Tuesday , July 16 2024
crime scene yellow tape

Lady dentist todas sa 2 holdaper

PATAY ang isang babaeng dentista nang pagbabarilin ng dalawang holdaper na magkaangkas sa motorsiklo, sa loob ng kanyang dental clinic sa Makati City kahapon ng hapon.

Kinilala ni SPO3 Noel Pardinas, imbestigador ng Homicide Section, ang biktimang si Dra. Raquel Magellan, 38, residente sa Taguig City.

Base sa inisyal na ulat ni SPO2 Rico Caramat, pasado 2:00 pm kahapon nang mangyari ang pagholdap sa klinika ng biktima sa 9547 Kalayaan Avenue, Brgy. Guadalupe Nuevo.

Dumating sa klinika ang dalawang suspek na sakay ng isang motorsiklong hindi naplakahan at nagdeklara ng holdap bago pinaputukan nang ilang beses ang dentista.

Iginapos ng mga holdaper ang kamay ng babaeng assistant ng biktima na hindi pinangalanan.

Agad tumakas ang mga suspek patungong C5 makaraang isagawa ang krimen.

Inaalam ng mga awtoridad kung may natangay ang mga suspek gayondin ang pagkakilanlan ng mga salarin.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Marcoleta Miru

Miru Systems’ 18 Billion Peso Contract for Philippine Elections Sparks Major Concerns

Manila, Philippines — On July 9, 2024, Hon. Rodante D. Marcoleta, Party List – SAGIP, …

knife saksak

 ‘Iska’ hinoldap, sinaksak sa UP Diliman

SUGATAN ang isang iskolar ng bayan (ISKA) nang pagsasaksakin ng isa sa tatlong holdaper nang …

071024 Hataw Frontpage

Walang kooperasyon
DPWH SINISI NI CHIZ SA ISYU NG NEW SENATE BUILDING

ni Niño Aclan TAHASANG sinabini Senate President Francis Jospeh “Chiz” Escudero na ang kawalan ng …

Modern Beetle Car Boys Dead

Mag-utol na totoy natagpuang patay sa moderno ngunit abandonadong beetle

PATAY nang matagpuan sa loob ng abandonadong beetle ang magkapatid na batang lalaki na huling …

shabu drug arrest

P.27-M halaga ng shabu kompiskado, most wanted, manunugal, arestado

NAGSAGAWA ng serye ng pinaigting na operasyon ang pulisya sa Bulacan na nagresulta sa pagkakakompiska …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *