Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Misis binugbog ni mister (Pagkain nilagyan ng lason?)

NAHAHARAP sa kasong paglabag sa Republic Act 9262 (Violence Against Women’s and Children’s Act) ang 44-anyos lalaki makaraan bugbugin ang kanyang kinakasama na inakusahan niyang nilagyan ng lason ang kanyang pagkain kamakalawa ng gabi sa Makati City. Nakapiit na sa detention cell ng Makati City Police ang suspek na si Alberto Gulas, ng 3232 Guerna St., Brgy. Palanan ng naturang …

Read More »

Reporma sa VFP hiniling na kaagad ipatupad ni Gazmin

MULING nanawagan ang mga beterano at kanilang mga kamag-anak kay Department of National Defense (DND) Secretary Voltaire T. Gazmin sa mabilisang implementasyon ng bagong constitution and by-laws (CBL) ng Veterans Federation of the Philippines (VFP). Naunang sumulat si Defenders of Bataan and Corregidor, Inc. (DBC) National Commander Rafael Evangelista kay Sec. Gazmin upang ipanukala ang pagtatatag ng Management Committee para …

Read More »

No wage increase sa gov’t workers — Abad (Insentibo lang)

AGAD kumambiyo si Department of Budget (DBM) Secretary Florencio “Butch” Abad sa kanyang pahayag na walang wage increase na maipatutupad para sa mga empleyado ng gobyerno sa susunod na taon. Sinabi ni Abad, bagama’t walang inaasahang dagdag sa sahod ng mga empleyado ay may dagdag sa kanilang insentibo. Dahil dito, makatatanggap ang mga kawani ng gobyerno ng productivity enhancement incentive …

Read More »

Dagdag sweldo sa guro suportado ng DepEd

WORLD TEACHERS’ DAY. Sumugod sa Mendiola ang mga guro bilang maagang paggunita sa World Teachers’ Day sa Oktubre 5, bitbit ang mga plakard upang igiit ang pagsasabatas ng House Bill 245, naglalayong itaas ang sahod ng mga guro. Hiniling din nila sa nasabing protesta ang pagbaba sa buwis at pagbasura sa K to 12 education program. (BONG SON)   SUPORTADO …

Read More »

Ex ni Philip nagpiyansa vs Estafa

PANSAMANTALANG nakalaya sa kasong estafa si Cristina Decena, dating maybahay ng aktor na si Philip Salvador, makaraan maglagak ng piyansa. Bago mag-5 p.m. kamakalawa nang magtungo si Decena sa Quezon City Regional Trial Court (RTC) Branch 107 sa sala ni Judge Jose Bautista, dala ang P30,000 cash na inirekomenda ng Pasig RTC Branch. Ayon kay Atty. Filomena Lopez, clerk of …

Read More »

Sexy model itinangging kilala ng police general (Sa ‘calling card scandal’)

ITINANGGI ni Chief Supt. Alexander Ignacio na personal niyang kilala ang modelong si Alyzza Agustin na ginamit ang kanyang calling card para malusutan ang kinasasangkutang traffic violations. Nilinaw din ni Ignacio na siya ay one star general at hindi two star general na nakapaloob sa calling card na kumakalat sa social networking sites, at hindi niya executive assistant si Agustin. …

Read More »

Purisima ‘di nagsasabi nang totoo — Osmeña, Poe

HINDI nagsabi ng buong katotohanan sa ginanap na Senate inquiry si Philippine National Police (PNP) chief Dir. Gen. Alan Purisima. Ito ang nagkakaisang pahayag nina Sen. Serge Osmeña at Senate committee on public order and dangerous drugs chairperson Sen. Grace Poe. “I’m not convinced that he’s telling the truth entirely or if he’s revealing the entire truth. Maybe there’s a …

Read More »

Kotongan sa pantalan inamin ng Palasyo

INAMIN ng Palasyo na talamak ang kotongan sa pantalan kaya’t magbabalangkas ng mga bagong patakaran ang Bureau of Customs (BoC) para maayos ang sistema nang paggalaw ng mga kargamento. Sa katunayan, ayon kay Cabinet Secretary Rene Almendras, pwede na siyang magsulat ng ‘Handbook on Kotong’ para talakayin ang malalang pangingikil sa importers at truckers sa loob at labas ng pantalan. …

Read More »

Kilos-protesta banta ng Customs brokers vs port congestion

NAGBANTA ng kilos-protesta ang samahan ng Customs brokers sa Bureau of Customs (BoC) dahil sa hindi pa rin nasosolusyunang port congestion. Isa rin itong pagkilos kontra sa unang araw ng pagpataw ng multa sa importers ng mga overstaying na container. Ayon kay Ray Sulayman, vice president ng Customs Broker Council of the Philippines, imbes solusyunan ang problema sa port congestion …

Read More »

15 estudyante, 2 guro sa Aklan nalason sa cake

KALIBO, Aklan – Aabot sa 15 mag-aaral mula sa high school at dalawang guro ang nalason sa kinaing cake na gawa sa isang uri ng kamoteng kahoy na niluto bilang bahagi ng kanilang experiment para sa kanilang Science Fair sa Batan, Aklan. Base sa report, ang mga biktima ay nakaramdam ng pagkahilo, pananakit ng tiyan at pagsusuka makaraan kumain ng …

Read More »

Kelot ‘di nag-remit sa droga itinumba

PATAY ang isang 33-anyos hinihinalang tulak ng droga makaraan barilin sa ulo nang mabigong i-remit ang P3,000 utang sa kinuhang droga kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila. Binawian ng buhay habang isinusugod sa Gat Andres Bonifacio Medical Center ang biktimang si Francis Santosidad ng 209 Matiisin Street, Tondo. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na si Winefredo Vegas, alyas …

Read More »

P2.4-M shabu nasabat Tsinoy arestado

ARESTADO ang isang Tsinoy sa buy-bust operation ng District Anti-Illegal Drugs-Special Operations Task Group (DAID- SOTG) at Malabon City Police sa isang fastfood chain sa Caloocan City kahapon ng hapon. Kinilala ang suspek na si Mike Tiu, 36, residente ng Brgy. Sta. Lucia Masantol, Pampanga, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 9165 (Dangerous Drugs Act), nakapiit na sa detention cell …

Read More »

Bahay ng kaaway sinunog ng karpintero

NAKATAKDANG sampahan ng kasong arson ang isang lalaki makaraan sunugin ang bahay ng nakaalitang kapitbahay sa Meycauayan City, lalawigan ng Bulacan kamakalawa. Kinilala ang suspek na si Victor Policarpio, 40, residente ng Brgy. Lawa sa naturang lungsod, nagkaroon ng mga paso sa katawan nang madikitan ng apoy dahil sa kalasingan. Makaraan ang insidente, nagtago ang suspek sa bahay ng kanyang …

Read More »

8-anyos nene sex slave ng ‘lolong’ manyak

NAGA CITY – Labis ang galit na naramdaman ng isang ina nang malaman na biktima ng panghahalay ang kanyang anak na babae sa Lopez, Quezon. Sa ulat na ipinadala ng Quezon Police Provincial Office, kinilala ang suspek sa pangalang Lolo Ambet. Sa imbestigasyon ng pulisya, naglalaro ang 8-anyos biktima kasama ang kanyang kapatid na lalaki sa bahay mismo ng suspek. …

Read More »

3 tanker nagliyab sa oil depot

TATLONG tanker ang nagliyab at nasunog sa isang oil depot sa Old Panaderos St., Punta, Sta. Ana, Maynila kahapon ng umaga. Ayon kay Manila Fire Marshall Supt. Jaime Ramirez, nagsasalin ng gasolina ang tanker (CUV 851) sa isa pang tanker (WGU 626) nang maganap ang insidente. Sa kalagitnaan ng pagsasalin, nag-start ng makina ang driver ng sinasalinang tanker dahilan upang …

Read More »

Pari sinampal ng ginang sa simbahan (Muntik din sagasaan)

BACOLOD CITY – Kinasuhan ng unjust vexation at threat ng isang pari sa Bacolod Police Station 8 ang isang ginang makaraan siyang sampalin at muntik sagasaan sa loob mismo ng compound ng simbahan. Ayon kay Father Farley Ray Santillan, parish priest ng San Antonio Abad Church, siya ay dinuro, tinawag na bastos at sinampal ng ginang na kinilalang si Ligaya …

Read More »

PNoy paid ads itinanggi ng Palasyo (Para sa reelection sa 2016)

HUGAS-KAMAY ang Palasyo sa nalathalang bayad na anunsiyo sa mga pangunahing pahayagan na humihiling kay Pangulong Benigno Aquino III na ikonsidera ang pagtakbong muli sa 2016 presidential elections. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., walang kinalaman ang Malacanang sa paid ads dahil nagsalita na ang Pangulo sa isyu ng term extension. Ang isinaalang-alang aniya ng Pangulo ay kung sino …

Read More »

Hataw news photographer binantaan ng pusher (Dahil sa raid sa shabuhan… )

NASA panganib ang buhay ng HATAW photojournalist matapos pagbantaan ang kanyang buhay ng pinaniniwalaang mga miyembro ng isang malaking sindikato ng droga sa Valenzuela City. Si Ric Roldan, news photographer ng Hataw D’yaryo ng Bayan ay nakatanggap ng pagbabanta nang matagumpay na masakote ng mga awtoridad ang anim katao kabilang ang isang bigtme pusher sa isang drug-bust na ginawa sa …

Read More »

‘Reporma’ sinisi ni Purisima

PINAGPAPALIWANAG ni Sen. Grace Poe, chairperson ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, si PNP chief, Director Geneneral Alan Purisima hinggil sa kontrobersiyal na ‘White House’ sa Camp Crame at sa kanyang bahay sa Nueva Ecija, sa ginawang pagdinig sa Senado kahapon. (JERRY SABINO) HUMARAP si PNP chief Director General Alan Purisima sa pagdinig ng Senado kaugnay ng …

Read More »

SIM card registration pinaboran ng Palasyo  

  MAKARAAN ang pagdadalawang-isip bunsod ng ‘privacy concerns,’ inihayag ng Malacañang kahapon na pabor sila sa panukalang pagpaparehistro sa prepaid subscriber identity module (SIM) cards sa bansa. Sinabi ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. sa press briefing sa National Telecommunications Commissions (NTC), napapanahon nang magpasa ng batas para sa SIM card registration. “The executive branch has manifested its support to …

Read More »

Pamilya sinilaban sa Basilan

SINUNOG ang tatlong miyembro ng isang pamilya sa Isabela City, Basilan. Hinihinalang ilang araw nang patay ang mag-anak na kinilalang sina Rodelio Gonzaga, 57; Lucia, 47; at ang kanilang 11-anyos anak na si Virgilio, nang matagpuan sa loob ng kubo sa Campo Barn, Kapayawan, Isabela City. Nabatid na katiwala ang mag-anak sa lupang kanilang tinitirhan. Sinasabing Sabado nang makarinig ng …

Read More »

Dalagita nilamas ng batilyong manyak

MALAMIG na rehas na bakal na ang hinihimas ng isang manyakis na batilyo (fish porter) makaraan maaresto matapos lamasin ang dibdib at ibabang kaselanan ng isang 13-anyos dalagita kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Kinilala ang suspek na si Jerry Tumalakad Mateo, 28, ng Sitio Puting Bato, Brgy. North Bay Boulevard South, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A. 7610 (Child …

Read More »

Bangka nasagi ng RORO mangingisda missing

NAWAWALA ang isang mangingisda, habang nailigtas ang kanyang anak makaraan masagi ng isang Roll-on Roll-off (RORO) vessel ang kanilang bangka sa Dumangas, Iloilo kahapon ng madaling-araw. Ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), 4 a.m. kahapon, paalis sa pantalan ang RORO vessel patungong Bacolod nang masagi nito ang bangkang sinasakyan ni David Grillo, 45, at ng anak na si Aljon Grillo …

Read More »

Grade 2 pupil minaltrato ng titser

DESIDIDO ang mga magulang ng 8-anyos batang babae na sampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 7610 (Child Abuse) ang anila’y sadistang guro na nanakit sa kanilang anak sa loob ng paaralan na nagresulta sa trauma kaya ayaw nang pumasok sa paaralan. Kinilala ang inireklamong guro na si Felomena Mayor ng Bagong Buhay East Central Elementary School sa Lungsod ng …

Read More »

KTV bar, 2 sugalan sinalakay sa Pasay

  SINALAKAY ng mga operatiba ng Special Operation Unit (SOU) ng Pasay City Police ang dalawang pasugalan at isang KTV bar na ginagawang prostitution, sa magkakahiwalay na lugar kamakalawa sa nasabing siyudad. Sa pangunguna ni SOU Officer in Charge, Chief Inspector Lerpon Platon, una nilang sinalakay ang Richman KTV Bar & Restaurant sa 229 FB Harrison St., Brgy. 13, Zone …

Read More »