Wednesday , June 19 2024
Kampanya pinaigting ng Muntinlupa DENGUE, ‘DI PUWEDE
MAS pinalalakas ng Muntinlupa ang mga hakbang para iwasan ang dengue sa pamamagitan ng mga programang humihikayat sa komunidad na makilahok sa iba’t ibang clean-up activities gaya ng Make Your City Proud (MYCP), isang volunteerism program ng lungsod na hinihikayat ang mga residente na makilahok sa sabayang paglilinis sa lahat ng barangay. Sa buong buwan ng Hunyo, ginaganap ang dengue prevention month, magkakaroon ng mga lecture sa iba’t ibang komunidad tungkol sa pag-iwas sa dengue. (EJ DREW)

Kampanya pinaigting ng Muntinlupa  
DENGUE, ‘DI PUWEDE

MAS PINALALAKAS ng Muntinlupa ang mga hakbang para iwasan ang dengue sa pamamagitan ng mga programa na humihikayat sa komunidad na makilahok sa iba’t ibang clean-up activities.

Sa ilalim ng programang Make Your City Proud (MYCP), isang volunteerism program ng lungsod, hinihikayat ang mga residente na makilahok sa sabayang paglilinis sa lahat ng barangay. Sa buong buwan ng Hunyo, kung kailan ipinagdiriwang ang dengue prevention month, magkakaroon din ng mga lecture sa iba’t ibang komunidad tungkol sa pag-iwas sa dengue.

“Ang laban kontra dengue ay nangangailangan ng pagkakaisa ng buong komunidad. Ang kaligtasan ng ating mga pamilya ay isang sama-samang responsibilidad, at nagpapasalamat ako sa aktibong pakikilahok ng ating komunidad,” sabi ni Mayor Ruffy Biazon.

“Sama-sama, kaya nating bawasan ang panganib ng dengue at lumikha ng mas malusog na kapaligiran para sa lahat,” aniya.

Kailangan mag-sign-up ang mga residente sa mga aktibidad na nais nilang salihan, mag-volunteer, at makakukuha sila ng puntos sa ilalim ng programang MYCP. Ang mga puntos ay maaaring ipalit sa mga produkto mula sa Kenny Rogers, Pancake House, grocery items, at iba pa.

Ayon sa World Health Organization (WHO), ang dengue ay kumakalat sa pamamagitan ng kagat ng babaeng lamok (Aedes aegypti). (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

SM Supermalls 100th Job Fair 1

SM Supermalls Celebrates Milestone with 100th Job Fair

June 14, 2024 – Manila, Philippines –SM Supermalls proudly hosted its 100th job fair, reinforcing …

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

BUMUHOS ang suporta para sa isang 26-anyos ‘mangangalakal’ na biktima ng pambubugbog at pagmamaltrato ng …

Mark Leviste Vilma Santos

VG Mark handang magparaya kay Ate Vi sakaling tatakbo muling gobernador

I-FLEXni Jun Nardo NAKARATING kay Batangas Vice Governor Mark Leviste ang pahayag ni Finance Secretary Ralph Recto na kinu-consider …

Queen Vi Rodriguez ACT AGRI-KAAGAPAY

ACT AGRI-KAAGAPAY, nakiisa sa parada ng kalayaan 2024

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAKIISA ang Act Agri-Kaagapay Organization, isang non-government organization na nagsusulong …

Lito Lapid

Lapid: Raid sa POGO hub sa Pampanga, isama sa Senate investigation

NANAWAGAN si Senador Lito Lapid sa Senado na isama sa imbestigasyon ang pagsalakay ng mga …