Monday , December 23 2024

Masonry Layout

Facebook user binalaan vs kidnappers

BUNSOD nang tumataas na insidente ng krimen dahil sa paggamit ng social media, nagbabala ang pambansang pulisya sa mga gumagamit nito na mag-ingat sa pagpo-post ng larawan at kabuhayan sa social networking sites. Ito ay makaraan matuklasan ng PNP na may mga nahihikayat na kriminal na biktimahin ang mga negosyante at mga taong ipino-post ang kanilang kabuhayan sa facebook, at …

Read More »

22 sugatan sa bus vs truck sa CDO

UMABOT sa 22 katao ang sugatan sa banggaan ng bus at truck sa Tablon Highway, Cagayan De Oro City, Linggo ng hapon. Batay sa imbestigasyon, paliko ang truck na may kargang buhangin nang banggain ng Rural Bus sa likuran. Wasak ang harapan at gilid ng bus. Isinugod sa Capitol University Medical City ang bus driver na si Danilo Ondap na …

Read More »

Pacman nagpakita ng dating bangis (6 na beses pinabagsak si Algieri)

BINIGYAN ng boxing lesson ni Manny Pacquiao ang walang talong si Chris Algieri sa naging paghaharap nila kahapon sa Macau para irehistro ang isang unanimous decision at  mapanatili ang korona sa WBO welterweight sa harap ng libu-libong fans na dumagsa sa CotaiArena. Sa kabuuan ng 12 rounds ay dinomina ni Pacquiao si Algieri at anim na beses niyang pinahiga sa canvas …

Read More »

HK journalists blacklisted sa PH (Nambastos kay PNoy)

HINDI na papayagang makapasok sa Filipinas ang ilang mamamahayag ng Hong Kong na sinasabing nambastos kay Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa APEC Summit sa Bali, Indonesia noong nakaraang taon. Magugunitang sinigawan si Aquino ng ilang mamamahayag mula sa Hong Kong at inulan ng tanong ukol sa Manila hostage crisis na ikinamatay ng walong Hong Kong nationals noong 2010. Ikinadesmaya …

Read More »

Kelot natumbok ng motorsiklo habang umiihi (1 patay, 2 sugatan)

ZAMBOANGA CITY – Sugatan ang isang lalaki na nabangga ng motorsiklo habang umiihi sa gilid ng pedestrian lane sa highway ng Purok 1, Brgy. Nangka, Dinas, Zamboanga del Sur kahapon. Habang namatay ang isang back rider nang nakabanggang motorsiklo na kinilalang si Edwardo Padilla Borlando, isang magsasaka, habang grabeng sugat sa katawan ang dinanas ng driver na si Paul Hemillian …

Read More »

Paglilipat sa NBP inaapura

ANG Agarang pagpapatupad ng modernisasyon ng Bureau of Corrections (BuCor) ang nakikitang solusyon sa paglabas-masok ng droga, cellphone at iba pang ipinagbabawal sa New Bilibid Prison (NBP). Magugunitang noong Mayo 2013 ipinasa ni Pa-ngulong Benigno “Noynoy” Aquino III ang panukala para sa modernization ng BuCor o Republic Act 10575 na layong i-upgrade ang prison facility, i-restructure ang kawanihan at itaas …

Read More »

Palasyo determinado sa hustisya vs Ampatuans

BUO ang determinasyon ng gobyerno na masaksihan ang paggawad ng ganap na hustisya at kahit man lang ang panguna-hing akusado sa Maguindanao massacre ang mahatulan sa panahon ng administrasyong Aquino. Sinabi kahapon ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr., ang hamon ni Pangulong Benigno Aquino III sa Department of Justice (DoJ) ay ipursige ang paglahok sa paglilitis sa Maguindanao massacre case …

Read More »

ASG leader, sundalo utas sa shootout

PATAY ang isang notorious Abu Sayyaf group (ASG) leader sa shootout incident nang pinagsanib na pwersa ng militar at pulisya sa probinsiya ng Sulu kamakalawa. Kinilala ni Joint Task Group Sulu Commander Col. Alan Arrojado ang ASG leader na si Sihata Latip. Ayon kay Arrojado, nanlaban ang suspek nang arestuhin ng security forces. Naganap ang insidente bandang dakong 4:45 p.m. …

Read More »

Traffic enforcer napisak sa truck

AGAD binawian ng buhay ang isang traffic enforcer makaraan magulungan ng tanker habang lulan ng motorsiklo sa A. Bonifacio Avenue kanto ng J. Manuel Street sa Quezon City kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Richard Señoron, traffic enforcer ng Maynila. Ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Constable Ronald Maala, nadulas hanggang sumemplang ang paliko-sa-kanang motorsiklo ni Señoron. Tiyempo parating ang …

Read More »

No extended hours operation sa MRT/LRT (Kahit may mall hours adjustment)

07WALANG magiging adjustment sa operation hours ng Light and Metro Rail Transit System (MRT/LRT) sa Metro Manila kapag naipatupad na ang extended mall hours para maibsan trapiko. Sinabi ni LRT Authority spokesman Hernando Cabrera, hindi sila mag-a-adjust ng kanilang oras ng operasyon na ang oras ay mula 5 a.m. hanggang 10 p.m. Matatandaan, ipatutupad ng mall owners ang napagkasunduang oras …

Read More »

Kambal na 10-anyos 3 taon niluray ng tiyuhin

KALABOSO ang isang 40-anyos lalaki makaraan ituro ng 10-anyos kambal na neneng na gumahasa sa kanila sa loob ng tatlong taon sa Sta. Cruz, Maynila. Kinilala ang suspek na si Ronaldo Magno, jeepney driver, residente ng 2139 Elias St., Sta. Cruz, Maynila. Sa kanilang reklamo sa Women and Children Protection Unit, itinuro ng mga biktimang sina Nena at Ninay, ang …

Read More »

Sugarol tiklo sa shabu

KULONG ang isang lalaki makaraan makompiskahan ng shabu nang madakip ng mga pulis habang nagsusugal ng cara y cruz sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw. Kinilala ni Sr. Supt. Bartolome Bustamante, hepe ng Caloocan Police, ang suspek na si Ronnie Ticson, 21, ng Kapayapaan St., Brgy. 150, Bagong Barrio ng nasabing lungsod. Dakong 3:30 a.m., nagpapatrulya ang mga tauhan ng …

Read More »

1 patay, 2 sugatan sa sunog sa Tanza

NALITSON ang isang lalaki habang dalawa ang sugatan sa sunog na naganap sa Tanza, Cavite kahapon. Sa ulat ng Cavite Bureau of Fire Protection, dakong 12:54 a.m. nang magsimula ang sunog at mabilis na kumalat sa tatlong business establishments sa Soriano Highway, Brgy. Daang Amaya 3, Tanza, Cavite. Umabot sa ikatlong alarma ang suspek at naapula ng mga bombero dakong …

Read More »

Ginang tumalon sa tulay kritikal

8KRITIKAL ang kalagayan ng isang 37-anyos ginang makaraan tumalon mula sa Alejo Bridge, Brgy. Poblacion, sa bayan ng Bustos, Bulacan kahapon. Ayon sa inisyal na ulat ng pulisya, bago tumalon ang biktimang si Anita Basbas ay napansin siya ng mga residente habang palakad-lakad sa gilid ng tulay hanggang biglang tumalon dakong 8 a.m. Mabilis na nagresponde ang 505 rescue team …

Read More »

19-anyos bebot na-gang rape ng 4 katagay

ZAMBOANGA CITY – Halinhinang ginahasa ang isang 19-anyos dalagita ng kanyang apat na mga kaibigan habang nakikipag-inoman sa Brgy. Guiwan sa Zamboanga City kamakalawa. Base sa salaysay ng biktima sa mga pulis ng Divisoria police station, sumama siya sa bahay ng isa sa mga suspek at nakipag-inoman hanggang umabot sila ng hanggang 2 a.m. Kasama siya ng dalawang lalaking suspek …

Read More »

Totoy todas sa baril ng senglot na ama

PATAY ang isang 10-anyos batang lalaki nang tamaan ng bala ng baril na pinaglaruan ng lasing niyang ama sa loob ng kanilang bahay sa Caloocan City kamakalawa ng gabi. Nalagutan ng hininga habang ginagamot sa Caloocan City Medical Center sanhi ng tama ng bala ng hindi nabatid na kalibre ng baril sa dibdib ang biktimang si Jefferson Gutirrez, ng Phase …

Read More »

Land grabber na PNP Gen tao ni Mar?

08INUNYAG ng grupong Lakap Bayan na hindi kayang sibakin ni Philippine National Police (PNP) Director General Alan Purisima si PNP Director for Comptrollership Rolando Purugganan kahit sangkot sa mga anomalya tulad ng land grabbing sa Antipolo City dahil ‘may proteksiyon’ ni Department of Interior and Local Government (DILG) Mar Roxas. Ayon sa Lakap Bayan, isang pangkat ng mga dating opisyal ng …

Read More »

Supreme Court employees nag-walkout (P16K minimum wage iginiit)

NABULABOG ang Korte Suprema kahapon nang mag-walk-out ang mga empleyado upang ipanawagan ang national minimum wage na P16,000 at patuloy na kontrahin ang pagpataw ng buwis sa bonuses at allowances nila. Eksaktong 12 p.m. nang-magwalk-out ang grupo mula sa kanilang opisina sa Padre Faura, Maynila, at bumalik bandang 12:30 p.m. Ayon kay Jojo Guerrero, pangulo ng SC Employees Association (SCEA), …

Read More »

7 ex-QC off’ls, 2 pa guilty sa Ozone tragedy (Kulong ng 6 hanggang 10 taon)

HINATULAN ng anim hanggang 10 taon pagkabilanggo ng Sandiganbayan ang mga pangunahing akusado sa Ozone Disco tragedy na ikinamatay ng 162 katao noong Marso 1996. Makaraan ang 18 taon pag-usad ng kaso, naglabas na ng desisyon ang Sandiganbayan 5th Division laban sa mga dating opisyal ng City Engineering Office. Kabilang sa mga guilty sa kasong paglabag sa Anti-Graft and Corrupt …

Read More »

Gas pinakuluan sumabog, ginang tigok (Inakalang tubig)

DAVAO CITY – Patay ang isang ginang nang sumabog ang pinakuluang gas na napagkamalang tubig. Kinilala ang biktimang si Lina Orosal, 54, may asawa, at nakatira sa Prk. Pag-asa, Brgy. Binaton, Digos City. Batay sa ulat, dakong 6 a.m. nang magpapakulo sana ng tubig ang biktima nang aksidente niyang makuha ang isang gallon na may lamang gas. Inilagay niya ito …

Read More »

2 milyon mag-aaral makikinabang sa free meals ng pamahalaan

Halos 2 milyong mag-aaral sa pampublikong paaralan ang makikinabang sa isinulong ni Senador Grace Poe na free meals program para sa mga “severely wasted” at “wasted” na mga bata sa buong bansa. Ani Poe, measure sponsor, “This is prioritizing the most neglected yet most important resources of our nation. I am hopeful that this initiative, carried out effectively, will pave …

Read More »

Kritiko ng PCOS nananaginip nang gising — Comelec official

BINATIKOS kahapon ng isang senior member of the Commission on Election (Comelec) ang isang dating Comelec official na itinalaga noong Arroyo administration sa pagkakalat ng haka-haka na minanipula ang automated elections noong 2013. Sinabi ni Commissioner Lucenito Tagle na nananaginip nang gising si Melchor Magdamo na nagsabing ang precinct count optical scan (PCOS) machines ay naka-pre-programmed para sa sistematikong ‘dagdag-bawas.’ …

Read More »

Thai patay sa pagtalon mula 15/F sa Makati

BINAWIAN ng buhay ang isang lalaking Thai makaraan tumalon mula sa ika-15 palapag ng gusali sa Ayala Avenue, Makati kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Chief Insp. Shirley Bao, hepe ng investigation branch ng Makati PNP, ang 37-anyos biktimang si Kirk Priebjrivat, agad nalagutan ng hininga makaraan tumalon mula sa rooftop ng Bankmer building sa Bel-Air. Ayon sa testigong si Jumer …

Read More »

Budget sa Papal visit binubusisi

WALA pang ‘price tag’ ang tatlong araw na pagbisita ni Pope Francis sa Filipinas sa susunod na taon. Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., binubusisi pa ng Papal Visit 2015-National Organizing Committee (PV-NOC) na pinamumunuan ni Executive Secretary Paquito Ochoa Jr., ang panukalang budget na isinumite ng kinauukulang mga ahensiya. “There is yet no final budget for the visit. …

Read More »

Baby naihagis ni nanay, patay (Naalimpungatan sa pagtulog)

CEBU CITY – Kasong parricide ang kinakaharap ng 18-anyos ina makaraan maihagis ang kanyang isang taon gulang na sanggol nang maalimpungatan mula sa mahimbing na pagtulog sa Gen. Luna St., Pob. II, Carcar City, Cebu kamakalawa. Nakapiit sa Carcar City Police ang ina na si Catherine Alinsugay Tulod, ng Gen. Luna St., Poblacion 11, Carcar City. Ayon kay PO2 Camia …

Read More »