Sunday , December 22 2024

Masonry Layout

HS stud dinukot pinatay sa Pampanga (Nakipagkita sa nililigawan)

NATAGPUANG patay ang 15-anyos binatilyo makaraang dukutin sa Arayat, Pampanga. Ayon sa ama ng biktimang si Mike Aron Tolentino, nagpaalam ang binatilyo nitong nakaraang linggo na pupunta sa bahay ng kanyang kaklase para sa school group project ngunit magmula noon ay hindi na nakauwi. Ngunit nabatid ng ama na umalis ang biktima para makipagkita sa nililigawan niyang babae. Ayon sa …

Read More »

Pasay PNP ‘nganga’ sa inambus na Chinese family

INAALAM pa ng pulisya ang motibo sa naganap na pananambang sa mag-anak na Chinese kamakalawa ng hapon sa Andrews AvenuePasay City. Sinabi ni Pasay City police chief, Sr. Supt. Florencio Ortilla, patuloy ang imbestigasyon kaugnay sa pananambang sa pamilya Sy. Patuloy na inoobserbahan ang mag-asawa sa isang pagamutan na sina Minjiang Sy, 48; misis na si Kim Sham Hong, 43, …

Read More »

120 days maternity leave sa unwed pregnant women

ISINULONG ni Senadora Nancy Binay ang 120 days maternity leave sa unwed, pregnant women sa bansa. Ayon kay Binay, ang panukala ay bilang proteksyon ng mga kababaihang nagtatrabaho sa gobyerno. Aniya, dapat kilalanin ng estado ang karapatan na ito ng nasabing mga kababaihan  lalo na ang mga nabuntis nang walang ama. Batay sa Senate Bill No. 2083 o “An Act …

Read More »

‘Informants’ vs PDAF scam lumantad

KASUNOD ng pagsasalita ni former presidential social secretary Ruby Tuason, hinimok ng Malacañang ang iba pang may nalalaman sa multi-billion peso pork barrel scandal na isiwalat na rin ang kanilang hawak na mga impormasyon. Tiniyak ni Communications Sec. Herminio Coloma Jr., nakahanda ang Department of Justice na tanggapin ang ano mang ebidensya laban sa kaso at i-assess ang mga informant …

Read More »

‘Fly high’ drug sa Dinagyang tinitiktikan

NAGMAMATYAG ang anti-drug operatives sa Western Visayas laban sa bagong party drug na sinasabing higit na matapang at nakamamatay. Sinabi ng Philippine Drug Enforcement Agency, ang bagong “Fly High” drug ay pinaghalong ecstacy, methamphetamine hydrochloride (shabu) at Chinese Viagra. Inihayag ni PDEA Western Visayas Director Paul Ledesma, ang bagong droga ay nasa capsule form at may iba’t ibang kulay. Ayon …

Read More »

Pulis pinana, kagawad sinaksak, amok na lolo utas sa parak

PATAY ang 59-anyos lolo nang manlaban sa mga pulis na aaresto sa kanya makaraang magwala at saksakin ang kagawad at panain ang isang pulis sa Brgy. San Martin 1, San Jose Del Monte City. Binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang suspek na si Eddie Martinez, residente ng Purok 3, Brgy. San Martin 1 sa naturang lungsod. …

Read More »

Military ops vs lawless elements isinulong sa Basilan

PATULOY ang opensiba ng operating troops ng 64th Infantry Battalion sa Sumisip, Basilan laban sa armadong grupo na pinamumunuan ng isang Kotatong Balaman, kilalang lider ng lawless elements na nag-o-operate sa nasabing probinsya. Ito’y matapos makasagupa nitong Biyernes ng mga sundalong Army ang nasabing grupo sa Sitio Buhi, Brgy. Sukatin, Sumisip. Ayon kay 1st Infantry Tabak Division spokesperson Capt. Jefferson …

Read More »

‘Miscalculation’ ikinatwiran ng Florida bus managemenet

Isinisisi ng Florida Transport sa makapal na ulap at makipot na daan ang pagkalaglag sa bangin ng isa sa mga bus na ikinamatay ng 15 pasahero kabilang ang komedyanteng si Tado Jimenez nitong Pebrero 7. Ayon kay Atty. Alexander Versoza, legal counsel ng Florida Transport, miscalculation lang ang naganap dala ng makipot na daan at makapal na ulap. Pero base …

Read More »

5 patay, 45 sugatan sa jeep na tumagilid

BAGUIO CITY — Patay ang lima katao habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang 45 sugatang pasahero matapos tumagilid ang pampasaherong jeep sa Sitio Galitungan, Nalbuan, Licuan-Baay, Abra. Kinilala ang mga namatay na sina Melba Millare, Solomen Colangan, Veronica Tucio, Noreen Tugadi at Dimple Tugadi. Ginagamot sa Abra Provincial Hospital ang 28 biktima, 9 sa Abra Christian Hospital at 8 …

Read More »

3 patay, 2 pulis sugatan sa drug encounter

TATLO ang kompirmadong patay na pinaniniwalaang mga miyembro ng notorious drug group matapos maka-enkwentro ang mga pulis sa isang bahay sa Brgy. Luna, Surigao City. Kinilala ang mga napatay na sina alyas Jamil, alyas Ma-il at alyas Bogs. Ayon kay Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Director-General Arturo Cacdac Jr., magsisilbi sana ang mga tauhan ng PDEA at Philippine National Police …

Read More »

Kasong Graft vs DoTC nagbabanta (Sa LRT-MRT ticket project)

POSIBLENG makasuhan ng kasong katiwalian ang mga opisyal ng Department of Transportation and Communications (DoTC) sa sandaling ilarga ang P1.7 bilyon LRT-MRT Common Ticketing System Project. Ayon kay Jason Luna, Convenor ng Coalition of Filipino Consumers, isang umbrella organization ng limang urban poor groups, malamang na kasuhan nila ng graft sa Office of the Ombudsman ang DoTC matapos desisyonang i-award …

Read More »

4-anyos nene walang galos sa ‘lumipad’ na Florida bus

ITINUTURING milagro ang pagkakaligtas sa 4-anyos batang babae, kasama sa mga nakaligtas sa nahulog na Florida Bus sa aksidenteng nangyari sa Mt. Province na ikinamatay ng 15 katao kabilang ang komedyanteng si Tado o Arvin Jimenez, at 32 iba pa nasugatan. Sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), kinilala ang survivor na si Amian Agustin, 4, …

Read More »

Tuason gigisahin ni Miriam

Nakatakdang gisahin ni Sen. Miriam Defensor-Santiago si Ruby Tuason, isa sa mga kinasuhan ng plunder kaugnay ng pork barrel scam at ngayo’y nagnanais maging state witness, kapalit ng testimonya laban sa mga personalidad na isinasangkot sa naturang katiwalian. Matapos lumantad ni Tuason, agad sumulat si Santiago kay Sen. Teofisto Guingona, chairman ng Blue Ribbon Committee, para irekomenda ang isang public …

Read More »

Birthday boy iprinotesta ng Yolanda survivors

SINALUBONG  ng protesta at matinding pagkondena  ng mga militante at mga  Yolanda survivors   si Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III, sa pagdiriwang ng ika-54 kaarawan, February 8, sa Mendiola, Maynila. Naghain ng wish list sa Pangulo ang Tindog People’s Network  na binasa ng kanilang tagapagsalita. “Continuous relief aids to all the victims especially those who are in far and hardly-reached …

Read More »

Tsuper, anak niratrat patay

LEGAZPI CITY – Hindi pa maditermina ng mga awtoridad ang motibo sa pananambang sa mag-ama sa  Libon, Albay. Kinilala ang mga biktimang  sina Rosaldo Raytana y Regondola, 61, jeepney Driver, at anak nitong si Rusty Raytana y Aderes, 23, konduktor ng jeepney at kapwa residente ng Brgy. Matara, ng nasabing bayan. Sa inisyal na imbestigasyon, namamasada ang mag-ama sakay ang …

Read More »

Vhong deretso sa korte mula sa ospital

MAKARAAN ang dalawang linggo matapos ang pambubugbog kay Ferdinand “Vhong” Navarro, nakalabas na ng ospital ang TV host/actor. Mula sa St. Luke’s Medical City, dumiretso ang convoy ni Navarro sa Department of Justice para panumpaan ang kanyang salaysay. Pinagkaguluhan ng mga tao si Navarro pagkalabas sa ospital ngunit agad isinakay sa van. Noong nakaraang linggo nang sumailalim sa reconstructive surgery …

Read More »

PNoy amateur, ignorante

BAGAMA’T wala pang opisyal na reaksyon ang China, ikinagalit ng Chinese community ang pagkukumpara ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa nasabing bansa kay Adolf Hitler hinggil sa pambu-bully nito sa West Philippine Sea. Inaantabayanan pa ngayon ang pahayag ng Chinese Foreign Ministry ngunit naglabas nang maanghang na komentaryo laban kay Pangulong Aquino ang Xinhua news agency na pag-aari ng …

Read More »

PSC, POC officials sinabon sa Senate probe

SINABON ng mga senador ang mga opisyal ng Philippine Sports Commission (PSC) at Philippine Olympic Committee (POC) kaugnay sa sinasabing kapabayaan kaya napag-iiwanan ang mga atleta ng Filipinas. Sa pagdinig ng Senate committee on games and amusement, uminit ang ulo ni Committee Chairman Sen. Sonny Angara dahil hindi maipaliwanag ng POC kung bakit tinanggal sa delegasyon sa SEA Games noong …

Read More »

Manager ng Jollibee utas sa parak (Inakalang magnanakaw)

PATAY ang 24-anyos manager ng isang food chain makaraang mapagkamalan na magnanakaw ng 29-anyos tauhan ng Rizal PNP at binaril sa bubong ng bahay kahapon ng madaling-araw sa Pasig City. Kinilala ni Senior Supt. Mario Rariza, hepe ng Pasig Police, ang napatay na si Irvin Perez y Padernal, manager ng Jollibee Antipolo at nakatira sa #31 Galaxy St., Cielo Homes, …

Read More »

Bunkhouses sa Yolanda victims substandard — DPWH

KINOMPIRMA ng Deparment of Public Works and Highways (DPWH) na substandard ang ipinatayong bunkhouses sa Eastern Visayas para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Sa pagdinig ng Senate committee on public works na pinamumunuan ni Sen. Bongbong Marcos, inamin ni DPWH Sec. Rogelio Singson na hindi nasunod ng mga contractor ang specifications ng DPWH dahil sa kakulangan ng materyal sa …

Read More »

SC nag-isyu ng TRO vs QC garbage fees

PANSAMANTALANG ipinatigil ng local government ng Quezon City ang koleksyon ng garbage fees mula P100 hanggang P500 sa bawat kabahayan. Ito ay makaraang pagbigyan ng Supreme Court ang hiling ni Jose Ferrer Jr., residente ng Kamias Road, Quezon City, na mag-isyu ng temporary restraining order, kaugnay sa kanyang petisyon na ipatigil ang koleksyon ng garbage fees. “SC 3d division issues …

Read More »

Maguindanao massacre suspects sumanib sa BIFF

KINOMPIRMA ni Maguindanao Gov. Esmael “Toto” Mangudadatu na may ilang mga suspek sa Maguindanao massacre ang umanib na sa Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF). Ang iba aniya ay nanguna pa sa sagupaan at nagpasabog ng mga bomba sa Maguindanao at North Cotabato. Sinabi ni Mangudadatu, mismong ang nambomba sa Mamasapano ay suspek sa November 23, 2009 massacre, ayon sa mga …

Read More »

Iniwan ng Pinay GF Dutch nat’l nagbigti

KALIBO, Aklan – Nagbigti ang Dutch national sa comfort room ng isang apartelle sa isla ng Boracay. Natagpuan nakabitin at wala nang buhay sa CR ng English Bakery Apartelle ang biktimang si Geritt Van Straallen, 63, ng Netherlands. Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, may nakitang suicide note sa area at nakasaad dito kung gaano kamahal ng biktima ang kanyang …

Read More »

5 arestado, 16 babae nasagip sa human trafficking

CAMP OLIVAS, Pampanga – Kalaboso ang lima katao habang 16 kababaihan ang nasagip sa human trafficking sa pagsalakay ng mga awtoridad sa isang bar sa red light district ng Angeles City, Pampanga. Ayon kay Central Luzon Police director, Chief Supt. Raul Petra Santa, huli sa akto na umiistema ang assistant bar manager ng Shadow Bar sa E. Santos sa bayan …

Read More »