Monday , December 23 2024

Masonry Layout

15-anyos niluray Obrero kalaboso

WASAK ang kinabukasan ng isang 15-anyos na dalagita makaraan pagpasasaan ng isang obrero sa loob ng bahay ng biktima kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Swak sa kulungan ang suspek na kinilalang si Joselito Pontillano, 32, ng Bukludan Petunia St., Sampaguita Subdivision, Camarin ng nasabing lungsod, nahaharap sa kasong rape in relation to R.A. 7610 (Child Abuse) Batay sa ulat …

Read More »

Notoryus hitman todas sa raid (6 arestado)

PATAY ang isang notoryus na hitman-holdaper sa ikinasang raid ng Quezon City Police District (QCPD) sa Brgy. Pinyahan, kahapon ng umaga. Ayon kay Supt. Limuel Obon, pinaputukan sila ni alyas Totoy Bite kaya sumiklab ang enkwentro at napatay ang suspek. Narekober ang dalawang kalibre .45 baril ng suspek. Habang arestado ang anim na iba pa sa naturang raid sa lugar …

Read More »

Ika-3 suspek sa Belmonte ambush timbog

CAGAYAN DE ORO CITY – Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang  pangatlong suspek sa pag-ambush sa grupo ni Iligan City Lone District Rep. Vicente Belmonte sa Laguindingan, Misamis Oriental na ikinamatayng tatlo katao habang apat ang sugatan. Sinabi ni provincial administrator Jun Pacamalan, ang mga residente ng Brgy. Gasi sa Laguindingan ang nakahuli sa nasabing suspek kamakalawa at dinala …

Read More »

Seaman nadulas sa barko tigok

HINDI nagawang maisalba ang buhay ng isang seaman nang aksidenteng madulas at tumama ang ulo sa gilid ng bakal ng main deck ng barko hanggang sa mahulog sa Manila Bay ang 54 kahapon ng madaling araw sa Pasay City. Patay na nang matagpuan ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard ang biktimang si Esmeraldo Malolot, may asawa, 3rd mate seaman ng …

Read More »

Holdaper utas sa shooutout

PATAY noon din ang isang hinihinalang holdaper makaraan makipagbarilan sa mga operatiba ng Quezon City Police District kahapon ng umaga sa nasabing lungsod. Sa ulat kay Sr. Supt. Joel D Pagdilao, QCPD Director, kinilala ang napatay na si Freddie Nicol, 39, alyas Totoy Bite, ng NIA Road, Brgy. Pinyahan, Quezon City. Ayon kay Inspector Elmer Monsalve homicide chief ng Quezon City …

Read More »

Kelot tinaniman ng 12 bala sa katawan

LABINDALAWANG tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang lalaki makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking nakasakay sa motorsiklo sa Brgy. Sabang, Baliuag, Bulacan kamakalawa ng umaga. Sa ulat mula sa Baliuag PNP, kinilala ang biktimang si Roy Gacusan, 36, residente ng Brgy. Caingin, sa bayan ng San Rafael sa naturang lalawigan. Nabatid sa ulat, pauwi na si Gacusan mula …

Read More »

PNP, nakahanda para sa ‘Christmas rush’ — Roxas

SA NALALAPIT na pagsapit ng Pasko at Bagong Taon, tiniyak ni Interior at Local Government Secretary Mar Roxas na handang-handa na ang 150,000 tauhan ng Philippine National Police (PNP) upang panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa lansangan. Nakipag-ugnayan na si Roxas kay PNP OIC Chief Supt. Leonardo Espina upang masigurong nakatutok ang mga awtoridad sa mga lugar na pinamumugaran ng …

Read More »

Pope Francis suportado ng CPP — Sison

MANILA, Philippines — Nagpahayag ng suporta si Communist Party of the Philippines (CPP) founding chair Jose Ma. Sison para kay Pope Francis at sa kanyang pagbisita sa Filipinas sa Enero ng susunod na taon. “Si Pope Francis ay pinili upang resolbahin ang mga problema sa loob ng simbahan. Lubos itong batid ng mga taong-simbahan. Alam nila na siya ay may …

Read More »

Pemberton sa amin pa rin (Hirit ng US)

IPINAGPILITAN ng Estados Unidos ang kanilang karapatang magkustodiya sa kababayang si US Marine PFC Joseph Scott Pemberton makaraan masampahan ng kasong murder kaugnay ng pagpatay sa transgender woman na si Jeffrey Laude alyas “Jennifer” noong Oktubre 11, 2014 sa isang hotel sa  Olongapo City. Ayon sa kalatas na inilathala sa kanilang website, iginiit ng US Embassy sa Manila ang mga …

Read More »

Bangkay ng bebot lumutang sa Tullahan River

LUMULOBO na ang bangkay at walang saplot na pang-ibaba ang isang babae nang matagpuang nakalutang sa Tullahan river kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City. Inilarawan ng pulisya ang biktimang hindi pa natutukoy ang pagkakakilanlan, na may gulang 24 hanggang 28-anyos, may tattoo na paro-paro sa braso at Sam sa binti. Patuloy na inaalam ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng sinasabing …

Read More »

Walang Pinoy sa hostage crisis sa Australia

WALANG nadamay na Filipino sa 16 oras na hostage crisis sa cafe sa Sydney, Australia na ikinamatay ng tatlo katao. Kinompirma ito ni Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose batay na rin sa impormasyon mula sa New South Wales Police na iniulat sa kanila ng consulate general ng embahada sa Sydney. Kabilang sa mga namatay ang dalawang hostage at mismong …

Read More »

Senglot nahulog sa hagdan ng hotel tigok

BINAWIAN ng buhay ang isang 54-anyos lalaki nang mabagok ang ulo makaraan malaglag habang bumaba sa hagdanan ng isang motel kamakalawa ng hapon sa Sta. Mesa, Maynila. Nalagutan ng hininga sa Lourdes Hospital dakong 2:45 p.m. ang biktimang si Edgar Alpano, ng Lot 95, Cluster 41, Bagong Nayon, Antipolo City. Ayon sa imbestigasyon ni SPO1 Rommel del Rosario, naganap ang …

Read More »

Lahat ng paliparan dapat tadtarin ng CCTV vs krimen — Sen. Koko

MULING nanawagan si Senador Aquilino “Koko” Pimentel III sa mga awtoridad sa lahat ng paliparan sa bansa na maglagay ng CCTV cameras sa loob at labas ng mga airport upang magdalawang-isip ang sino mang nais gumawa ng krimen. Muli niya itong ipinaalala matapos mahuli sa akto ang isang airport police na binasag ang salamin ng taxi nang tumanggi ang tsuper …

Read More »

Disaster Response dapat puliduhin — Sen Marcos Jr.

KAILANGAN pang gawing pulido ng pamahalaan ang disaster response and relief operations nito upang maiwasan ang malalang bilang ng pagkakamatay ng mga mamamayan sa panahon ng trahedya. Ito ang pananaw ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., maka-raang magpatawag ng hearing sa mga opisyal ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) at Office of Civil Defense ng Department of …

Read More »

Comelec lumabag sa Procurement Law (BAC bumaliktad sa DQ ruling vs Smartmatic )

HINILING kahapon ng isang abogado sa Bids and Awards Commitee ng (BAC) ng Commission on Elections (Comelec) na irekonsidera ang kanilang desisyon sa paglahok ng Smartmatic TIM sa two-stage bidding para sa supply ng karagdagang counting machines para sa 2016 elections. Idineklara ng BAC na kapwa kwalipikado ang Indra at Smartmatic na ipagpatuloy ang bidding matapos makapasa ang dalawa sa …

Read More »

Ilang noche buena items mas mura sa takdang SRP

INIHAYAG ng Department of Trade and Industry (DTI) na may ilang Noche Buena items ang mas mura ang presyo kaysa itinakdang suggested retail price (SRP). Sa price monitoring ng DTI, may ilang Noche Buena items ang mas mababa o mura ang presyo, ayon kay DTI Undersecretary Victorio Dimagiba, may sapat na pagpipilian ang mga mamimili. Pero pinayuhan ni Dimagiba, na …

Read More »

17-anyos dalagita 5 taon parausan ng stepdad

SWAK sa kulungan ang isang 62-anyos lalaki makaraan limang taon gahasain ang 17-anyos dalagitang anak ng kanyang kinakasama sa Valenzuela City. Kinilala ang suspek na si Rolando Ibañez, ng K-Grande St., Brgy. Ugong ng nasabing lungsod. Batay sa ulat ni PO2 Ma. Luisa Cassandra Pabadora, ng Women and Children Protection Desk, nagtungo sa kanilang tanggapan ang biktimang itinago sa pangalang …

Read More »

78 katao tinamaan ng amoebiasis (Sa North Cotabato)

KIDAPAWAN CITY – Umakyat sa 78 katao ang isinugod sa Aleosan District Hospital sa bayan ng Aleosan, North Cotabato dahil sa amoebiasis. Karamihan sa mga biktima ay nakaranas ng sobrang sakit ng tiyan, pagsusuka at pag-LBM. Ang mga dinapuan ng sakit ay nagmula sa Sitio Bliss, Brgy. Pagangan, Aleosan, Cotabato. Ayon kay Dra. Elizabeth Barrios, medical officer lll ng Aleosan …

Read More »

Fast food manager nagbaril sa ulo

CEBU CITY – Patay na nang madatnan sa loob ng kanilang bahay sa isang subdivision sa Brgy. Dumlog, lungsod ng Talisay, Cebu ang isang manager ng kilalang fast food chain kamakalawa. Kinilala ang biktimang si John Basallo, 35, may asawa, at residente sa nasabing lugar. Sa imbestigasyon ng homicide section ng Talisay City Police Office, ipinagtaka ng asawa ng biktima …

Read More »

Sandiganbayan Justices bumitiw sa ‘pork’ cases ni Jinggoy

NAG-INHIBIT ang tatlong mahistrado ng Sandiganbayan sa mga kaso ni Senador Jinggoy Estrada kaugnay ng pork barrel scam. Nagpadala ng liham ang mga mahistrado ng 5th Division sa pangunguna ni Chairperson Justice Roland Jurado kay Presiding Justice Amparo Cabotaje-Tang para ipaalam ang tungkol sa pag-inhibit sa mga kasong plunder at graft ng senador. Kinompirma ng tanggapan ng 5th Division na …

Read More »

Driver ng Maserati binawian ng lisensiya

TULUYANG binawian ng lisensya ng Land Transportation Office (LTO) ang driver ng Maserati sports car na si Joseph Russel Ingco makaraan makipag-away sa traffic enforcer na si Jorbe Adriatico. Sa ipinalabas na resolusyon ng LTO, malinaw na lumabag si Ingco sa reckless driving, committing a crime in the process of apprehension at pagmamaneho nang hindi rehistradong sasakyan. Ayon kay Jason …

Read More »

Pemberton kinasuhan ng murder (Sa transgender killing)

KINASUHAN ng murder ng Olongapo public prosecutor si US Marine PFC Joseph Scott Pemberton, ang suspek sa pagpatay sa Filipino transgender na si Jeffrey Laude a.k.a Jennifer. Ayon kay Olongapo Chief Prosecutor Emilie Delos Santos, nakitaan nila ng aggravating circumstances  kaya iniakyat sa korte ang reklamo ng pamilya Laude. Nakatakdang magpalabas ng warrant of arrest ang korte laban kay Pemberton na …

Read More »

Vietnamese cook nag-amok, 2 sugatan (Pagkain kinutya, dinuraan)

ILOILO CITY – Nakakulong sa La Paz Police Station sa lungsod ng Iloilo ang isang Vietnamese national na tagaluto sa barko makaraan saksakin at itulak sa hagdan ang dalawa niyang kasamahan sa barko. Nangyari ang insidente kahapon ng madaling-araw habang nakadaong sa Iloilo International Port ang cargo vessel na MV Quang Minh. Sa imbestigasyon ng mga pulis, kinutya at dinuraan …

Read More »

Christmas party dapat simple lang — DepEd

MULING nagbabala ang Department of Education (DepEd) na bawal ang ano mang koleksyon ng pera sa mga paaralan para sa pagdaraos ng mga party sa pampublikong paaralan ngayong Kapaskuhan. Ayon kay Education Secretary Br. Armin Luistro, bagama’t awtorisado ang Parents-Teachers’ Association (PTA) na maningil sa mga miyembro, dapat ay boluntaryo lang ang gagawing koleksyon para sa pondong gagamitin sa Christmas …

Read More »

Usapang pergalan atbp

KUNG hindi kayo pamilyar sa salitang ‘pergalan’ ito ay mula sa mga salitang perya at sugalan na ipinagsama, para ilarawan ang sugal na namamayagpag sa karamihan ng maliliit na karnabal na nag-uusbungan na parang kabute sa tuwing malapit na ang Pasko. Ang pergalan na dinudumog pati ng mga kabataan dahil sa color games at drop ball ay pana-panahon, at isa …

Read More »