Camp B/Gen. Paciano Rizal, Santa Cruz, Laguna – Muling nakamit ng Laguna Police Provincial Office (PPO) ang Best Police Provincial Office Award sa CALABARZON para sa ikatlong magkakasunod na buwan, mula Disyembre 2023 hanggang Pebrero 2024 . Ang awarding ceremony, na ginanap ngayon sa Camp Vicente Lim, Calamba City, Laguna ay kasabay ng flag raising ceremony at kinilala ang pagganap …
Read More »Sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan
Sa Bulacan
MWP, LAW BREAKERS ARESTADO, DROGA AT BARIL KOMPISKADO
NAGSAGAWA ang Bulacan police ng sunod-sunod na operasyon na nagresulta sa pagkakakompiska ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P127,000 at pagkaaresto sa isang most wanted person, ilang drug dealers, at mga lumabag sa batas mula kamakalawa hanggang kahapon ng umaga, 23 Abril 2024. Sa mga ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, ang …
Read More »Puganteng Chinese arestado sa ilegal na pag-iingat ng baril
INARESTO ng pulisya ang isang Chinese national dahil sa kasong illegal possession of firearms sa Zaragoza, Nueva Ecija, Lunes ng hapon, 22 Abril. Dinakip ng Zaragoza Municipal Police Station katuwang ang ibang law enforcement units, si Zhi Jun Li, 44 anyos, kilala rin bilang Samuel Li, negosyante at residente sa Barangay Del Pilar, Zaragoza, Nueva Ecija. Nahaharap ang akusado sa …
Read More »
Nanay naghanap ng kahoy para panggatong
2 PASLIT NA MAG-UTOL NAABO SA SUMABOG NA TANGKE NG LPG
SILANG, CAVITE — Masusing iniimbestigahan ang pagkamatay sa sunog ng magkapatid na paslit base sa detalye ng mga nakapagtatakang sirkumstansiyang nakalap ng mga awtoridad sa Barangay Biluso, sa bayang ito. Sa ulat nitong Biyernes, kinilala ng Police Regional Office (PRO 4A) ang biktimang sina Rhian Barrientos, 4 anyos, at ang nakababatang kapatid na lalaki, si Rhyle, 3 anyos. Sa …
Read More »
Mga Cayetano, nagpaabot ng tulong
1,650 BENEPISARYO, 50 TESDA SCHOLARS PARA SA ORIENTAL MINDORO
UMABOT sa 1,650 benepisaryo mula sa iba’t ibang sektor at distrito sa Oriental Mindoro ang nakatanggap ng livelihood assistance ngayong linggo mula kina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, sa pakikipagtulungan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Ang pamamahagi ng tulong, na isinagawa noong 16-19 April 2024, ay may layuning mapagaan ang mga hamon na kinakaharap ng lalawigan …
Read More »
Sa Oplan Katok ng Central Luzon police
CL POLICE NAKAPAGPASUKO NG 200 PLUS LOOSE FIREARMS
MAHIGIT 200 loose firearms ang boluntaryong isinuko ng mga may-ari ng baril sa mga awtoridad sa mahigpit na isinagawang “Oplan Katok” sa buong Central Luzon mula 19 Marso hanggang 19 Abril. Pahayag ni PRO3 Director P/BGen. Jose Hidalgo, Jr., ang “Oplan Katok” ay isang programa ng Philippine National Police na nagbabahay-bahay ang mga awtoridad upang bisitahin ang mga may hawak …
Read More »Army Major pinasok, sa sariling opisina pinagbabaril, patay
ni MICKA BAUTISTA ISANG opisyal ng Philippine Army ang pinasok sa loob ng kanyang opisina at pinagbabaril ng nag-iisang lalaking sakay ng motorsiklo sa Brgy. Marungko, sa bayan ng Angat, lalawigan ng Bulacan, nitong Sabado ng hapon, 20 Abril. Ayon sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, Provincial Director ng Bulacan PPO, kinilala ang biktima na si Major Dennis …
Read More »
Sa Batangas
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN
LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng paglala ng mga ilegal na aktibidad tulad ng sugal sa kanilang lugar sa Lobo, Batangas. Ayon kay Ramirez, isang mamamayan at negosyante sa Lobo, Batangas, sa kanyang nakalap na impoormasyon, kamakailan ay inaresto ng mga awtoridad ang isang dating konsehal dahil sa pag-operate ng isang …
Read More »
Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO
“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang tagumpay ay hindi lamang nakikita sa medalya, sa maiuuwing premyo o sa tropeo na inyong nakamit. Sinasalamin din natin ang masasayang alaala at mga kaibigang mabubuo ninyo sa kompetisyong ito. Enjoy every game, give it all—win or lose!” Ito ang makahulugang mensahe ni Bulacan Governor …
Read More »P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan
TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam sa isinagawang anti-criminality operations ng pulisya sa Bulacan kamakalawa. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, nakasaad na dakong 11:40 pm, ang mga tauhan ng San Miguel Municipal Police Station (MPS) ay nagkasa ng matagumpay na drug sting …
Read More »PRO 3 host ng CL Anti-Illegal Drugs Summit
IDINAOS ng Police Regional Office 3 ang 1st Central Luzon Anti-Illegal Drugs Summit, kalahok ang hindi bababa sa 200 indibiduwal, kahapon, Lunes, 15 Abril 2024. Pinangunahan ng Department of the Interior and Local Government (DILG) 3 sa pamumuno ni Atty. Anthony Nuyda ang summit na naglalayong mapanatili ang sama-samang pagsisikap na patuloy na labanan ang ilegal na droga at itulak …
Read More »P540 ‘obats’ nasamsam, 25 tulak nasakote
HALOS mapuno ang mga piitan sa Bulacan matapos maaresto ng pulisya ang 25 durugistang tulak sa isinagawang sunod-sunod na operasyon ng pulisya sa lalawigan hanggang kahapon,15 Abril 2024. Sa ulat na isinumite kay P/Col. Relly B. Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, unang nagkasa ng matagumpay na drug sting operation ang Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Jose Del …
Read More »Lipa City dinaragsa ng mga turista
DINARAYO ngayon ang Lipa City dahil sa kanilang mga tourist spots at dahil na rin sa masarap nilang lomi. Natikman na namin ito at masasabi naming ito ang pinakamasarap na lomi na nakain namin. Sa pagdagsa ng mga turista sa Lipa, proud ang aming kaibigan na si Joel Umali Pena na sjyang presidente ng Tourism ng nasabing lungsod, na may hashtag na …
Read More »
Sa Batangas
P13.3-B SHABU NASABATDRIVER DI-LISENSIYADO
Promotion iginawad sa hepe ng pulisya
ni RODERICK PALATINO KAMPANTENG ibiniyaheng isang 47-anyos driver ng van kahit walang lisensiya sa pagmamaneho ang halos dalawang toneladang ilegal na droga o shabu, tinatayang aabot sa P13.3 bilyong halaga, sakay ng isang van ngunit nasakote ng mga awtoridad sa Alitagtag, Batangas kahapon ng umaga, Lunes, 15 Abril 2024. Sa ulat mula sa Alitagtag Municipal Police Station na pinamumunuan ni …
Read More »2 durugista, 6 wanted, swak sa hoyo
Dalawang durugista at anim na wanted na mga kriminal ang sunod-sunod na inaresto ng pulisya sa Bulacan sa magkakahiwalay na operasyon na isinagawa kamakalawa. Nagresulta ang ikinasang buybust operation ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng San Rafael at Obando Police MPS, sa pagkaaresto ng dalawang durugista na naaktohan sa paggamit at pangangalakal ng ilegal na droga. Nasamsam sa operasyon …
Read More »PRO 4A handa at alerto para sa 2-Day Transport Strike
Camp BGen Vicente P Lim – Nakahanda at asahang mapagbantay ang Police Regional Office CALABARZON, sa pamumuno ni P/BGen. Paul Kenneth Lucas, Regional Director, sa dalawang araw na idineklarang transport strike ng PISTON at Manibela, Lunes at Martes, 15-16 Abril 2024. Inutusan ni P/BGen. Lucas ang lahat ng police provincial directors sa PRO CALABARZON na mahigpit na pamunuan ang pagbabantay …
Read More »
Sa 2 buybust operations sa Laguna
P.5-M SHABU KOMPISKADO, 4 TULAK ARESTADO
Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang apat na drug personalities sa magkahiwalay na anti-illegal drug buybust operation ng pulis-Biñan at pulis-Alaminos sa lalawigan ng Laguna. Kinilala ni P/Col. Gauvin Mel Y. Unos, Acting Provincial Director, Laguna PPO, ang mga suspek na sina alyas Hari, residente sa Quiapo, Manila, alyas Joseph residente sa Dasmariñas City, Cavite, alyas Menchie residente sa …
Read More »SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection
PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa Bulacan ang seguridad at kaligtasan ng mall-goers sa pamamagitan ng kanilang taunang Joint Tactical Inspection at General Assembly na isinagawa ng Customer Relations Services ( CRS) Department and Security Force sa Open Parking ng SM City Baliwag kamakailan. Layunin ng Joint Tactical Inspection (JTI) na …
Read More »
Mula 11-14 Abril 2024
IKA-11 MARILAG FESTIVAL SA STA. MARIA, LAGUNA INAASAHANG DARAYUHIN
TAMPOK ang iba’t ibang produktong agrikultural at iba pang by-products, sa pagdiriwang ng mga taga-Sta. Maria, Laguna ng ika-11 Marilag Festival mula 11-14 Abril. Sa panawagan ni Mayor Cindy Carolino, hinikayat niya ang publiko na saksihan at dalawin ang bayan ng Santa Maria at makilahok sa selebrasyon upang makita ang ganda ng bayan, mga talento ng mga kababayan, at …
Read More »P240k ilegal na droga kompiskado; 11 pasaway arestado
INILUNSAD ng pulisya sa Bulacan ang pinaigting na operasyon na nagresulta sa pagkakompiska ng ilegal na droga na nagkakahalaga ng P240,000 kabilang ang pagkaaresto sa 11 pinaghihinalaang tulak at dalawang wanted na personalidad hanggang kahapon, 11 Abril. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Relly Arnedo, provincial director ng Bulacan PPO, matagumpay na nagkasa ng sting operation ang Station Drug Enforcement …
Read More »
National wealth tax para sa likas na tubig
MOTION FOR RECONSIDERATION INIHAIN SA SC NG BULACAN GOV
NAGHAIN ng Motion for Reconsideration si Bulacan Gov. Daniel Fernando sa Korte Suprema sa naging desisyon nito tungkol sa natural wealth tax para sa likas yaman partikular ang tubig na nanggagaling sa lalawigan, kahapon 11 Abril 2024. Ang tubig sa mga ilog ng mga watershed ng lalawigan na dumadaloy patungong Angat Dam ang pangunahing pinagkukuhaan ng inumin para sa mga …
Read More »Navy pilot, co-pilot patay sa helicopter crash sa Cavite
ni BOY PALATINO CAMP VICENTE LIM, LAGUNA – Patay ang isang navy pilot at co-pilot sa pagbagsak ng helicopter sa Draga reclamation area sa Barangay 57, Cavite City, kahapon ng umaga. Kinilala ang mga biktima na sina Lt. John Kyle Borres, 36 anyos, tubong Cebu City at co-pilot nitong si Ens Izzah Leonah Taccad, 27, residente sa Tumauini, Isabela. Agad …
Read More »Japan makatutulong sa pagbabalik ng Bicol express – solon
NANINIWALA ang isang kongresista na malaki ang maitutulong ng bansang Hapon sa Rhiyong Bikolandia kung popondohan nito ang pagkumpuni ng nawalang Bicol Express Railway Line. Ayon kay Bicol Saro partylist Rep. Brian Raymund S. Yamsuan, mainam na tingnan ito ng Department of Transportation (DOTr) upang maibalik ang serbisyo ng tren sa Bikolandia. Ani Yamsuan, patuloy ang pagtulong ng …
Read More »Pertussis naitala sa 12 bayan at lungsod sa Laguna
LAGUNA — Umabot sa 12 bayan at lungsod sa lalawigan ng Laguna ang nakapagtala ng mga hinihinalang kaso ng pertussis o whooping cough. Batay sa datos na inilabas ng Laguna Provincial Health Office, umabot sa 48 kabuuang kaso sa lalawigan mula 1 Enero hanggang 30 Marso 2024, na may 17 kompirmadong kaso habang 31 suspected cases. Pinakamarami ang naitalang kaso …
Read More »PGB nagsagawa ng sportsfest para sa mga Bulakenyong PDLs
BILANG bahagi ng pangako ng pamahalaang panlalawigan ng Bulacan sa pagpapalawak ng mga programang rehabilitasyon para sa mga Bulakenyong persons deprived of liberty (PDLs), ang Provincial Civil Security and Jail Management Office sa pangunguna ni P/Col. Rizalino A. Andaya ay nanguna sa paglulunsad ang Bulacan Provincial Jail Sportsfest 2024 na may temang “Programang Pampalakasan, Tungo sa Malusog na Piitan” na …
Read More »