihin kagaya ng sardinas at noodles. Ani Brosas, inaprobahan ito ng Department of Trade and Industry (DTI) sa gitna ng lumalalang kagutuman at …

Read More »

ex-vice mayor ng Lobo, Batangas binoga sa debut

TODAS sa bala ng boga ang dating bise alkalde matapos barilin habang nagbibigay ng kanyang pagbati sa isang debut party nitong Huwebes, 11 Agosto sa Sitio Cupang, Brgy. Tayuman, sa bayan ng Lobo, lalawigan ng Batangas. Kinilala ni P/Capt. Roy Cuevas, hepe ng Lobo MPS, ang biktimang si Romeo Sulit, 61 anyos, bise alkalde ng bayan ng Lobo mula 1998 …

Read More »

Sa Bukidnon
BUS NAHULOG SA BANGIN 31 PASAHERO NAKALIGTAS

road accident

NAHULOG sa isang bangin sa Sayre Highway, sa bayan ng Manolo Fortich, lalawigan ng Bukidnon ang isang bus na may sakay na 31 pasahero nitong Sabado ng gabi, 13 Agosto. Ayon kay P/SMSgt. Larie Eco, imbestigador ng Manolo Fortich MPS, bagaman walang naiulat na namatay sa aksidente, lima sa 31 pasahero ang naiulat na bahagyang nasugatan. Sa ulat ng Manolo …

Read More »

Asunto vs Angono ex-mayor absuwelto sa Ombudsman

ombudsman

IBINASURA ng Ombudsman ang kasong graft, grave misconduct, at abuse of authority sa dating alkalde ng Angono, Rizal dahil sa paggamit ng lupang nasa pampang ng Laguna de Bay. Sa siyam na pahinang resolusyon, ipinawalang-sala ng Ombudsman ang inihaing kaso laban kay dating Angono Mayor Gerardo Calderon kaugnay sa pagpapatayo ng isang pasyalan sa lupang inaangkin ng isang Cecilia Del …

Read More »