Tuesday , June 25 2024
arrest, posas, fingerprints

2 MWPs nasakote sa Vale

DALAWANG lalaki na wanted sa kasong Rape at Homicide ang nakalawit ng pulisya sa magkahiwalay na manhunt operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon.

Sa ulat ni Valenzuela City police chief P/Col. Nixon Cayaban, dakong 3:10 pm nang maaresto ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng Valenzuela police at Northern NCR Maritime Police Station sa joint manhunt operation sa Pitacion St., Elysian Subdivision, Brgy. Marulas, ang 39-anyos lalaking itinago sa pangalang Tiago.

Binitbit ng pulisya ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Maria Nena J. Santos ng Regional Trial Court (RTC) Branch 171, Valenzuela City noong 30 Mayo 2024 para sa kasong Rape.

Nauna rito, 1:30 pm nang madakip ng mga operatiba ng Valenzuela Police Station Intelligence Section sa pangunguna ni P/Major Randy Llanderal sa manhunt operation sa M.H. Del Pilar Road, Brgy. Arkong Bato, ang isa pang akusado na si alyas Anjo, 38 anyos, ng Malabon City.

Ayon kay Major Llanderal, inaresto nila ang akusado sa bisa ng warrant na inisyu ni Acting Presiding Judge Corazon D. Soluren ng RTC Branch 170, Malabon City noong 30 Oktubre 2007, para sa kasong Homicide.

Pansamantalang nakapiit sa custodial facility unit ng Valenzuela police ang mga akusado habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order mula sa korte. (ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

arrest, posas, fingerprints

No. 3 MWP ng Leyte  
NAARESTO SA CALOOCAN

ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa Leyte …

shabu drug arrest

P.2M shabu kompiskado  
BEBOT, ISA PA, TIKLO SA VALE AT KANKALOO

DALAWANG pinaghihinalaang tulak ng ilegal na droga, kabilang ang isang bebot ang inaresto matapos makuhaan …

SAF hinikayat ni Cayetano para sa ‘transformative’ role sa bansa

PARA kay Senator Alan Peter Cayetano, maaaring makakuha ng inspirasyon ang ating mga kababayan mula …

MATATAG curriculum

Creative & critical thinking ng Pinoy students inaasahang patatalasin ng MATATAG curriculum

KOMPIYANSA si Senador Win Gatchalian na tataas ang antas ng creative at critical thinking skills …

prison rape

Most wanted sa statutory rape
68-ANYOS LOLO TIMBOG SA VALE

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong …