Saturday , May 4 2024

2 Taiwanese tiklo sa P1.7-B shabu chemicals (1 pa timbog sa P500-M shabu)

070716 taiwanese shabu arrest
AABOT sa P1.7 bilyon ang halaga ng shabu at kemikal na nakompiska ng mga tauhan ng PDEA-NCR sa isang shabu laboratory sa 21 Philamlife Village, Pamplona 2, Las Piñas City at naaresto ang dalawang Taiwanese national na sina Shih-Ming Thai at Kuo-Chan Cheng. ( ALEX MENDOZA )

SINALAKAY nang pinagsanib na puwersa ng Las Piñas City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang hinihinalang shabu laboratory na nagresulta sa pagkahuli sa dalawang Taiwanese national at nakompiska ang mga kemikal na sangkap sa paggawa ng shabu na nagkakahalaga ng P1.7 bilyon kamakalawa sa Las Piñas City.

Nasa kustodiya na ng mga awtoridad ang dalawang Taiwanese na sina Shih-Ming Thai at Kuo-Chan Cheng, pawang nasa hustong gulang, pansamantalang tumutuloy sa 21 Philam Life Village, Brgy. Pamplona 2 ng siyudad.

Sinabi ni Las Piñas city police chief, S/Supt. Jemar D. Modequillo, nakatanggap sila ng impormasyon kaugnay sa ilegal na gawain ng dalawang banyaga.

Sa bisa nh search warrant na inisyu ni Quezon City Regional Trial Court (RTC) Executive Judge Fernando Sagun, naging matagumpay ang raid dakong 6:30 pm sa pamumuno ni Modequillo at director Wilkins Villanueva.

Nakuha mula sa dalawa ang 99 kilo crystalline granules, 298 kilo ng liquid methamphetamine hydrochloride at iba pang raw materials, na ang kabuuang market value ay tinatayang nasa P1.7 bilyon.

( JAJA GARCIA )

TAIWANESE PA TIMBOG SA P500-M SHABU

ARESTADO ang isa pang Taiwanese national  makaraan makompiskahan ng P500 milyong kemikal sa paggawa ng shabu nitong Martes ng gabi sa Parañaque  City.

Kinilala ang nahuling suspek na si Chun Ming Lin, nasa hustong gulang, tumutuloy sa Unit 10, Executive Village, BF Homes ng naturang lungsod.

Ayon sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Parañaque City Mayor Edwin L. Olivarez, dakong 7:30 p.m. isinagawa ang operasyon sa pamumuno nina Senior Supt. Jose Carumba, Colonel Mario Ramos at Chief Inspector Isagani Calacsan, sa nabanggit na  lugar.

Nakompiska mula sa suspek ang 15 packs ng methampethamine hydrochloride at 24 pirasong balikbayan boxes ng ephedrine powder na nagkakahalaga ng mahigit P500 milyon.

( JAJA GARCIA )

About Jaja Garcia

Check Also

Bulacan Police PNP

Sa Bulacan
MWP, ILLEGAL GUN OWNER, KAWATAN NG MOTOR NASAKOTE

ARESTADO ang tatlong indibiduwal na pawang lumabag sa batas sa sunod-sunod na operasyon na isinagawa …

Bulacan ilog dredging

Limang ilog sa Bulacan bumabaw  
282-M METRO KUBIKONG BURAK AT PUTIK IPAHUHUKAY NA

AABOT sa 282.02 milyong metro kubiko ng burak, putik at basura ang target alisin sa …

shabu drug arrest

2 katao arestado, P.387-M shabu kompiskado

Kampo Heneral Paciano Rizal – Arestado ang dalawang katao kabilang ang isang high value individual …

Arrest Posas Handcuff

Tinakot pa ng baril
MISTER KALABOSO SA PAG-UMBAG NG LIVE-IN PARTNER

SA KULUNGAN bumagsak ang isang ‘matapang’ na mister matapos dakpin ng pulisya dahil sa reklamong …

Vaccine

Banta ng HPV inaagapan libreng bakuna sa mga bata sa public schools inilunsad

INILUNSAD ng PGB, PHO-PH ang magkasanib na inisyatiba para labanan ang mga banta ng HPV …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *