Tuesday , February 27 2024
Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
5 DRUG TRADER, 5 WANTED SWAK SA KALABOSO

NASAKOTE sa pinaigting pang operasyon ng pulisya nitong Martes, 31 Enero ang limang pinaniniwalaang mangangalakal ng droga at limang wanted na indibidwal sa magkakahiwalay na lugar sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang mga nadakip na personalidad sa droga na sina Francis Maceda, mula sa Sta. Maria; Erickson Del Rosario alyas Soysoy, mula sa Baliuag; Mark Anthony Pablo alyas Tune; Jostro Castro; at Sherwin Gomez alyas Wawe.

Inaresto ang mga suspek sa buybust operation na ikinasa ng Sta. Maria, Pulilan, Pandi, at San Miguel MPS kung saan narekober mula sa kanila ang anim na pakete ng hinihinalang shabu at pitong pakete ng marijuana.

Samantala, nasukol ang dalawang sugarol sa iginagawang anti-illegal gambling operation ng mga operatiba ng San Miguel at Meycauyan C/MPS matapos maaktuhan sa illegal bookies activities.

Nahahrap ang lahat ng mga naarestong suspek sa mga reklamong kriminal at kasalukuyang inilagay sa kustodiya ng kani-kanilang arresting police stations.

Samantala, sa patuloy na manhunt operations ng tracker teams ng 1st PMFC, CIDG PFU, Calumpit MPS, Bocaue MPS, at San Jose del Monte CPS, matagumpay na naaresto ang limang wanted na indibidwal para sa mga kasong grave slander, BP 22 (bouncing check laws), at attempted homicide.

Pahayag ni P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang puwersa ng kapulisan sa lalawigan ay patuloy sa walang humpay na pagsisikap upang labanan ang lahat ng ilegal na mga gawin dito. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

SM Cyberzone Game Fest Feat

Cyberzone Game Fest 2024 is back to celebrate all things gaming
Cyberzone Game Fest at SM Supermalls now on its 9th Year

Calling all gamers, esports enthusiasts, and tech aficionados! Now on its 9th year, Cyberzone Game …

Bulacan Police PNP

Siyam na law offenders sa Bulacan inihoyo

DALAWANG wanted person at pitong lumalabag sa batas ang inaresto ng Bulacan police sa magkaibang …

Birth Certificate PSA

Pinadali at pinabilis na sistema para maiayos ang mga mali sa Birth Certificate nilinaw ng PSA

DETALYADONG ipinaliwanag ng Philippine Statistics Authority o PSA ang mas pinadaling paraan at pinabilis na …

SMC San Miguel Aerocity Biodiversity

SMC launches PHL’s first complete biodiversity offset Site in Bulacan

San Miguel Aerocity, Inc. (SMAI), a subsidiary of San Miguel Corporation (SMC), has inaugurated its …

Sa DigiPlus maging responsableng gamer, puwede

Sa DigiPlus
MAGING RESPONSABLENG GAMER, PUWEDE

PINAIIGTING ng DigiPlus Interactive Corp. (DigiPlus), operator ng mga nangungunang digital platform gaya ng BingoPlus, …