Wednesday , June 12 2024
Maria Susana Va Ople Blas Ople

Sa ika-96 na anibersaryo ng kapanganakan ni Ka Blas
Department of Migrant Workers dadalo

Kaisa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan si Sec. Maria Susana V. Ople ng Department of Migrant Workers sa paggunita sa ika-96 taong anibersaryo ng kapanganakan ng kanyang yumaong ama na si Gat Blas F. Ople sa Biyernes, 3 Pebrero 3, 2023, na idineklarang isang special non-working day sa lalawigan.

May temang, “Gat Blas F. Ople: Dakilang Bulakenyo, Bayani ng Manggagawang Pilipino”, pangungunahan ni Ople, gayundin nina Gob. Daniel Fernando at Bise Gob. Alexis Castro kasama ang ilang opisyal ng Bulacan, ang taunang pag-alaala at pag-aalay ng bulaklak sa harap ng bantayog ni Ka Blas sa harap ng Gusaling Gat Blas F. Ople: Sentro ng Kabataan, Kaalaman at Hanapbuhay (Provincial Livelihood Center), Antonio S. Bautista Bulacan Provincial Capitol Compound, sa lungsod ng Malolos, sa 8:00 ng umaga bukas.

Kilala bilang “Father of Philippine Labor Code” at “Father of Overseas Filipino Workers”, isang job fair ang pangungunahan ng Provincial Youth, Sports and Public Employment Service Office (PYSPESO) sa pakikipagtulungan ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center, ganap na ika-9:00 ng umaga bilang bahagi ng pagbibigay-pugay kay Ka Blas. Ipamamahagi rin ang Certificates Of Completion ng DOLE Government Internship Program sa mga benepisyaryo.

Kaalinsabay din ng nasabing job fair ang pagsasagawa ng medical mission sa pangunguna ng Department of Migrant Workers at sa pakikipagtulungan ng Damayan sa Barangay.

Sinabi ni Fernando na isa sa mga pinakatanyag na estadista sa bansa si Ka Blas at ang kanyang kahusayan sa pamumuno at serbisyo publiko ay nakaukit magpakailanman sa puso at isip, hindi lamang ng mga Bulakenyo, kundi ng lahat ng Filipino.

“Patuloy na pinaunlad ng ating bayaning si Gat Blas Ople ang buhay ng mga Pilipino. Hinihikayat ko ang mga kabataan na palagiang alalahanin ang kanyang kabayanihan at gawing inspirasyon ang kanyang buhay at kontribusyon sa pagbibigay ng serbisyo sa bansa”, anang gobernador.

Inaasahan rin ang pagdalo sa programa ng mga kapamilya ni Ka Blas, PESO managers, konseho ng OFW, BTEC mula sa mga bayan ng Plaridel, Pulilan at Guiguinto at Lungsod ng Malolos, at ilang historical groups.

Si Ka Blas ay isang mamamahayag at ikinukunsiderang isa sa mga pinakabatang kolumnista. Siya rin ang ‘Ama’ ng National Manpower and Youth Council (ngayon ay TESDA) na nagsasagawa ng mga programa sa pagsasanay para sa mga dalubhasang manggagawa.

Humawak din siya ng matataas na posisyon sa gobyerno ng Pilipinas kabilang ang Pangulo ng Senado mula 1999 hanggang 2000 at Kalihim ng Foreign Affairs mula 2002 hanggang sa kanyang pagpanaw.

Ipinakita din ni Ople ang kanyang katapangan sa pagsabak sa Second World War bilang batang opisyal ng Del Pilar Regiment, Bulacan Military Area (BMA) at lumaban sa ilalim ng BMA’s Buenavista Regiment hanggang sa pagkakahuli ni General Yamashita noong 1945. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

shabu drug arrest

Tulak timbog sa Navotas buybust ops

ARESTADO ang isang lalaki na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos kumagat …

Pastor Quiboloy

Warrant of arrest isinilbi vs Quiboloy, 5 iba pa

NAGTUNGO ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Special Action Force (SAF) …

Bagong Pilipinas Hymn

Hymn at pledge ng Bagong Pilipinas pang-Executive lang — SP Escudero

TAHASANG sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi maaring ipilit sa senado, sa …