TINATAYANG umabot sa mahigit 60,000 Filipino na nagnanais ng bagong liderato ang dumagsa sa Quezon Memorial Circle (QMC) nitong Sabado, 9 Abril, para ipakita ang kanilang taos-pusong pagsuporta sa kandidatura nina presidential bet Panfilo “Ping” Lacson at running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III. Tinaguriang “Pure Love| ang nasabing rally na dinaluhan ng ilang mga sikat na …
Read More »
SERBISYO SA BAYAN PARTY NI BELMONTE PA RIN SA QC
Gian Sotto sa Vice, Atayde sa Congress
HALOS lahat ng kandidato ng lokal na partidong Serbisyo sa Bayan Party ni Quezon City Mayor Josefina “Joy” Belmonte ang iboboto ng mga residente ng lungsod. Ito ang naitala sa huling pag-aaral o ‘independent at non-commissioned survey’ na ginawa ng RP Mission and Development Incorporated (RPMD), lumalabas na si Mayor Joy Belmonte pa rin ang napupusuang maging punong-lungsod ng mga …
Read More »‘Cocaine user’ na prexy bet, inaabangan sa narco list ni Digong
INAABANGAN ng publiko ang bagong narco list ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kabilang rito ang sinabi niyang ‘cocaine user’ na presidential bet. Ayon kay Communications Secretary at acting presidential spokesman Martin Andanar, wala siyang ideya kung maglalabas si Pangulong Duterte ng bagong narco list o listahan ng mga politikong sangkot sa illegal drugs gaya ng ginawa niya noong 2019 elections. …
Read More »
Para sa mga kaalyadong kandidato
PTV-4 GAMIT NI DUTERTE SA KAMPANYA
ni Rose Novenario MISMONG si Pangulong Rodrigo Duterte ang sumuway sa sariling direktiba na huwag mangampanya para sa mga kandidato sa 2022 national elections. Isinahimpapawid ng magkasunod na gabi, Sabado at Linggo, sa state-run People’s Television Network Inc. (PTNI) programang The President’s Chatroom na nagsilbing anchor si Pangulong Duterte na nag-interview sa kanyang mga ineendosong senatorial candidates. Sa unang episode …
Read More »Todo proteksiyon ng health workers sa Lacson-Sotto tandem siniguro ni Dra. Padilla
MAWAWALA ang mga kaso ng atrasadong pasuweldo, pagkakait ng benepisyo, maanomalyang transaksiyon, at iba pang isyung nakaaapekto sa pagbibigay ng pampublikong serbisyong pangkalusugan kung si presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang susunod na mamumuno sa Malacañang. Pagtitiyak ito ni public health advocate at senatorial aspirant Dra. Minguita Padilla na nangakong itutuloy niya ang pagsusulong sa Senate Bill No. 2498 …
Read More »Sistemang masasandalan ng ordinaryong obrero PING BUBUO NG MSME
HINDI pa masabi kung magkakaroon ng batas laban sa endo (end of contract) o kontraktwalisasyon, binubuo ng grupo ni independent presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson ang sistemang titiyak sa kasiguruhan ng trabaho para sa mga manggagawa. Sa anim na pahinang dokumentong inilatag ng policy team ni Lacson, isang pangmatagalang employment deal ang naghihintay sa mga manggagawang edad 18-55 anyos na …
Read More »5-year budget plan para sa next PH prexy — Cayetano
PINAYOHAN ni Senatorial Candidate at dating House Speaker at kasalukuyang Taguig Representative Alan Peter Cayetano na kailangang mayroong limang taong plano para sa pananalapi sa kanyang administrasyon ang isang mananalo o susunod na pangulo ng bansa. Ayon kay Cayetano higit na matutulungan ang bawat pamilyang Filipino na maiangat ang kanilang kabuhayan lalo ngayong panahon ng pandemya. Binigyang-linaw ni Cayetano, walang …
Read More »Dagdag sahod suportado ng OFW Party-list
SUPORTADO ng OFW Party-list ang mga panukalang nagdadagdag ng sahod sa mga manggagawa lalo na’t patuloy ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin bunsod ng walang tigil na pagsirit ng presyo ng mga produktong petrolyo. Ayon kay OFW Party-list 2nd Nominee Jerenato Alfante, hindi biro ang presyo ng mga bilihin sa kasalukuyan lalo na’t lubhang apektado ang lahat ng sektor. …
Read More »Bilyong pondo matitipid sa ‘full disclosure policy’ ni Robredo
IPATUTUPAD ni Vice President Leni Robredo ang “full disclosure policy” sa lahat ng transaksiyon sa gobyerno sakaling mahalal bilang pangulo ng bansa. “Alam naman natin na bilyon-bilyon ang nawawala sa mamamayan dahil sa katiwalian,” ayon kay dating senador Antonio “Sonny” Trillanes, na kilalang fiscalizer sa gobyerno. “Ilang milyong pabahay na ‘yan? Ilang kilometro ng farm-to-market roads? Ilang magsasaka, mangingisda o …
Read More »CA Justice Bruselas inireklmo sa SC
SINAMPAHAN ng kasong administratibo sa Korte Suprema si Court of Appeals (CA) Associate Justice Apolinario Bruselas, Jr., dahil sa gross inefficiency matapos abutin ng ilang buwan, lagpas sa reglementary period na itinakda sa Rules of Court bago magpalabas ng desisyon sa isang Writ of Habeas Corpus petition. Sa 16-pahinang reklamo ni Pharmally Secretary Mohit Dargani sa SC – Judicial Integrity …
Read More »Tulong serbisyo sa OFWs ilalapit ni Robredo
WALANG mahabang pila sa paglalakad ng requirements kapag presidente na si Vice President Leni Robredo, hindi na dapat pang magtungo sa Metro Manila ang kahit sinong overseas Filipino workers (OFWs) para magproseso ng travel documents at magsumite ng requirements. Ayon kay dating Congressman Teddy Baguilat, tumatakbong senador sa ilalim ng Robredo-Pangilinan tandem, alam ni VP Leni kung ano ang hirap …
Read More »Robredo angat pa rin vs Marcos sa Google Trends, kahit sa ‘Solid North’
ANGAT pa rin si Vice President Leni Robredo sa kapwa kandidato sa pagkapangulo na si Ferdinand Marcos, Jr., kahit sa mga lugar sa tinatawag na Solid North, pagdating sa Google Trends, na eksaktong nasusukat ang interes ng mga botante sa isang partikular na kandidato. Noong 1 Abril, una pa rin si Robredo kay Marcos, 51.3 kompara sa 34.3, pagdating sa …
Read More »Legarda hinikayat ang food security ngayung Filipino Food Month
Hinikayat ni Antique congresswoman at senatorial candidate Loren Legarda na pausbungin ang pagkaing Pilipino sa selebrasyon ng Filipino Food Month sa pamamagitan ng pagtulong sa mga maliliit na negosyong pangagrituktura, lalo na ng mga mangingisda at magsasaka, at sa paggamit ng mga kasangkapan sa tradisyunal na lutong Pilipino. “Ipinakita ng COVID-19 pandemic kung gaano ka-vulnerable ang ating mga food supply …
Read More »Pagkolekta ng P203-B Marcos estate tax hamon ng political will
POLITICAL WILL lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kailangan para makolekta ang P203-B estate tax sa pamilya Marcos. Ito ang hamon ni dating Presidential Commission on Good Government (PCGG) commissioner at International Center for Transitional Justice Senior Expert of Programs Ruben Carranza kay Pangulong Duterte. Giit niya, kung napakadali para kay Pangulong Duterte ang kumuha ng buhay ng libo-libong Filipino, …
Read More »Tsibog na ayos at masarap daragsain ng turista – Lacson, Piñol
PARA mahikayat ang mga lokal at dayuhang turista na tangkilikin ang magagandang destinasyon sa ating bansa, sinisiguro ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na magkakaroon ng seguridad sa pagkain ang bawat rehiyon upang maging abot-kaya sa lahat. Sa mahal umano ng mga bilihin, gayondin ang mga gastusin sa paglalakbay, kabilang ang presyo ng pagkain sa mga dinarayong lugar ay may …
Read More »Alternatibong pagkukuhaan ng koryente sisinupin ni Ping
ODIONGAN, Romblon — Tiniyak ni presidential candidate Panfilo “Ping” Lacson na madaragdagan pa ang mga impraestruktura para sa pagpapalakas ng paggamit ng renewable energy upang magkaroon ng sapat na supply ng koryente ang malalayong lalawigan at isla sa bansa. Inihayag ito ni Lacson sa kanyang pagbisita nitong Lunes (4 Abril) sa bayang ito, kausap ang ilang mga mamamahayag at ipinaalam …
Read More »
CoVid-19 vaccine para ‘di masayang,
HOUSE-TO-HOUSE VACCINATION, UTOS NI DUTERTE
ni ROSE NOVENARIO INIUTOS ni Pangulong Rodrigo Duterte ang house-to-house vaccination upang hindi masayang ang biniling CoVid-19 vaccines ng pamahalaan. Sa kanyang Talk to the People kagabi, ipinaliwanag ng Pangulo na titiyakin niyang hindi masasayang ang mga nakaimbak na CoVid-19 vaccines dahil magbabahay-bahay ang mga manggagawang pangkalusugan ng pamahalaan upang maseguro na matuturukan ng bakuna ang hindi pa bakunado. “So …
Read More »Robredo sakto sa disaster resilience, response & mitigation
NANGAKO si Vice President Leni Robredo na magtayo ng isang matatag at matibay sa bagyong pampublikong impraestruktura, lalo ang mga evacuation center, na kailangan sa isang bansa na hinahagupit ng dalawang dosenang bagyo sa isang taon. Ito ang nilalaman ng nilagdaang covenant ni Robredo sa pagitan ng mga pinuno ng komunidad sa Borongan, Eastern Samar, tulad ng kanyang bayan sa …
Read More »Marcos at Lopez nakiisa sa pagdiriwang ng Ramadan
NAKIISA sina Senator Imee Marcos at Manila mayoral candidate Atty. Alex Lopez sa unang araw ng pagdiriwang ng Ramadan nitong 3 Abril 2022 sa Golden Mosque and Cultural Center sa Globo de Oro St., sa Quiapo, Maynila. Ipinahayag ni Atty. Alex kay Senator Imee ang kanyang mga plano para sa naturang Mosque at sa mga kapatid na Muslim. Layunin ni …
Read More »Grupo inilaglag si Isko lumipat kay Robredo
SA IKALAWANG pagkakataon sa loob ng halos dalawang linggo, isa pang grupo ang inilaglag ang orihinal nilang kandidato bilang pangulo at lumipat sa kampo ni Vice President Leni Robredo. Nagpasya ang Ikaw Muna (IM) Pilipinas Visayas, na itinatag para suportahan ang kandidatura ni Francisco “Isko Moreno” Domagoso, na lumipat kay Robredo matapos pag-aralan ang kanilang mga opsiyon. Sa isang press …
Read More »SM Supermalls partners with GSP to boost DOH’s ‘Resbakuna Kids’ campaign
SM Supermalls teams up with the Girl Scouts of the Philippines (GSP) to boost the Department of Health’s ‘Resbakuna Kids’ nationwide vaccination campaign. SM Supermalls’ ongoing vaccination efforts will now also welcome over 700,000 members of the GSP to get inoculated against COVID-19 starting April 2. McDonald’s, Jollibee, Tom’s World, and Toy Kingdom join hands in making this event all …
Read More »Legarda nangako sa Rizal ng makataongsolusyon laban sa climate change
INIHAYAG ni Antique Representative, at kandidato sa pagka-Senador, na si Loren Legarda ang kanyang planong gumawa ng mga solusyong makatao sa probinsiya ng Rizal, na isa sa mga probinsiyang lubhang apektado ng ‘climate change.’ Sa isang pagtitipon sa Taytay, Rizal, sinabi ni Legarda, ang makataong pamamaraan ay ang pagbase ng mga desisyon sa mga polisiyang naghihimok ng sustainable development upang …
Read More »Robin Padilla and crew spent one week in West Philippine Sea to assess situation aboard fishing vessel for love of country
One issue that has been a major flash point in the news the past so many years have been the situation faced by our fisher folk in the disputed areas located in the West Philippine Sea. And because of the fishing ban imposed by China off the coast of Busuanga, the lives of our fishermen and those who reside in …
Read More »VP Leni hikayat sa digital natives fake news labanan
UMAPELA si Vice President Leni Robredo sa mga kabataan na may access sa social media na itama ang mga naglalabasang fake news at kasinungalingan ng mga gustong manalo sa halalan sa pamamagitan ng disinformation. Naniniwala si Robredo sa mga kabataang tinawag niyang ‘digital natives’ na may access sa impormasyon ay maaaring itama ang kasinungalingan na ipinapalaganap sa social media ng …
Read More »PDP LABAN suportado si Belmonte sa QC
SINUPORTAHAN ng PDP-Laban Quezon City council ang kandidatura ni Mayor Joy Belmonte sa pagka-alkalde ng lungsod. Sa pahayag ng partido na ibinahagi nitong weekend, sinabi ng PDP-Laban, napagkaisahan ng lahat ng miyembro nito na iendoso si Belmonte dahil sa magandang ipinakita nitong “serbisyo publiko” maging ang mga pagbabago at kaunlarang nangyari sa lungsod sa ilalim ng pamumuno ng Mayora sa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com