HINDI nakaligtas sa kamatayan ang isang senior citizen matapos hatawin ng martilyo ng tatay ng lalaking kanyang sinita at itinulak kamakalawa ng gabi sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City.
Naisugod pa sa Bernardino Hospital ang biktimang si Aniceto Fernandez Tuquero, 67, pintor, residente sa Brgy. 176, Bagong Silang, Caloocan City ngunit namatay makalipas ang ilang oras.
Ksalukuyang pinaghahanap ang suspek na kinilalang isang Bong de Guzman, 45 anyos, naninirahan sa Brgy. Kaligayahan, Quezon City
Sa imbestigasyon ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), nangyari ang insidente dakong 8:10 ng gabi nitong Martes sa Amethyst HOA, Zabarte Road, Brgy. Kaligayahan, ng nabanggit na lungsod
Bago ang insidente, naglalakad ang mga saksing sina Jeffrey de Jesus, menor de edad na kinilala bilang AYG, at Manuel Domingo matapos ang inuman sa bahay ng huli.
Nakasalubong ng tatlo ng biktima at nagtanong kung sila ay mga sdik. Tumugon si Domingo ng hindi pati si si AYG pero itinulak ng biktima kaya nalaglag ang karga-kargang 7-buwang gulang na anak nito.
Nakita ng suspek ang nangyari kaya sinita ang biktima at hinataw ng martilyo sa ulo.
Agad tumakas ang suspek matapos ang krimen.