Saturday , December 21 2024

Masonry Layout

Grabeng atake vs Grace-Chiz paghandaan (Poe dumoble ang lamang kina Binay at Mar)

DAPAT nang paghandaan ni Sen. Grace Poe at Sen. Chiz Escudero ang mas marami pang pag-atake sa kanila habang patuloy ang pangunguna sa kabila ng mas maagang pangangampamya ng kanilang mga katunggali – lalo pa ngayong ipinapakita sa mga bagong resulta ng mga survey na nasa “double-digits” na ang kalamangan ni Poe kay Vice President Jejomar Binay at dating Interior …

Read More »

Libel vs Yap et al ibinasura (Dahil sa maling hurisdiksiyon)

IBINASURA ng Manila RTC Branch 55 ang libel case na inihain ni Insp. Rosalino P. Ibay Jr. laban kina Jerry Yap, publisher; Gloria Galuno, managing editor; at Edwin Alcala, circulation manager, pawang ng Hataw tabloid, bunsod ng maling hurisdiksiyon. Ayon sa desisyon ni Judge Josefina E. Siscar, ang offended party na si Ibay Jr. ay public officer na nakatalaga sa …

Read More »

VIP treatment sa Reyes bros imbestigahan – Palasyo (Utos sa DoJ, DILG)

PINAIIMBESTIGAHAN ng Malacañang ang ulat na nagtatamasa ng special treatment ang Reyes brothers sa Puerto Princesa jail. “The DoJ (Department of Justice) and the DILG (Department of Interior and Local Government) are looking into this matter and will take the necessary action, including the possible filing of appropriate cases against those involved,” ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Binigyang …

Read More »

Presscon pinalagan ng Ortega Family

Pumalag ang pamilya Ortega hinggil sa isinagawang press conference ng magkapatid na Joel at Mario Reyes, itinuturong suspek sa pagpatay sa environmentalist at broadscaster na si Gerry Ortega. Kinuwestiyon ng biyuda ni Ortega na si Patty ang isinagawang presscon ng magkapatid dahil ipinagbabawal sa batas ang pagsasagawa ng presscon ng mga suspek. Inirereklamo ni Patty Ortega ang Jail Warden ng …

Read More »

May sukbit na toy gun, senglot binoga sa ulo

PATAY ang isang lalaking lasing na may sukbit na toy gun makaraang barilin sa ulo kamakalawa ng gabi sa Port Area, Maynila. Agad binawian ng buhay sa insidente ang biktimang si Vicente Morga, alyas Bay, nasa 30-35 anyos; tubong Leyte, at naninirahan sa Blk. 6, Baseco Compound, Port Area, dahil sa tama ng bala sa ulo. Habang walang nakuhang impormasyon …

Read More »

‘Jenny’ signal no. 1 sa Batanes

ITINAAS na ang Batanes group of islands sa signal number one habang lumalayo ang Bagyong “Jenny” sa bansa, ayon sa weather bureau PAGASA kahapon. Sinabi ni PAGASA weather forecaster Manny Mendoza, bahagyang lumakas ang bagyo, taglay ang lakas ng hangin na 160 kilometers per hour (kph) malapit sa sentro at pagbusong aabot sa 195 kph. Huling namataan ag bagyo sa …

Read More »

Tulak arestado, 29 sachet ng shabu kompiskado

LAOAG CITY – Nakompiska ng mga pulis sa lungsod ng Laoag ang 29 sachet ng shabu sa isinagawa nilang search operation sa isang bahay sa Brgy. 9 ng nasabing lungsod kamakalawa. Kinilala ang may-ari ng bahay at subject ng operasyon na si Warren Agpaoa, may asawa, at residente sa naturang barangay. Ayon kay Senior Insp. Danilo Pola ng PNP Laoag, …

Read More »

Kelot sinaksak ng tagahanga ng siyota

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan pagsasaksakin ng lalaking tagahanga ng kanyang girlfriend kamakalawa ng gabi sa Malabon City. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang si Jonathan Hernandez, 27, ng 45 Camus St., Brgy. San Agustin ng nasabing lungsod. Habang tinutugis ng mga awtoridad ang suspek na kinilala lamang sa alyas na Cookie, ng Mallari St. …

Read More »

Regine at the Theater concert, handog ng Asia’s Songbird sa fans at loyal PLDT Home subscribers

ISA kami sa nasiyahan dahil finally ay muling mapapanood at maririnig ang magandang tinig ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez-Alcasid sa isang concert, ang Regine at the Theater, sa November 6, 7, 20, at 21 sa The Theater, Solaire. Kahit si Regine ay masaya sa panunumbalik ng kanyang boses dahil matagal-tagal ding hindi niya ito nagamit. “Now, I’m feeling …

Read More »

Pulis, jail official itinumba ng riding in tandem sa CAMANAVA (Sa loob ng 4 oras)

PATAY ang isang pulis at jail official makaraang pagbabarilin ng riding in tandem sa magkahiwalay na insidente sa Caloocan at Navotas city kahapon. Sabog ang ulo ng isang aktibong pulis na si SPO3 Rodrigo Antonio, nasa hustong gulang, residente sa Pangako St., Brgy. 149, Bagong Barrio ng nasabing lungsod, tinamaan ng bala ng kalibre .40 sa ulo at katawan makaraang pagbabarilin …

Read More »

Lumad Killings ayaw ipaurirat ni PNoy sa UN Special Rapporteurs

HUWAG kayong manghimasok sa isyu ng Lumad killings. Ito ang buwelta ng Palasyo pahayag ng dalawang United Nations special rapporteurs na humihimok sa administrasyong Aquino na imbestigahan ang mga insidente nang pagpatay sa human rights activists at Lumad sa Mindanao. “The PHL needs to undertake its own internal processes to look into the incident in Surigao. It is best to …

Read More »

DOJ bubuo ng probe team sa Lumad Killings

BUBUO ng special investigation team ang Department of Justice (DoJ) para siyasatin ang pagpatay at pangha-harass sa mga katutubong Lumad sa Mindanao.  Ayon kay Justice Secretary Leila De Lima, nagpadala na ng direktiba ang tanggapan ng Executive Secretary sa DoJ para maimbestigahan agad ang isyung ito. Paliwanag ni De Lima, masalimuot ang naturang isyu na may kaugnayan sa kalagayang lokal. …

Read More »

Bugaw na bebot niratrat sa hagdan ng Int’l Cabaret

PATAY ang isang bugaw ng mga babaeng nagbebenta ng aliw makaraang pagbabarilin ng hindi nakilalang lalaki habang pababa ng hagdan kahapon ng umaga sa Caloocan City. Binawian ng buhay sa pinangyarihan ng insidente ang biktimang si alyas Ledy, nasa 25-30-anyos, patuloy pang inaalam kung ano ang tunay na pangalan at kung tagasaan, tinamaan ng bala ng hindi nabatid na kalibre …

Read More »

Pakistani national tiklo sa buy-bust

NADAKIP ng pinagsanib puwersa ng Parañaque City Police at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Pakistani sa buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Paranaque City. Kinilala ni Senior Supt. Ariel Andrade, hepe ng Paranaque City Police, ang naarestong suspect na si Muhammad Norman, 38, naninirahan sa no.  221 Aguirre Avenue, Phase II, BF Homes, Parañaque City.  Base sa isinumiteng report nina …

Read More »

P5-M shabu, baril kompiskado sa Sariaya OPS

NAGA CITY – Aabot sa mahigit P5 milyong halaga ng shabu at iba’t ibang uri ng baril at bala ang nakompiska sa tatlong lalaki sa operasyon ng mga pulis sa Brgy. GuisGuis Talon, Sariaya, Quezon kamakalawa. Kinilala ang mga suspek na sina Reysol Paderon, Roderick Remo, 42-anyos, at Francia Concepcion, 24-anyos. Ayon sa ulat, naaktohang sumisinghot ng shabu ang mga …

Read More »

Mar nahabol na si Poe at VP

LALONG uminit ang karerang pampanguluhan sa bagong resulta ng pre-election survey ng Social Weather Stations o SWS. Sa survey na pinondohan ng pahayagang Business World na sumakop ng 1,200 respondents na ginanap nitong Setyembre 2 –  Setyembre 6, tinanong ang mga na-survey kung sino ang iboboto nila para maging pangulo kung sakaling araw na ng halalan. Pinapili ang mga respondent …

Read More »

Diskresyon sa BI Express Lane Fund tinanggal kay Mison (Senado nagdesisyon)

WALA nang karapatan si Bureau of Immigration (BI) Commissioner Siegfred Mison na pagpasyahan kung saan gagastusin o ilalaan ang bilyon-bilyong pisong nakokolekta mula sa Express Lane dahil ipapasok na ito sa National Treasury bilang revenue ng pamahalaan.  Ayon kina Senadora Loren Legarda, Chairman ng Senate Committee on Finance at Senate President Franklin Drilon dapat nang wakasan ang abusadong pagwawaldas o …

Read More »

Smartmatic machines pinuri ni US Pres. Obama

MAGING si US President Barack Obama ay may tiwala sa Smartmatic machines. Ito ang tahasang sinabi ni Smartmatic President Cesar Flores sa isang media forum para idepensa ang kredibilad ng mga PCOS machine. Ayon kay Flores, maging ang boto na kanyang isinagawa gamit ang Smartmatic machines ay kompiyansa si Obama na mayroong sapat na kakayahan upang mabilang nang tama ang …

Read More »

School district supervisor utas sa ratrat

Patay ang isang district supervisor ng paaralan sa Brgy. Tambak, Bayambang, Pangasinan makaraang pagbabarilin ng riding in tandem kahapon ng umaga. Ayon kay Senior Supt. Bingo de Asis ng Pangasinan-PNP, district supervisor ng Bayambang St. Francis School ang biktimang si Henry Dela Cruz. Patuloy ang pagtugis ng mga awtoridad sa mga suspek habang inaalam ng pulisya ang posibleng motibo sa …

Read More »

Pagpaslang sa Lumad talamak sa Mindanao (Bunyag ni TG)

IBINUNYAG ni Senador Teofisto Guingona III, laganap na sa Mindanao ang pagpatay ng para- military forces sa mga katutubo. Bukod sa Surigao del Sur, ibinulgar ni Guingona na nangyayari na rin ang pagpatay sa mga Lumad sa Davao del Norte, Cotabato, Bukidnon. Nagbabala si Guingona, chairman ng Senate Committee on Peace Unification and Reconciliation na kung hindi pa ito aaksyonan …

Read More »

No VIP treatment sa Reyes bros (Tiniyak ni De Lima)

TINIYAK ni Justice Seretary Leila de Lima sa pamilya Ortega na walang special treatment na ibibigay kay dating Palawan Governor Joel Reyes at kapatid na si dating Coron Mayor Mario Reyes. Sinabi ni de Lima, darating sa bansa ang Reyes brothers na nakaposas. Ang magkapatid na Reyes ay suspek sa pagpaslang sa environmentalist at broadcaster na si Dr. Gerry Ortega. …

Read More »

NPA itinuro sa kidnapping ng 3 turista, Pinay sa Samal Is.

DAVAO CITY – Inaalam ng mga awtoridad kung kagagawan ng New People’s Army (NPA) ang pagdukot sa tatlong dayuhan at isang Filipina dakong 11:30 p.m. sa Yatch Club sa Holiday Ocean View Park sa Camudmud, Island Garden City of Samal. Ito’y makaraang maka-recover ng sulat kahapon dakong 4 a.m. ang security guard na si Alfie Monoy sa bahagi ng gate, …

Read More »

Singson kalaban ninyo ‘di kami — Sekyu ni Chavit (Sinabi sa Vargas couple bago napatay)

ITO ang pahayag ng isang security guard na kinilalang si Rogelio Mariano alyas Kamatis, sinasabing tauhan ni dating Ilocos Sur governor Luis “Chavit” Singson, sa uploaded video sa YouTube, na kuha bago ang naganap na extra-judicial killing nitong Sabado sa mag-asawang sina Roger at Lucila Vargas, kapwa lider-magsasaka ng San Jose Del Monte, Bulacan. “It is obvious that the security …

Read More »

Bautista sa Comelec, Sarmiento sa DILG lusot sa CA

PINAGTIBAY ng Commission on Appointments (CA) ang nominasyon nina Interior Secretary Mel Senen Sarmiento at Commission on Elections Chairman Andres Bautista. Ito ay makaraang irekomenda ng dalawang committee ng CA ang pagpapatibay ng nominasyon nina Sarmiento at Bautista. Walang kahirap-hirap na pumasa si Samiento sa CA at 15 minuto lamang ang itinagal sa pagdinig, ngunit si Bautista ay kinailangan pa …

Read More »