Friday , June 21 2024

Para workload ng guro gumaan
BAGONG 5K DEP-ED POSITIONS, MAY BADYET NA — PANGANDAMAN

060624 Hataw Frontpage

KASADO na ang budget para sa paglikha ng mahigit 5,000 non-teaching positions sa Department of Education (DepEd).

Ito ay matapos aprobahan ni Budget Secretary Amenah “Mina” Pangandaman ang kahilingan ng kagawaran na lumikha ng karagdagang mga posisyon para sa fiscal year 2024.

Ayon kay Pangandaman, ang hakbanging ito ay inaasahang makapagpapagaan sa workload ng mga pampublikong guro sa buong bansa.

Binigyang-diin ni Pangandaman na ang kanyang direktiba ay sumasalamin sa commitment ng kasalukuyang Marcos administration na tutukan ang kabuuang kapakanan ng mga guro at mag-aaral.

Paliwanang ni Pangandaman, tinutupad ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos,Jr., ang campaign promise niya na kanyang hindi pababayaan ang sektor ng mga guro.

“Our educators already have their plates full. By approving the creation of 5,000 non-teaching positions, we aim to relieve teachers of administrative tasks and allow them to focus on quality instruction. This move will significantly benefit our educators and enhance the country’s education system,” sambit ni Pangandaman.

Isiniwalat ni Pangandaman na ide-deploy ang 5,000 non-teaching positions sa loob ng DepEd, mga Administrative Officer (AO) II positions na may Salary Grade (SG) 11 para sa FY 2024, sa iba’t ibang School Division Office at mga paaralan sa Cordillera Administrative Region, National Capital Region (NCR), Regions I, II, III, IV-A, IV-B, V, VI, VII, VIII, IX, X, XI, XII, at CARAGA.

Dagdag ni Pangandaman, ang nararapat na kailangang pondo para sa mga filled positions mula sa nilikhang mga posisyon, ay manggagaling sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund sa FY 2024 General Appropriations Act, habang ang Retirement at Life Insurance Premium ay babayaran mula sa Automatic Appropriations.

Upang maisakatuparan ang nasabing layunin, binanggit ni Pangandaman na naglabas ang DepEd ng DepEd Order No. 002, s. 2024 na nag-uutos ng pagtanggal ng mga gawaing administratibo mula sa workload ng mga guro, na nagbibigay-daan sa kanila na tumutok at mapakinabangan ang kanilang oras sa proseso ng pagtuturo at pagkatuto. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Samuel Pabonita Pasay Police

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad …

3,000 Caviteños Cayetano DSWD

3,000 Caviteños nagpasalamat sa suporta mula sa mag-utol na Cayetano at DSWD

PINAIGTING ng mga tanggapan nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano ang kanilang pagbisita sa …

062124 Hataw Frontpage

Indigenous gas dev’t bedrock ng PH sa kinabukasan ng enerhiya — Prime Energy exec

TAHASANG sinabi ng isang executive officer ng Prime Energy Resources Development (Prime Energy) na hindi …

062124 Hataw Frontpage

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang …

shabu drug arrest

2 tulak huli sa Malabon, Vale buybust

DERETSO sa hoyo ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay …