Monday , March 4 2024
Daniel Fernando Bulacan PNP Bike Patrol

Bike Patrol inilunsad sa Bulacan

ISINAKTIBO ng Bulacan Police Provincial Office (PPO) ang Bike Patrol na inilunsad sa Camp Gen. Alejo Santos, sa lungsod ng Malolos, nitong Miyerkoles ng umaga, 18 Enero.

Pahayag ni P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang Bike Patrol ay proyekto na sama-samang pagtutulungan ng Bulacan PPO at Provincial Government of Bulacan.

May kabuuang 80 police officers mula sa iba’t ibang lungsod at munisipalidad sa Bulacan ang inisyuhan ng tigi-isang bisikleta, helmet at arm sleeves na ipinagkaloob ni Bulacan Gov. Daniel Fernando.

Sa pagsasaaktibo ng Bike Patrol, ang mga pulis ay higit na makikita sa mga lugar na nagtitipon ang mga tao tulad ng mga tourist destinations, palalakasin ang kakayahan upang mapigilan at mabilis na tumugon sa mga krimen sa lansangan, at gayundin ay upang i-promote ang physical fitness.

Samantala, kasabay ding ginawa ang ceremonial ground breaking ng soon-to-rise na 540-sqm covered court ng Bulacan PPO.

Sa suporta at tulong ni Gov. Fernando, ang  covered court ay magiging isa nang katotohanan, na katuparan na matagal nang layunin.

Sa pagkakaroon ng covered court, ang mga miyembro ng Bulacan Provincial Police Office ay matitiyak na palaging nasa maayos na pangangatawan at kalusugan, at magagawa nilang tumupad sa tungkulin na epektibo at mahusay

Dagdag pang kapag masama ang panahon lalo kapag umuulan ay magagamit  nila ito sa mga outdoor event.

Ang aktibidad ay tinampukan ni Gov. Fernando bilang Guest of Honor at tagapagsalita; kasama sina Dr. Eliseo Dela Cruz, Department Head ng Provincial History, Art, and Culture Office; at Rev. Msgr. Pablo Legaspi, Jr., PC, na siyang nagbasbas ng pagdiriwang. (MICKA BAUTISTA)

About Micka Bautista

Check Also

road traffic accident

Kinapos ng paghinga, pulis nahulog sa mobile vehicle nasawi sa sagasa ng Mitsubishi L200

ISANG malagim na insidente ang naganap nang ang isang miyembro ng Bulacan PNP ay nasawi …

Robin Padilla Mariel Rodriguez IV Drip

Sen Robin at Mariel humingi ng sorry sa gluta session

MA at PAni Rommel Placente NAGPADALA ng dalawang sulat si Sen. Robin Padilla noong Lunes, February 26,  …

Law court case dismissed

Sa Jemboy Baltazar case
PULIS GUILTY SA HOMICIDE, 4 KABARO, 4 BUWAN KULONG BUGAYONG, ABSUWELTO 

“GANOON LANG? Makalalaya lang sila, sana maramdaman din nila ‘yung nararamdaman ng pamilya ko ngayon …

Sa kasong Statutory Rape LAGUNA REGIONAL LEVEL NA MWP INARESTO NG MAGDALENA POLICE

Sa kasong Statutory Rape
LAGUNA REGIONAL LEVEL NA MWP INARESTO NG MAGDALENA POLICE

CAMP B/GEN. PACIANO RIZAL – Arestado ang isang most wanted person (MWP) sa regional level …

DSWD Project LAWA BINHI DRT Bulacan

DSWD Inilunsad ang Project LAWA at BINHI sa DRT, Bulacan

SA layuning matugunan ang mga epekto ng El Niño phenomenon sa mga mahihirap at mahihinang …