Wednesday , July 17 2024
dead gun

Holdaper natunton sa GPS, utas sa parak

PATAY ang 36-anyos hinihinalang holdaper makaraan matunton ng mga awtoridad ang kinaroroonan sa San Andres Bukid, Maynila sa pamamagitan GPS kamakalawa ng gabi.

Agad binawian ng buhay ang suspek na si Conrado Berona lll, alyas Concon, may asawa, jobless, residente sa Tenorio St., San Andres Bukid.

Sa report na isinumite ni Insp. Dave Abarra, hepe ng MPD-Anti-Crime, kay Supt. Robert Domingo, station commander ng Sta. Ana Police Station 6, nagtungo sa kanilang tanggapan ang dalawang nabiktima ng holdap sa area ng San Andres na sina John Paul Galang, 29, at Micah Dave, 36, natangayan ng iPhone 4s at Cherry Mobile na aabot sa P40,000 ang halaga.

Sa pamamagitan ng GPS (Global Positioning System) sa iPhone 4s ni Galang, natunton ang kinaroronan ng suspek sa Tenorio St., sa isinagawang follow-up operation ng mga pulis.

Bandang 11:40 pm nang mamataan si Berona sa lugar pero nagkaroon ng habulan hanggang pumasok sa loob ng bahay ang suspek sa 2323 Tenorio St., at dito siya sinundan ng mga operatiba.

Habang nakapaikot sila sa bahay ng suspek, tatlong magkakasunod na putok ang umalingawngaw na nanggagaling sa loob ng bahay kaya agad pinasok ng mga awtoridad hanggang makarating sila sa ikatlong palapag at doon niratrat si Berona.

Narekober sa lugar ng insidente ang 9mm, siyam sachet ng shabu at tatlong tooter na gamit sa paghithit ng droga.

( LEONARD BASILIO, may kasamang ulat nina Kimbee Yabut at Joana Cruz )

About Leonard Basilio

Check Also

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

21 Mobile Primary Clinic ipinagkaloob ikinalat sa Gitna at Hilagang Luzon

21 Mobile Primary Clinic ipinagkaloob ikinalat sa Gitna at Hilagang Luzon

IPINADALA ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa pamamagitan ni First Lady Liza Araneta-Marcos ang 21 …

Sa Bataan LOLONG TULAK, 2 GALAMAY TIKLO SA BUYBUST

Sa Bataan
LOLONG TULAK, 2 GALAMAY TIKLO SA BUYBUST

NADAKIP ang isang senior citizen na sangkot sa ilegal na droga at dalawa niyang kasabwat …

Sa Bulacan 7 SUSPEK SA DROGA, 2 KAWATAN TIMBOG

Sa Bulacan
7 SUSPEK SA DROGA, 2 KAWATAN TIMBOG

ARESTADO ang pitong indibidwal na pinaghihinalaang pawang mga sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga, …

shabu drug arrest

Sa crackdown ng PRO3  
4 DAYUHAN, 1 TULAK NASAKOTE SA DROGA

NASUKOL ng mga awtoridad ang limang hinihinalang tulak ng ilegal na droga na kinabibilangan ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *