Thursday , December 26 2024

Metro

Babaeng pasahero ipinahiya ng driver, suspensiyon ng lisensiya inirekomenda ng LTFRB

LTO LTFRB

INIREKOMENDA ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) sa Land Transportation Office (LTO) na magpataw ng suspensiyon laban sa lisensiya sa pagmamaneho ng  jeepney driver na sangkot sa panghihiya sa  kanyang pasahero dahil sa katabaan. “The Board hereby recommends to the Land Transportation Office that the driver’s license of Mr. Arneto Palisan, be suspended in accordance with RA 4136,” …

Read More »

No. 3 MWP ng Leyte  
NAARESTO SA CALOOCAN

arrest, posas, fingerprints

ARESTADO ang isang lola na nakatala bilang No. 3 most wanted person (MWP) sa Leyte sa isinagawang manhunt operation ng pulisya sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Batay sa ulat ni Caloocan City police chief P/Col. Paul Jady Doles, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station (SS4) hinggil sa kinaroroonan ng 69-anyos lolang itinago sa pangalang Nanay …

Read More »

Most wanted sa statutory rape
68-ANYOS LOLO TIMBOG SA VALE

prison rape

REHAS na bakal ang kinasadlakan ng isang lolo na wanted sa tatlong bilang ng kasong statutory rape matapos matunton ng pulisya sa kanyang tinitirahan sa Valenzuela City, kamakalawa ng hapon. Ayon kay Valenzuela City police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) hinggil sa kinaroroonan ng akusadong si alyas Lolo Ley, …

Read More »

Miss Sta Cruz, waging Ms. Manila ‘24

Aliya Rohilla Ms Manila

HIGIT na nanaig ang ganda, talino, at halagahang may pagkilala sa kakayahang magbahagi ng lakas at pamumuno nang itanghal na Miss Manila 2024 si Aliya Rohilla ng distrito ng Sta. Cruz.  Nangibabaw si Rohilla sa 100 kababaihan sa Maynila na naunang nag-apply para sa prestihiyosong titulo. Personal na iginawad ni Mayor Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan kay Rohilla ang korona, titulo,  …

Read More »

Toll collection sa Cavitex suspendido nang 30 araw

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magandang balitang natanggap niya mula sa Philippine Reclamation Authority (PRA) — iminungkahi ng ahensiya na suspendehin ang pangongolekta ng toll fee para sa lahat ng uri ng sasakyang daraan sa Manila-Cavite Toll Expressway, na sumasaklaw sa mga lugar ng Taguig, Parañaque, Las Piñas, Bacoor, at Kawit, sa loob ng 30 araw. Bahagi ang …

Read More »

2 tulak, laglag sa buybust

shabu drug arrest

SA SELDA bumagsak ng dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos mahuli ng pulisya sa isinagawang buybust operation sa Caloocan City. Sa ulat ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay P/Col. Paul Jady Doles, acting chief of police ng Caloocan City, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa illegal drug activities nina alyas Totong at alyas Dogong kaya ikinasa nila …

Read More »

Sinaksak ni Tibo
WAREHOUSE STAFF, SUGATAN

knife saksak

GRABENG nasugatan ang isang warehouse staff matapos saksakin ng kapitbahay na babae na kanyang nakatalo sa Navotas City, kamakalawa ng gabi. Nasa stable condition na habang nakaratay sa Tondo Medical Center (TMC) sanhi ng saksak sa kaliwang bahagi ng ulo ang biktimang si Jerome Cunanan, 26 anyos, residente sa A. Santiago St., Brgy., 0Sipac Almacen ng nasabing lungsod. Sa ulat …

Read More »

Robbery suspect patay 2 pulis grabeng sugatan

dead gun police

PATAY ang isang robbery suspect habang dalawang pulis ang sugatan sa isang enkuwentro sa lungsod ng Las Piñas kahapon ng hapon. Ayon kay Las Piñas City police chief, Col. Zandro J. Taffalla, isang report ang kanilng natangap at agad na nagresponde ang kanilang mga tauhan sa Annaliza St., Gatchalian Subdivision sa Barangay Manuyo Dos pasado 12:45 ng tanghali. Nagkaroon ng …

Read More »

POGO sa Pasay, krimen walisin — Pasay cop

Samuel Pabonita Pasay Police

INAMIN ni Pasay City Chief of Police Col. Samuel Pabonita, malaking bagay para sa seguridad na nabawasan ang mga ilegal na POGO sa lungsod ng Pasay. Sa panayam sa mga mamamahayag ng Southern Metro Manila Press Club (SMMPC) sinabi ni Col. Pabonita, nabawasan na ang mga nagaganap na krimen dulot ng POGO sa naturang lungsod at mas lalo nila ngayong …

Read More »

2 medyas na puno ng dolyares nawalis sa NAIA3

062124 Hataw Frontpage

HATAW News Team TINATAYANG P1.1 milyon ang halaga ng mga dolyares na nadiskubre sa dalawang medyas na nawalis ng isang airport staff sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kahapon, 20 Hunyo. Sa ulat, nabatid na naglilinis si Rosalinda Cellero, isang building attendant sa NAIA, nang mawalis niya ang mga medyas sa ilalim ng mga upuan malapit sa Immigration counters at …

Read More »

2 tulak huli sa Malabon, Vale buybust

shabu drug arrest

DERETSO sa hoyo ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga matapos matimbog sa magkahiwalay na buybust operation sa mga lungsod ng Malabon at Valenzuela. Sa report ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) kay Malabon police chief P/Col. Jay Baybayan, nakatanggap sila ng impormasyon hinggil sa illegal drug activities ni alyas Tokwa, 37 anyos, kaya ikinasa ng SDEU ang buybust …

Read More »

SPD tiniyak seguridad sa AOR

SPD, Southern Police District

TINIYAK ng Southern Police District (SPD) na gagawin nila ang lahat para mapanagot ang mga nasa likod ng sunod-sunod na iba’t ibang krimen sa ilalim ng kanilang hurisdiksiyon. Sinabi ni SPD director P/BGen. Leon Victor Z.  Rosete na naiintindihan nila ang takot at pangambang dulot ng mga shooting incident sa mga residente ngunit tiniyak na nanatiling pangunahing prayoridad ang kaligtasan …

Read More »

Sa NAIA T3
FLIGHT OPS IIWASANG MAAPEKTOHAN SA UPGRADING NG ELECTRICAL SYSTEM

NAIA Terminal 3

INIHAYAG ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang nakatakdang maintenance activities para sa pag-upgrade ng electrical systems sa NAIA Terminal 3 upang matiyak na tuluy-tuloy ang flight operation lalo tuwing peak hours. Tiniyak ni MIAA General Manager Eric Jose Ines na walang magiging epekto sa flight operation at pagpoproseso sa mga pasahero sa gagawing upgrade na naka-iskedyul simula kahapon, 19 …

Read More »

Sa pekeng MMDA traffic enforcer
P10,000 PABUYA IPAGKAKALOOB SA MAKAPAGTUTURO

MMDA

MAGBIBIGAY ng P10,000 pabuya si acting chairman Romando Artes sa makapagbibigay ng pangalan at tirahan ng lalaking nagpanggap na traffic enforcer ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA). Ayon kay Artes, sa post ng isang netizen, may hinuli ng lalaking nagpakilalang empleyado ng MMDA pero nang hanapan ng ID ng motorista na kanyang hinuhuli ay bigla na lamang umalis. Binigyan-diin ni …

Read More »

Niratrat sa QC
RIDER TODAS, 2 KAPITBAHAY SUGATAN 

gun QC

TODAS ang 44-anyos delivery rider habang dalawa  ang sugatan matapos pagbabarilin ng ‘di kilalang lalaki sa Quezon City nitong Martes ng madaling araw. Dead on arrival sa Maclang Hospital ang biktimang si Gerardo Ebron Obiso, 44, delivery rider, residente sa Litex Road, Brgy. Commonwealth, sanhi ng tama ng bala ng  baril sa dibdib, tiyan, at kanang balikat. Patuloy na inoobserbahan …

Read More »

Naligo sa ulan 
8-ANYOS TOTOY PATAY SA CREEK

Lunod, Drown

WALA NANG BUHAY nang matagpuan ng mga rescuer ang katawan ng isang batang lalaki na sumama sa mga kalaro upang maligo sa ulan hanggang mapadpad sa isang creek sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Kinilala ang biktimang si Jhaycob Anderson Manrique, 8 anyos, residente sa Phase 7-C Package 7, Lot 28, Block 58, Brgy. 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod. …

Read More »

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

‘Mangangalakal’ bugbog-sarado sa 15 sekyu ng Las Piñas subdivision

BUMUHOS ang suporta para sa isang 26-anyos ‘mangangalakal’ na biktima ng pambubugbog at pagmamaltrato ng mga security guard sa isang malaking subdibisyon sa Las Piñas City matapos humingi ng saklolo sa media upang makamit ang hustisya laba sa malahayop na pagtratong kanyang naranasan. Ayon sa salaysay ni Marjhorie Kirit, 30 anyos, kapatid ng biktimang si Mervin Kirit, 26 anyos, nangangalakal …

Read More »

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan sa ginanap na simpleng seremonya sa City Hall grounds nitong 11 Hunyo 2024. Ang mga bagong karagdagang sasakyan ay kinabibilangan ng pitong compactor trucks, dalawang mini dump trucks, isang manlift truck para sa City Environment and Natural Resources Office (CENRO), at isang mobile laboratory sa …

Read More »

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon kasabay ng pagdiriwang ika-126 Araw ng Kalayaan o Independence Day, 12 Hunyo 2024. Pinangunahan ng Ina ng Lungsod, Mayor Emi Calixto-Rubiano ang Kalayaan Job Fair na isinagawa sa SM Mall of Aisa Music Hall at dinaluhan din ni Cong. Tony Calixto, mga kinatawan ng Department …

Read More »

Produktong Japan ginaya
NBI NAGHAIN NG SUBPOENA SA EXPO BOTH NG SANKEI 555

SANKEI 555 Ball Joint

SA IMPORMASYONG imitasyon at hindi orihinal ang produktong naka-display, inihain ng National Bureau of Investigation (NBI) ang subpoena sa isang exhibition booth sa Pasay City.  Pinangunahan ni Agent Rodolfo Ignacio, executive officer ng Intellectual Property Rights Division ng NBI, ang paghahain ng subpoena kasabay ng imbestigasyon para sa pagsusuri sa mga produktong Sankei 555 gaya ng mga piraso ng manibela …

Read More »

Tulak timbog sa Navotas buybust ops

shabu drug arrest

ARESTADO ang isang lalaki na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos kumagat sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Navotas City. Ayon kay Navotas City police chief P/Col. Mario Cortes, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa pagbebenta ng droga ni alyas Jimmy, 51 anyos,  residente sa nasabing lungsod kaya isinailalim ito …

Read More »

Balik-hoyo  
HVI NA TULAK, TIMBOG SA VALE

shabu drug arrest

MULING NAARESTO ang isang tulak ng ilegal na droga na itinuturing bilang high value individual (HVI) sa ikinasang buybust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ng bagong hepe ng Valenzuela police si P/Col. Nixon Cayaban, ang naarestong suspek na si alyas Dante Lalog, 38 anyos, ng Tañada Subd., Brgy. Gen. T. De Leon, Karuhatan. Ayon kay …

Read More »

Kampanya pinaigting ng Muntinlupa  
DENGUE, ‘DI PUWEDE

Kampanya pinaigting ng Muntinlupa DENGUE, ‘DI PUWEDE

MAS PINALALAKAS ng Muntinlupa ang mga hakbang para iwasan ang dengue sa pamamagitan ng mga programa na humihikayat sa komunidad na makilahok sa iba’t ibang clean-up activities. Sa ilalim ng programang Make Your City Proud (MYCP), isang volunteerism program ng lungsod, hinihikayat ang mga residente na makilahok sa sabayang paglilinis sa lahat ng barangay. Sa buong buwan ng Hunyo, kung …

Read More »

Sa ilalim ng programang “Kadiwa ng Pangulo”  
VM AGUILAR PATULOY SA PAGTULONG SA LAS PIÑEROS

Sa ilalim ng programang “Kadiwa ng Pangulo VM AGUILAR PATULOY SA PAGTULONG SA LAS PIÑEROS

PATULOY ang pagbibigay ng suporta at tulong ni Las Piñas City Vice Mayor April Aguilar sa komunidad matapos personal na tutukan ang pamamahagi ng ayuda sa mga Las Piñeros sa ilalim ng Kadiwa ng Pangulo Program na isinagawa sa Verdant Covered Court, Barangay Pamplona Tres sa lungsod. Sa naturang programa naghandog ng abot-kayang mga produktong pagkain gaya ng bigas sa …

Read More »