Thursday , July 25 2024

Drug pusher sa Munti patay sa buy-bust

ISA pang hinihinalaang tulak ng droga na armado ng baril ang napatay makaraan lumaban sa isang pulis sa isinagawang buy-bust operation sa Muntinlupa City kamakalawa ng gabi.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala sa katawan ang suspek na si Jun Vivo, alyas Bangus/Kareem, walang hanapbuhay, at residente sa Balbanero’s Compound, Alabang, Muntinlupa.    Ayon sa pulisya, dakong 11:30 pm nang maganap ang pangyayari sa Balbanero’s Compound, Alabang, nang magsagawa ng operasyon sa naturang lugar ang mga operatiba ng Station Anti-Illegal Drugs-Special Operation Task Group (SAID-SOTG) ng Muntinlupa City police upang madakip si Vivo, isang hinihinalang drug pusher.

Nagpanggap si PO1 Patrick Lambiquit bilang poseur buyer at naka-score kay Vivo ng shabu kapalit ng P300 marked money.

Sa puntong ito, nagpakilala bilang pulis si PO1 Lambiquit per nang aarestohin si Vivo ay nagbunot ng baril at siya ay pinaputukan ngunit hindi tinamaan.

Ayon sa pulisya si Vivo, kilalang drug pusher, ay nasa grupo ni Abraham Maruhom, alyas Tatay Muslim, isang big time drug pusher na napatay noong Marso 3, 2016, sa enkwentro at malubhang ikinasugat ni S/Insp. Peter Aquino, ng Muntinlupa City Police, sa 7C, Sitio Ilaya, Alabang.

( MANNY ALCALA )

About Manny Alcala

Check Also

Bong Revilla Jr Denver Chua Jolo Revilla Cavite

200 + pamilyang biktima ng sunog sa Cavite City dinalaw ni Senator Bong

DINALAW ni Senator Ramon “Bong”Revilla, Jr., ang mahigit sa 200 pamilyang nasunugan sa Brgy. 5 …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Carina ulan baha

Klase suspendido sa Metro Manila at Cavite Province

SUSPENDIDO ang klase sa ilang paaralan sa Metro Manila at lalawigan ng Cavite dahil sa …

072324 Hataw Frontpage

POGO ‘TODAS’ KAY BONGBONG

“EFFECTIVE today all POGOs are banned.”                Inihayag ito ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr., …

Cruise Visa Waiver DOT DOJ Immigration

PH target maging tourist hub of Asia  
CRUISE VISA WAIVER INILUNSAD NG BI DOT, DOJ NAKIISA

PARA higit na palakasin ang turismo sa bansa, inilunsad ng Bureau of Immigration (BI) ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *