Sunday , February 25 2024
road accident

Driver napuruhan sa salpukan ng motorsiklo at pedestrian

LEGAZPI CITY – Nagpapagaling na ang biktimang nabangga ng motorsiklo habang hindi pinalad na makaligtas ang driver ng nasabing sasakyan makaraan ang insidente sa bayan ng Daraga kamakalawa.

Ayon sa ulat ng pulisya, binabaybay ng driver ng motorsiklo na si Eric Nuñez, residente ng P4, Brgy. Bañadero, Daraga ang kahabaan ng Purok 1 Bonga, galing sa Brgy. Matanag nang mabangga niya ang biktimang naglalakad sa kanang bahagi ng kalsada.

Sa lakas ng impact, parehong bagsak sa kalsada ang driver ng motorsiklo at pedestrian na si Alejandro Baytan, 57, na agad itinakbo sa ospital.

Ayon kay Chief Insp. Arthur Gomez, tagapagsalita ng Albay PPO, tumama sa sementadong parte ng kalsada ang ulo ni Nuñez at idineklarang dead on arrival.

Samantala, himalang nagalusan at napilay lamang si Baytan.

Nabatid na walang suot na helmet ang driver nang mangyari ang insidente.

About hataw tabloid

Check Also

Vape Smoke

Vape company ipinasasara ng Kamara

NANAWAGAN ang Kamara de Representantes sa Securities and Exchange Commission (SEC),  sa Department of Trade …

Valenzuela city magtatayo ng command center Nagbigay pa ng 2 swat van

Nagbigay pa ng 2 swat van
Valenzuela City magtatayo ng command center 

BILANG bahagi ng pagdiriwang ng ika-26th Charter Day ng Valenzuela, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang …

shabu drug arrest

2 tulak, nalambat sa buy-bust

DALAWANG tulak ng ilegal na droga ang nalambat makaraang kumagat ang mga ito sa isinagawang …

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril 10 pa law violators dinakma

Kelot kinalawit sa pag-iingat ng baril; 10 pa law violators dinakma

ISANG lalaki na nag-iingat ng iligal at hindi lisensiyadong baril ang inaresto ng pulisya kabilang …

San Pedro Apostol Simbahan bumagsak

Balcony bumagsak habang pari at lay ministers nagpapahid ng abo sa noo ng mga deboto
80-ANYOS LOLA PATAY SA INAANAY NA PALAPAG NG SAN PEDRO APOSTOL

ni MICKA BAUTISTA at ng HATAW News TEAM HINDI nakaligtassa kamatayanang isang 80-anyos lolang deboto …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *