Saturday , July 27 2024
NAIA plane flight cancelled

13 flights kanselado sa pagputok ng Mt. Kanlaon

INIANUNSIYO ng tatlong airline companies na Air Asia, Cebu Pacific, at Philippine Airlines (PAL), ang suspensiyon ng ilang biyaheng domestiko  dahil sa pagputok ng bulkang Mt. kanlaon.

Unang nag-abiso ang Cebu Pacific para sa apat na domestic flights na kanselado kabilang ang 5J 473/474  Manila – Bacolod – Manila; 5J 451/452 Manila – Iloilo – Manila.

Habang anim sa Air Asia ang kanselado ngayong umaga dahil sa epekto ng aktibidad ng Mt. Kanlaon, kabilang na dito ang Z2 761/762 Manila-Cebu-Manila;

Z2 603/604 Manila-Bacolod-Manila;

At Z2 306/307 Manila-Iloilo-Manila

Samantala nag-anunsiyo na rin ng kanselasyon ang Philippine Airlines (PAL) para sa kanilang biyaheng Manila-Cebu-Manila 2P 2139/2140 Manila-Iloilo-Manila at 2P 2835 Manila-to-Cebu.

Ilan lamang ito sa mga kanselado at agad inabisohan ang mga apektadong pasahero upang maiwasan ang abala sa paliparan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …