Thursday , June 13 2024

Apela sa mga senador  
GUO TANTANAN, PAGIGING PINOY MAS IGINIIT PA

060624 Hataw Frontpage

BOLUNTARYONG nagsumite ng kanyang personal letter si Mayor Alice Guo sa Senate Committee Secretariat upang linawin ang ilang isyu na iniuugnay sa kanyang pamumuno bilang alkalde ng Bamban, Tarlac at maging sa kanyang personal na buhay.

Ang liham ni Guo ay dinala ng kanyang abogado na si Atty. Nicole Jamila sa Senado sa layuning isa-isang sagutin ang mga akusasyon sa kanya.

“Mayor Guo, who has been embroiled in a series of allegations since the beginning of her term, expressed her desire for her side to be heard and for the truth to be revealed. Despite previous hearings, she believes that there is more to her story that needs to be shared with the public and the Honorable members of the Senate Committee,” paliwanag ni Atty Jamila.

Ayon kay Atty. Jamila, ilan sa nakasaad sa liham ay ang pagkakaugnay ni Mayor Guo sa BAOFU project, sa HongSheng at ang pagkakaugnay ng kanyang pangalan sa ilang mga dokumento at maging ang isyu sa espionage at money laundering.

Sa nasabing liham ay hindi itinatanggi ni Mayor Guo ang pagkakaugnay sa BAOFU na siya ay nag-invest ng pitong ektaryang lupa ngunit bago pa man magsimula ang pagtatayo ng mga gusali ay ibinenta na niya ang kanyang shares para magamit sa ibang negosyo.

Patungkol sa kaugnayan sa HongSheng ay tumulong lamang si Mayor Guo bilang lessor ng BAOFU at naging interpreter.

Ang pangalan niya ay lumalabas sa TARELCO document dahil siya ang nag-apply ng  power supply noong incorporator pa ng BAOFU.

Kaugnay ng business permit na inisyu ng Bamban LGU sa Zuan Yuan noong 2023, bunsod ito ng pagtalima ng kompanya sa mga requirements at ito ay isa lamang  provisional license o pansamantala.

Tungkol sa late registered na birth certificate ay dahil hindi kasal ang kanyang mga magulang na sina Jian Zhing Guo at Amelia Leal na isang Filipino. Aniya, malinaw na siya ay isang Filipino at mayroon siyang pasaporte.

“May mga nagsasabing si Lin Wen Yi ang tunay kong ina. Siya ay kasama sa mga kompanya ng aming pamilya, ngunit si Amelia Leal ang aking ina sa lahat ng dokumento. Hindi totoo ang paratang na si Amelia Leal ay isang non-existing person. Si Lin Wen Yi ay kinakasama at isang business partner ng aking ama. Hindi siya ang aking Ina,” giit ni Mayor Guo sa kanyang liham.

Nanindigan ang alkalde na hindi siya protektor ng Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) at walang kinalaman sa murder,  prostitution, human trafficking, love scam, money laundering at iba pang cybercrimes at lalong hindi nagnakaw.

“Filipino po ako! Inihalal din katulad po ninyo. May dangal at pagkatao!” giit ni Guo sa kanyang liham.

Sinabi ni Atty. Jamila na nakapaloob sa liham ni Mayor Guo ang ilang personal matters kasama rito ang kanyang family background, childhood experiences, at business activities ng kanyang ama.

Umapela si Mayor Guo sa mga senador at sa publiko na tingnan at pakinggan ang bersiyon ng kanyang panig at huwag agad siyang akusahan.

“Mayor Guo appealed to the Senators and the public to listen to her side of the story before passing judgment. She reiterated her innocence regarding the accusations thrown against her and emphasized her dedication to upholding the dignity and honor of her position as a public servant,” ani Atty. Jamila.

Iginiit ni Atty. Jamila, ang paglapit ni Mayor Guo sa Senado ay pagpapatunay ng kanyang hangarin para sa transparency at accountability.

“It is a bold step towards ensuring that her voice is heard and that justice prevails in the face of adversity,” pagtatapos ni Atty Jamila.  

About hataw tabloid

Check Also

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

DOST assists Damugu sudsud weavers in Talakag, Bukidnon

The Department of Science and Technology Regional Office X recently made strides in its mission …

Eye Mo Moist ken chan

Eye Mo Moist: A must-have item during Silent Outbreak Dry Eye Disease (DED)

Dry eyes disease (DED) is currently emerging as a rapidly spreading but unnoticed epidemic. It …

SANKEI 555 Ball Joint

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation …

Federation of Free Farmer FFF

Rice Tariffication Law (RTF) naging pahirap 
MAGSASAKANG PINOY UNANG TATAMAAN NG MABABANG TARIPA

AMINADO si Leonardo “Ka Leony” Montemayor, Chairman ng Federation of Free Farmers (FFF) na malaki …