Friday , December 5 2025

Local

Sa Mabalacat City, Pampanga
3 SUSPEK SA PAGPASLANG SA DALAWANG PULIS TIKLO

arrest, posas, fingerprints

ILANG oras matapos mapatay ang dalawang pulis sa lungsod ng Mabalacat, lalawigan ng Pampanga nitong Sabado, 3 Disyembre, nasukol ang tatlo sa limang suspek sa isinagawang follow-up operation ng mga awtoridad. Ipinahayag ni PRO3 Regional Director P/BGen. Cesar Pasiwen kamakalawa ng tanghali ang pagkakadakip sa tatlong pangunahing suspek sa krimen na kinilalang sina Jun Jun Baluyut, 44 anyos, ng Xevera …

Read More »

Magulang, pedestrian sugatan sa sumemplang na motorsiklo
SANGGOL NAGULUNGAN NG DUMP TRUCK, PATAY

road accident

PATAY ang isang 7-buwang gulang na sanggol nang magulungan ng isang dump truck habang sugatan ang kanyang mga magulang nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo matapos iwasan ang isang tumatawid na babae sa Sitio Pukatod, Brgy. Payao, sa bayan ng Binalbagan, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Martes, 29 Nobyembre. Binawian ng buhay ang sanggol na babae habang sugatan ang kanyang mga …

Read More »

Sa Bulacan
2 DRUG DEN SINALAKAY, 9 TULAK NAKALAWIT

Bulacan Police PNP

NABUWAG ng pulisya ang dalawang drug den sa lalawigan ng Bulacan matapos salakayin at maaresto ang mga sinabing ‘operators’ sa isinagawang anti-illegal drugs operation nitong Martes ng gabi, 29 Nobyembre. Sa ulat kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, dakong 10:00 pm kamakalawa nang magkasa ng anti-illegal drugs operation ang mga tauhan ng San Jose del Monte CPS …

Read More »

Sa Guyong triangle
74-ANYOS LOLA SINORO NG DUMP TRUCK, PATAY

road traffic accident

BINAWIAN ng buhay at halos nagkalasog-lasog ang katawan ng isang 74-anyos lola nang masoro ng isang dump truck sa sa bayan ng Sta. Maria, lalawigan ng Bulacan, nitong Martes ng gabi, 29 Nobyembre. Sa nakalap na ulat, kinilala ang biktimang si Gloria San Jose, 74 anyos, nangangalakal at residente sa Sitio Marjanaz, Brgy.Guyong, sa nabanggit na bayan. Nabatid na dakong …

Read More »

Kumuha ng police clearance,
MISTER ARESTADO SA 6 TAX CASES

arrest, posas, fingerprints

INARESTO ang isang mister nang madiskubreng may nakabinbing siyang warrant of arrest habang kumukuha ng national police clearance sa Valenzuela City. Kinilalala ang akusado, nasa talaan ng most wanted persons (MWP) na si Ralph Joseph Alejandrino, 35 anyos, residente sa Brgy. Balangkas ng nasabing lungsod. Kaugnat nito, pinapurihan ni Northern Police District (NPD) Acting District Director P/Col. Ponce Rogelio Peñones, …

Read More »

Sa Bulacan
4 LTO ENFORCER HULI SA KOTONG SINIBAK SA PUWESTO

Land Transportation Office LTO

IPINAG-UTOS ni Land Transportation Office (LTO) Chief Jose Arturo “Jay Art” Tugade ang pagsibak sa puwesto sa apat na enforcers ng Field Enforcement Division (FED) sa lalawigan ng Bulacan dahil sa pangongotong. Ito ay matapos kumalat sa social media ang video ng mga enforcer na tangkang nangingikil ng P8,000 sa motorista na kanilang sinita sa LTO checkpoint sa bayan ng …

Read More »

Sugatan sa enkuwentro
2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

Sugatan sa enkuwentro 2 PULIS BINISITA NINA RD PASIWEN, PD ARNEDO

MAGKASAMANG binisita nina P/BGen. Cesar Pasiwen, Regional Director ng PRO3 at P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kasabay ng pag-aabot ng tulong sa dalawang sugatang pulis na kasalukuyang naka-confine sa Bulacan Medical Center sa lungsod ng Malolos. Pinapurihan ng PRO3 PNP at Bulacan PPO ang katapangan nina P/Cpl. Richard Neri at Pat. Aaron James Ibasco ng 3rd Maneuver …

Read More »

Bumangga sa barrier
11 PULIS SUGATAN SA TUMAOB NA PATROL CAR

road accident

SUGATAN ang 11 pulis nang sumalpok ang kanilang patrol car sa isang concrete barrier saka tumaob sa Brgy. Caningay, bayan ng Candoni, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Lunes, 28 Nobyembre. Kinilala ang mga nasugatang alagad ng batas na sina Pat. Jerome Tolentino, Pat. Joey Bana-ag, Pat. Erick Abela, Pat. Immam James Apucay, Pat. Jared King Dadivas, Pat. Bryan Ambajan, P/Cpl. …

Read More »

Sa Bukidon
4 PATAY, 2 PA SUGATAN SA ALITAN SA LUPAIN

Bukidnon PPO Police PNP

PATAY ang apat katao habang sugatan ang dalawang iba pa sa insidente ng barilan at tagaan dahil sa alitan sa lupa sa Sitio Kiabacat, Brgy. Songco, sa bayan ng Lantapan, lalawigan ng Bukidnon, nitong Linggo, 27 Nobyembre. Kinilala ng Bukidnon PPO ang mga namatay na biktimang sina Rocky Cruz, 33 anyos; Rachel Cruz, 19 anyos; at Winlove Sinto, 30 anyos, …

Read More »

Aresto nauwi sa enkuwentro, 2 suspek todas, 2 pulis sugatan,

dead gun police

TODAS ang dalawang miyembro ng isang criminal gang habang naaresto ang apat nilang galamay nang mauwi sa enkuwentro ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban sa isa sa kanila ng mga tauhan ng 3rd Maneuver Platoon, Bulacan 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) sa Brgy. Maligaya, sa bayan ng San Miguel, nitong Lunes ng madaling araw, 28 Nobyembre. Sa ulat …

Read More »

Halos isang buwan sa pagtatapos ng 2022
PRESYO NG PAPUTOK PATULOY NA TUMATAAS

paputok firecrackers

MAHIGIT isang buwan bago salubungin ng mga Filipino ang taon 2023 sumirit pa ang presyo ng paputok at iba pang pyrotechnic devices na ibinebenta sa bayan ng Bocaue, sa lalawigan ng Bulacan. Ayon kay Lea Alapide, Presidente ng Philippines Pyrotechnics Manufacturers and Dealers Association Inc., kabilang sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng paputok ang kakulangan ng kanilang stocks …

Read More »

 ‘Shabu’ pinalitan ng tawas tulak patay sa boga ng ‘suki’

shabu

ISANG hinihinalang kawatan at tulak ng ilegal na droga ang binaril at namatay sa katanghaliang tapat nitong Biyernes, 25 Nobyembre, sa Purok Kingfisher A, Brgy. 16, lungsod ng Bacolod, matapos magbenta ng pekeng shabu nitong Huwebes, 24 Nobyembre. Kinilala ng pulisya ang pinaslang na ‘tulak’ na si Mark Christian John Luceño, 31 anyos, residente sa Brgy. 35, sa nabanggit na …

Read More »

Kapitbahay nag-amok babae pinugutan, pamangkin tinaga

itak gulok taga dugo blood

PATAY ang isang babae matapos pugutan ng ulo, habang sugatan ang kanyang pamangkin nang tagain ng amok na kapitbahay sa Purok Himaya, Brgy. Maquiling, lungsod ng Sagay, lalawigan ng Negros Occidental, nitong Sabado, 26 Nobyembre. Kinilala ang napaslang na biktimang si Gelly Recodo, 58 anyos; at kanyang sugatang pamangkin na si Bernalyn Abranilla, 33 anyos, kapwa mga residente sa Brgy. …

Read More »

Wanted rapist nasakote
7 LAW VIOLATORS TIKLO

Bulacan Police PNP

ARESTADO ang isang lalaking may kasong panggagahasa kasama ang iba pang indibidwal na pawang may paglabag sa batas sa operasyong isinagawa ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado, 26 Nobyembre. Inihayag ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nadakip sa inilatag na manhunt operation ng tracker team ng Sta. Maria MPS ang suspek na kinilalang si John …

Read More »

Sa Abucay, Bataan
HVT ARESTADO

Sa Abucay, Bataan HVT ARESTADO

MATAPOS ang dalawang-buwang surveillance, dinakip sa bisa ng warrant of arrest, ng mga anti-narcotic operatives sa pangunguna ng PDEA Bataan Provincial Office ang isang lalaking nakatala bilang isang high value target (HVT) sa bayan ng Abucay, lalawigan ng Bataan, nitong Sabado ng tanghali,  26 Nobyembre. Kinilala ang nasakoteng suspek na si Ishad Dela Fuente, 38 anyos, residente sa Dela Fuente …

Read More »

Sa Lumban, Laguna
NO. 1 KAGAWAD, 1 PA TIKLO SA BUYBUST

Sa Lumban, Laguna NO 1 KAGAWAD, 1 PA TIKLO SA BUYBUST Boy Palatino Photo

ARESTADO sa ikinasang anti-illegal drug buy-bust ang isang barangay kagawad at kanyang kasabwat sa Brgy. Maracta, bayan ng Lumban, lalawigan ng  Laguna nitong Miyerkoles ng madaling araw, 23 Nobyembre. Sa ulat kay P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO ni P/Capt. Ed Richard Pacana, hepe ng Lumban MPS, kinilala ang mga suspek na sina Dhalyn Mercado, alyas …

Read More »

Sa Tanauan, Batangas
DATING AHENTE NG ONLINE SABONG PATAY SA PAMAMARIL

dead gun police

BINAWIAN ng buhay ang isang 40-anyos lalaking napag-alamang dating ahente ng online sabong nang barilin ng riding-in-tandem sa isang karinderya sa Purok 2, Brgy. Darasa, lungsod ng Tanauan, sa lalawigan ng Batangas nitong Miyerkoles ng madaling araw, 23 Nobyembre. Kinilala ang biktimang si Alejandro Tañedo, Jr., alyas Lucky, 40 anyos, residente sa Brgy. Boot, sa nabanggit na lungsod. Nabatid na …

Read More »

Coastal community tinupok ng apoy
700 PAMILYA NAWALAN NG TAHANAN SA MANDAUE

Mandaue Cebu Fire

HINDI bababa sa 700 pamilya ang nawalan ng masisilungan nang sumiklab ang malaking sunog sa isang coastal community sa Sitio Paradise, Brgy. Looc, sa lungsod ng Mandaue, lalawigan ng Cebu, nitong Martes ng gabi, 22 Nobyembre. Umabot sa pang-apat na alarma ang sunog na umabo sa 250 kabahayan na tinatayang P1-milyon ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian. Ayon kay …

Read More »

Provincial Children’s Congress ginanap sa Bulacan

Daniel Fernando Alexis Castro Children’s Congress Bulacan

“BILANG tagapagtaguyod ng mga bata at ama ng lalawigang ito, batid ko ang aking tungkulin na pangalagaan ang malinaw na kinabukasan ng Bulacan sa pamamagitan ng pagseseguro sa proteksiyon, kalinga, kaunlaran at kalayaan ng ating mga anak. At habang ipinagdiriwang natin ang makabuluhang buwan para sa ating mga kabataan, naalala ko ang nasabi ni dating Pangulong Barack Obama: The future …

Read More »

5 bebot naisalba vs ‘drive-thru’ prostitution,  bugaw timbog

prostitution

NAILIGTAS ng National Bureau of Investigation (NBI) Anti-Human Trafficking Division ang limang kababaihan, kabilang ang dalawa pang menor de edad, at inaresto ang isang lalaki na sinasabing nagbubugaw sa kanila sa Bulacan. Kinilala ang suspek na si Mark Abungcay, ayon sa NBI ay ibinubugaw ang mga biktima gamit ang ‘online menu’ na may mga larawan nila. Ayon kay NBI spokesperson …

Read More »

Tunay na malasakit ipinadama
HEPE NG LAGUNA PPO BUMISITA SA MGA BIKTIMA

Randy Glenn Silvio HEPE NG LAGUNA PPO BUMISITA SA MGA BIKTIMA

PERSONAL na bumisita si P/Col. Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PPO sa isang biktima ng krimen nitong Lunes ng hapon, 21 Nobyembre, sa Laguna Provincial Hospital, sa lungsod ng Sta. Cruz. Sa pamamagitan nito, naipadama ni P/Col. Silvio ang tunay at taos-pusong pagmamalasakit kasama ang Ladies Officer Club at si P/Capt. Ed Richard Pacana, hepe ng Lumban …

Read More »

RSA, nagbukas ng livelihood center para sa mga taga-Bulakan, Bulacan 

SMC San Miguel RSA SMAI livelihood center

PINAG-IBAYO ng San Miguel Corporation (SMC) ang pagbibigay ng kabuhayan at pagkakataong makapagnegosyo ang halos 500 pamilya sa bayan ng Bulakan, lalawigan ng Bulacan matapos buksan ang isang livehood center at pormal na pagbubuo ng consumers’ cooperative habang patuloy ang trabaho sa itatayong New Manila International Airport (NMIA).   Sa pamamagitan ng San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) Livelihood Center, ang mga …

Read More »

Bulacan provincial gov’t namahagi ng ayuda, 12,000+ pamilya nakinabang

Daniel Fernando Alexis Castro Bulacan ayuda

NAKATANGGAP ang may kabuuang 12,068 pamilyang Bulakenyo na naapektohan ng bagyong Karding at Paeng ng relief goods mula sa Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Social Welfare & Development Office (PSWDO). Inatasan ni Bulacan Governor Daniel Fernando si PSWDO head Rowena Tiongson na magsagawa ng relief operations na nagsimula noong 18 Nobyembre sa bayan ng Calumpit na may …

Read More »