LA UNION – Agad binawian ng buhay ang isang lolo makaraan salpukin at masagasaan ng truck sa Brgy. Baccuit Sur, bayan ng Bauang, habang sakay ng kanyang bisikleta kahapon ng umaga. Kinilala ang biktimang si Leopoldo Debad, 76-anyos Batay sa inisyal na imbestigasyon ng mga awtoridad, inilahad ni Senior Insp. Judy Calica, deputy cheif of police ng Bauang Municipal Police …
Read More »Masonry Layout
Magpinsang nasunugan kritikal sa kuyog
DOBLENG dagok para sa mga kaanak ang nangyari sa magpinsang binatilyo na makaraan masunugan ay kinuyog ng isang grupo ng mga kabataan nang mapagkamalan silang mga kalaban kamakalawa ng gabi sa Navotas City. Naa malubhang kalagayan sa Jose Reyes Memorial Medical Center ang mga biktimang sina Redentor Manliclic, 19; sanhi ng palo ng dos por dos sa ulo, at Jerome Castillo, 17, …
Read More »Bombero dapat protektahan sa galit ng nasunugan — Roxas
NAGLABAS ng mandato si Interior and Local Government Secretary Mar Roxas sa National Capital Region Police Office (NCRPO) at sa Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR) na agarang magsagawa ng isang joint investigation matapos makatanggap ng ulat ng pananakit sa mga bombero habang nagseserbisyo. “These are individuals who put their own lives on the line in the name of …
Read More »Ancestral house gumuho, 18 sugatan (Sa Liliw, Laguna)
SUGATAN ang 18 indibidwal sa pagguho ng isang ancestral house sa Brgy. Rizal, Liliw, Laguna nitong Huwebes. Ayon kay SPO4 Vicente Esles, deputy chief of police ng Liliw PNP, ang bahay ay pag-aari ng isang Teresita Artecola. Sa inisyal na imbestigasyon, nagkakainan ang mga bisita dahil pista sa naturang lugar nang biglang bumigay ang sahig na gawa sa kahoy. Sabay-sabay …
Read More »Vandolph muling naaksidente sa NAIA
LIGTAS ang aktor na si Vandolph Quizon makaraan masangkot muli sa aksidente sa bahagi ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 nitong Huwebes. Batay sa impormasyon, sumampa sa center island ang kotse ng 30-year-old actor at nakasagi ng motorsiklo at isang van. Sinasabing nabutas ang gulong ng sasakyan ni Vandolph kaya napakabig sa kabilang kalsada sa bahagi ng NAIA. …
Read More »20-anyos bebot dinukot ng kelot
NAILIGTAS ng mga tauhan ng Manila Police District PS 5 ang isang 20-anyos babae sa follow-up operation sa Valenzuela City kamakalawa makaraan dukutin ng isang 23-anyos lalaki nitong Marso 15 sa Roxas Blvd., Ermita, Maynila. Nakapiit na himpilan ng pulisya ang suspek na si Ibrahim Giama, walang asawa, ng Block 15, Baseco Compound, Tondo, Maynila, sinampahan ng kasong serious illegal detention, …
Read More »Misis pinatay, mister tumakas bitbit ang anak
TUMAKAS ang isang retired US serviceman sa Angeles City, Pampanga bitbit ang menor-de-edad nilang anak makaraan barilin at mapatay ang kanyang misis nitong Huwebes ng hapon. Batay sa paunang ulat, nakarinig ng putok ng baril ang 12-anyos anak na lalaki ng mag-asawang Enrique at Mylene Angeles. Nang puntahan, nakita niya ang duguang katawan ng ina sa may banyo habang sa …
Read More »Pinay tumalon sa gusali sa UAE (Tangkang gahasain ng Pakistani)
TUMALON sa mataas na bahagi ng gusali sa United Arab Emirates (UAE) ang isang 21-anyos Filipina nang tangkang pagsamantalahan ng isang Pakistani driver. Sa paglilitis sa Dubai Court of First Instance nitong Miyerkoles, Marso 18, sinabi ng piskalya na nagpasama ang 28-anyos Pakistani driver sa biktima sa opisina para kunin ang ilang dokumento. Nang makapasok sa opisina, isinara ng suspek …
Read More »Pekeng dentista arestado; ama tiklo sa droga
ARESTADO sa mga awtoridad ang isang babaeng pekeng dentista gayondin ang kanyang ama na nakompiskahan ng illegal na droga sa Bulakan, Bulacan kamakalawa. Kinilala ang mga naaresto na sina Joy Aica Consul Luciano, alyas Aika M. Luciano, 21, ng Brgy. Sta Ines, Bulakan, Bulacan, at Rolando Luciano. Nadakip si Aica sa entrapment operation na isinagawa ng mga kagawad ng Provincial …
Read More »Lolo’t lola, 5-anyos totoy patay sa 2 sunog (2 bombero, 7 pa sugatan)
PATAY ang dalawang matanda, isang 5-anyos batang lalaki habang siyam ang sugatan kabilang ang dalawang fire volunteer, sa magkahiwalay na insidente ng sunog sa Malabon City at Bacolod City. Sa Malabon City, binawian ng buhay ang lolo at lola at sugatan ang siyam katao kabilang ang dalawang fire volunteer, nang lamunin ng apoy ang higit sa 300 bahay dahil sa …
Read More »PNoy dapat mag-sorry — FVR
NANINIWALA si dating Pangulong Fidel V. Ramos na kailangang humingi ng paumanhin ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III makaraan ang operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 miyembro ng Special Action Force (SAF). Iginiit ni FVR na umiiral ang chain of command sa Philippine National Police (PNP), at kailangan akuin ni Aquino ang responsibilidad sa maduong insidente. Binanggit din ni …
Read More »Petisyon para sa drug test vs One Direction inihain sa Pasay RTC
NAGHAIN ng petisyon sa Pasay City Regional Trial Court ang isang grupo para obligahin ang drug test sa British boy band na “One Direction” bago ang nakatakdang concert nila sa bansa sa Marso 21 at 22. Sa 10 pahinang petisyon ng Laban ng Pamilyang Pilipino, isang anti-illegal drug group, humingi sila ng temporary restraining order (TRO) laban sa One Direction. …
Read More »Pagtalakay sa K-12 Program iniliban ng Supreme Court
INILIBAN ng Supreme Court ang pagtalakay sa petisyon na kumukuwestiyon sa pagpapatupad ng K to 12 Program ng Department of Education (DepEd). Sa deliberasyon ng Supreme Court En Banc, nagpasya ang mga mahistrado na talakayin na lamang sa susunod na linggo ang petisyon. Nabatid na si Chief Justice Maria Lourdes Sereno ay bumiyahe para sa isang official mission. Ang petisyon …
Read More »8-anyos nene kritikal sa 16-anyos kalaro
LEGAZPI CITY – Nilalapatan ng lunas sa pagamutan ang isang 8-anyos batang babae makaraan aksidenteng mabaril ng 16-anyos kapitbahay sa Brgy. Pangganiran, Pio Duran, Albay kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Erica Maimot y Pedragosa, nasa kritikal pang kondisyon. Ayon kay Senior Insp. Jonnel Averilla, hepe ng Pio Duran Municipal Police Station, naglalaro ang biktima at ang hindi na pinangalanang menor …
Read More »2 estudyante nagbigti (Clearance ‘di pinirmahan)
CEBU CITY – Nagbigti ang dalawang third year high school students nang hindi pirmahan ng Filipino teacher ang kanilang school clearance. Kinilala ang dalawang biktima na sina Jade at Wendel Manzanares, magpinsan, kapwa 15-anyos at nag-aaral sa Daanbantayan National High School. Ayon kay PO1 Roberto Dapat Jr., ng Daabantayan Police Station, lumabas sa imbestigasyon na nagpakamatay ang dalawa batay sa …
Read More »Mayor ng Makati si Binay pa rin — City Council
INIHAYAG ng Makati City Council kahapon na ang kinilala nilang alkalde ng siyudad ay si Mayor Jejomar ”Jun Jun” Binay. Ito ay para mapawi ang kalituhan sa lungsod dulot nang ipinalabas na TRO ng Court of Appeals (CA) para sa suspension order kay Binay, at ang panunumpa ni Vice Mayor Romulo Peña bilang acting mayor ng lungsod. Kahapon sa pulong balitaan ng mga …
Read More »Misis ini-hostage ni mister sa Pasig
ARESTADO ang isang lalaki makaraan i-hostage ang kanyang misis sa West Bank Road, Brgy. Maybunga sa Pasig City, nitong Martes ng gabi. Dakong 10 p.m. nang i-hostage ng taxi driver na si Michael Elarmo ang kanyang misis na agad din niyang pinakawalan. Ngunit armado ng baril si Elarmo na tumangging lumabas ng kanilang bahay at hindi agad nalapitan ng mga …
Read More »Trader, anak utas sa ambush sa Antipolo
KAPWA patay ang isang negosyante at ang kanyang anak nang tambangan ng dalawang hindi nakilalang lalaki habang palabas ng kanilang bahay lulan ng kanilang sasakyan kahapon ng umaga sa Antipolo City. Kinilala ni Supt. Arthur Masungsong, hepe ng Antipolo City Police, ang mga biktimang sina Richard Sola at Rica Sola, kapwa nakatira sa Sta. Elena Subd., Antipolo City. Sa imbestigasyon …
Read More »P15 umento sa obrero sa Metro (Ipatutupad sa Abril)
TATAAS ng P15 ang arawang sahod ng minimum wage earner sa Metro Manila simula sa Abril. Ito’y makaraan aprubahan ng Regional Tripartite Wage and Productivity Board-National Capital Region (RTWPB-NCR) ang resolusyong nagtataas ng basic minimum wage at nagpapatuloy sa P15 cost of living allowance, na sinimulang ipatupad noong Enero 2014. Ibig sabihin, mula sa kasalukuyang P466 minimum wage kada araw, …
Read More »6th ID chief ‘di nakalusot sa CA dahil sa Fallen 44
BIGO si 6th Infantry Division Philippine Army commander, Major General Edmundo Pangilinan na makompirma sa makapangyarihang Commission on Appointments (CA). Magugunitang isa si Pangilinan sa mga nasisi sa imbestigasyon ng Senado kung bakit naantala ang pagresponde ng militar sa mga naiipit sa labanan na mga miyembro ng Special Action Force (SAF) na ikinamatay ng 44 SAF troopers sa Mamasapano, Maguindanao. …
Read More »Impeachment vs pnoy ‘should prosper’ — sen. Poe (Fallen 44 minasaker)
“HE is ultimately responsible for the Mamasapano mission.” Ito ang naging posisyon ng komite ng Senado kaugnay ng naging partisipasyon ni Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa madugong operasyon sa Mamasapano na ikinamatay ng 44 na miyembro ng (PNP-SAF). Sa press conference nitong Martes ng hapon, iprinesenta ni Senadora Grace Poe, pinuno ng Senate Committee on Public Order and Safety, …
Read More »Sanggol tinangkang ipuslit sa NAIA (Itinago sa backpack)
ITINAGO sa loob ng backpack ang isang 2-buwan gulang sanggol ng Papua New Guinea national na tangkang ipuslit sa NAIA nitong Lunes ng gabi. Kinilala ni Gen. Vicente Guerzon ng Manila International Airport Authority (MIAA) Security and Emergency, ang fo-reigner na si Jenifer Pavolaurea, 25-anyos ina at Nursing graduate. Batay sa inisyal na imbestigasyon, biyaheng Port Moresby si Pavolaurea sa …
Read More »2 patay, 3 sugatan sa sunog sa Kyusi
PATAY ang dalawa katao habang tatlo ang sugatan nang tupukin ng apoy ang 15 kabahayan sa Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City kahapon ng madaling-araw. Sa ulat ni Quezon City Fire Marshall, Sr. Supt. Jesus Fernandez, kinilala ang mga biktimang namatay na sina Michael Perez, 20, at Raymel Santos, 10, kapwa dumanas ng 3rd degree burn sa kanilang katawan. Habang sugatan …
Read More »Nora, Migrante dinedma ng Palasyo
BINALEWALA ng Palasyo ang panawagan ng grupong Migrante at ng superstar na si Nora Aunor na magbitiw na si Pangulong Benigno Aquino III dahil sa pagpapabaya sa kondisyon ng overseas Filipino workers (OFWs) at kabiguan na magpatupad ng mga patakaran na lilikha ng mga trabaho sa bansa. Nag-rally kahapon ang Migrante at si Nora sa Mendiola upang gunitain ang ika-20 …
Read More »Grade 6 pupil pinatay ng kaklase sa gagamba
TACLOBAN CITY – Pinaglalamayan na ang isang menor de edad makaraan patayin ng kanyang kaklase dahil sa away-gagamba sa Sumayaw Treak, Sta. Rita, Samar kamakalawa. Ayon kay SPO2 Alma Advincula ng Marabut Police Station, kapwa Grade 6 pupil ang mga kabataang hindi na pinangalanan at nag-aaral sa isang elementarya sa nasabing lugar. Batay sa report ng pulisya, lumabas ang dalawa …
Read More »