KOMBINSIDO si Labor Sec. Silvestre Bello III, malaki ang posibilidad na makamit ng gobyerno ang “zero endo” at “zero illegal contractualization” bago matapos ang 2017. Sa press briefing sa Malacañang, sinabi ni Sec. Bello, target ng kanyang ahensiya na matuldukan na ang “endo” o end of contract scheme at contractualization sa susunod na taon alinsunod sa direktiba ni Pangulong Rodrigo …
Read More »Masonry Layout
No Pinoy casualty sa Japan quake
PATULOY ang pag-monitor ng Department of Foreign Affairs (DFA) sa kalagayan ng mga Filipino sa Japan makaraan tamaan nang malakas na lindol kahapon ng madaling araw. Ayon kay DFA spokesman Assistant Secretary Charles Jose, wala silang natatanggap na impormasyon na may Filipino na nasaktan sa nasabing pagyanig. Una rito, sinabi ng Japan Meteorological Agency, umabot sa 7.4 magnitude ang lindol …
Read More »Tulak ng shabu tigok sa motel
PATAY ang isang lalaking suspek sa pagtutulak ng shabu makaraan lumaban sa mga awtoridad sa buy-bust operation sa isang motel sa Brgy. Lolomboy, Bocaue, Bulacan kahapon. Kinilala ang napatay na si Roy Sarecon alyas Roy, nasa hustong edad, residente sa Brgy. Biñang First sa nasabing bayan. Sa inisyal na ulat ng pulisya, isang magandang babae ang nagpanggap na buyer ngunit …
Read More »Drug lord sa Iloilo nagbigti
ILOILO CITY – Kombinsido ang pamilya nang inaakusahang drug lord sa Iloilo na si Rasty Jablo, walang foul play sa pagpapatiwakal ng suspek sa loob ng selda ng San Isidro Police Station sa Lungsod ng General Santos kahapon ng umaga. Ayon sa kanyang hipag na si Mercy Susbilla, nagpahiwatig si Rusty nang pagpapakamatay nang dinalaw ng kanyang misis na si …
Read More »5 sangkot sa droga timbog sa buy-bust
LIMANG hinihinalang drug pusher ang naaresto ng mga awtoridad sa buy-bust operation sa Valenzuela City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni Valenzuela City Police chief, Senior Supt. Ronaldo Mendoza ang suspek na sina Elmer Ramos, 53; Jonathan Dimacali, 42; Jorge Saturia, Jr., 35; Gemma Garcia, 46, at Ana Tobillo, 47-anyos. Ikinasa ng mga tauhan ng PCP-2 ang buy-bust operation dakong …
Read More »4 drug suspects utas sa Maynila
APAT hinihinalang sangkot sa droga ang natagpuang patay sa magkakahiwalay na lugar sa Maynila. Dakong 9:45 pm kamakalawa nang matagpuan ang isang hindi nakilalang lalaking tinatayang 30 hanggang 35-anyos, na may tama ng bala sa ulo. Habang dakong 11:10 am nang mamatay si Medy Idao Damian , 25, nang pagbabarilin ng apat lalaking nakamaskara habang nakikipag-inoman sa C2 Capulong, Tondo. …
Read More »2 pusher, 3 user laglag sa drug bust
ARESTADO ng mga awtoridad ang dalawang hi-nihinalang drug pusher at tatlong drug user sa buy-bust operation kamakalawa ng gabi sa Mexico, Pampanga. Ayon kay Chief Insp. Warly Bitog, team leader ng RAID-SOTG, kinilala ang mga nadakip na sina Yusop Tomawis y Bambao, 27; Naim Masid y Soltan, 19; hinihinalang supplier ng shabu sa Pampanga, at ang hinihinang drug user na …
Read More »2 senators ididiin ni Kerwin sa drug trade
DALAWANG incumbent senator ang maaaring pangalanan ni Kerwin Espinosa sa kanyang pagharap sa Senate inquiry, kung matatalakay na ang payola list ng kanilang pamilya. Ayon kay Whistleblowers Association president Sandra Cam, nabanggit ni Kerwin sa kanya ang magiging testimonya noong nasa Abu Dhabi sila. Tumanggi si Cam na isapubliko ang pangalan ng dalawang senador dahil mas mainam aniya na tingnan …
Read More »BIR director patay sa ambush, driver sugatan
PATAY agad ang isang regional director ng Bureau of Internal Revenue (BIR) habang sugatan ang kanyang driver nang tambangan ng riding-in-tandem ang kanilang sasakyan sa Proj 4, Brgy. Escopa, Quezon City kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD director, Sr. Supt. Guiler Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang biktimang si Jonas Amora, 55, BIR Leyte Region …
Read More »Putin, Xi BFF na ni Digong
LIMA,Peru – IPINAGMALAKI ni Pangulong Rodrigo Duterte, napakainit nang pagharap sa kanya ni Russian President Vladimir Putin at apat beses na ipinaalala sa kanya ang paanyayang bumisita siya sa Russia. Sa press conference sa Melia Hotel, sinabi ng Pangulo, parang matagal na silang magkaibigan nina Putin at ni Chinese President Xi Jin Ping at naramdaman niya ito sa pagtapik sa …
Read More »Duterte, Putin nagbahagi ng sentimyento kontra US
LIMA,Peru – NAUUNAWAAN ni Russian President Vladimir Putin ang mga sentimyento ni Pangulong Rodrigo Duterte laban sa Estados Unidos. Sinabi ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., sa press conference sa Malia Hotel, inihayag ni Putin, pareho sila ni Duterte sa paglalagom sa karakter ng Amerika. “We share your sentiments. Our assessments coincide in many respects,” tugon aniya ni Putin …
Read More »Jet lag sinisi ni Duterte sa pagliban sa gala dinner
LIMA,Peru – PINUYAT ng jet lag si Pangulong Rodrigo Duterte kaya hindi nakadalo sa gala dinner ng APEC leaders kamakalawa ng gabi, at sa retreat at ‘family photo’ nila sa pagtatapos ng summit kahapon. Sa press conference sa Melia Hotel kagabi bago bumalik sa bansa, sinabi ng Pangulo, inatasan niya si Foreign Affairs Secretary Perfecto Yasay Jr., na maging kinatawan …
Read More »Digong sa ERC officials: Resign all
LIMA, Peru – PINAGBIBITIW ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng Energy Regulatory Commission (ERC) makaraan ang report ng korupsiyon sa naturang ahensiya. Kasunod ito ng ulat na nagpakamatay ang chairman ng Bids and Awards Committee, Francisco Villa Jr., dahil sa sinasabing panggigi-pit ng kanyang superiors na lumagda sa maano-malyang kontrata. “I am demanding that they all resign. If …
Read More »Paghukay sa labi ni FM inalmahan sa Kamara
INALMAHAN ni Deputy Speaker at Ilocos Norte Rep. Eric Singson ang hi-ling sa Supreme Court na ipahukay ang labi ni da-ting Pangulong Marcos sa Libingan ng mga Bayani. Para kay Singson, hindi katanggap-tanggap ang “motion for exhumation” ng grupo ni Albay Rep. Edcel Lagman at tiwala siyang hindi ito papaboran ng Korte Suprema. Banat ng mambabatas, kahit sino ay hindi …
Read More »Magtiyahin arestado sa P110-M shabu
KINOMPIRMA ni PNP chief, Director General Ronald dela Rosa ang nakompiskang 22 kilo ng shabu, tinatayang P110 milyon ang halaga, sa Guadalupe, Makati City kahapon, hinihinalang may koneksiyon sa illegal drug trade sa loob ng New Bilibid Prison (NBP). Arestado ang dalawang drug suspek na sina Maria Rosario Echaluce at Angelo Echaluce, magtiyahin at pawang mga residente sa Bilibiran, Binangonan, …
Read More »Neneng Gr. IV nabuwalan ng slide sa playground
BACOLOD CITY – Patay ang isang Grade 4 pupil makaraan madaganan ng slide sa playground sa public plaza ng Hima-maylan City, Negros Occidental kamakalawa. Kinompirma ni Himamaylan City deputy chief of police, Insp. Reymundo Franco, nagkayayaan ang biktimang si Krisshia Mae Lipania, 10, grade 4 pupil sa Himamaylan City Central School, at mga kaibigan na maglaro sa playground sa liwasan …
Read More »Plastic bawal na sa Caloocan
INIUTOS ni Mayor Oscar “Oca” Malapitan ang mahigipit na pagpapatupad ng City Environmental Management Office ang Panlungsod na Ordinansa 0503 ng taon 2013, na ipinagbabawal ang paggamit ng plastic bags sa mga tindahan sa buong Caloocan Bilang pagtalima kay Malapitan, hinihikayat ni Engr. Gilberto Bernardo, hepe ng CEMO, iwasan gumamit ng plastic bags lalo ang maliliit na tindahan. Nabigyan na …
Read More »Walang krisis o hoarding ng sibuyas — Agriculture
“WALANG katotohanan ang ibinibintang na pagtatago ng sibuyas sa mga imbakan. Maayos ang mga magtatanim ng sibuyas ng Nueva Ecija. Walang katotohanan ang sinasabing krisis sa sibuyas.” Ito angreaksyon ni Serafin Santos, ang hepe ng Office of Provincial Agriculture hinggil sa napabalitang hording ng sibuyas sa pro-binsya. Ayon kay Santos, noong Agosto 2016 ay naubos na ang produkto ng mga …
Read More »Scarborough Shoal idedeklarang marine protected area
LIMA, Peru – IDEDEKLARA ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang marine protected area ang Scarborough o Panatag Shoal sa Zambales. Inihayag ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., ipinabatid ni Duterte kay Chinese President Xi Jinping ang paglalabas ng isang executive order na magtatakda sa lagoon ng Scarborough Shoal bilang marine protected area alinsunod sa nakasaad sa Republic Act 7586 o …
Read More »Subpoena inisyu na ng DoJ vs De Lima
PINAHAHARAP ng Department of Justice (DoJ) sa 2 Disyembre sa preliminary investigation ng five-man panel of prosecutors si Sen. Leila de Lima para sa isyu ng illegal drug trade sa New Bilibid Prisons (NBP). Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre, nailabas na ng panel ang subpoena kahapon at inihatid na sa tanggapan ni De Lima sa Senado. Haharapin ng mambabatas …
Read More »Computer technician tinodas sa harap ng pamilya
PATAY ang isang 40-anyos computer technician makaraan pagbabarilin sa harap mismo ng kanyang pa-milya ng dalawang hinihinalang mga miyembro ng vigilante group sa Caloocan City kahapon ng madaling araw. Agad binawian ng buhay si Jomari Gomo ng Phase 9, Package 9, Block 108, Excess Lot, Brgy. 176, Bagong Silang, sanhi ng mga tama ng bala sa ulo at katawan. Ayon …
Read More »Drug user utas sa pulis
BINAWIAN ng buhay ang isang 25-anyos hinihinalang adik sa droga makaraan makipagpalitan ng putok nang sitahin ng mga pulis sa anti-criminality campaign ng MPD PS-2 sa Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang biktimang hindi na umabot nang buhay sa Gat Andres Bonifacio Hospital, na si Dexter Mendano, ng Gate 54, Area C, Parola Compound, Binondo. Ayon sa imbestigayson ni PO3 Jorlan …
Read More »Tomboy 1 pa itinumba sa droga
PATAY ang dalawa katao, kabilang ang isang tomboy, hinihinalang sangkot sa droga, makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Tondo, Maynila kahapon. Kinilala ang mga biktimang sina Jesus Sabado, 30, pedicab driver, at Realyn Bigalan, 25, basurero, kapwa ng Tondo. Habang tinutugis ng pulisya ang suspek na si Joshua Babar, nasa hustong gulang, at isa pang hindi nakilalang lalaki, mabilis na …
Read More »Kumpisal ni Kerwin bomba – Pacman
AMINADO ni Sen. Manny Pacquiao, kombinsido siyang totoo ang mga pagsisiwalat sa kanya ng binansagang Eastern Visayas drug lord na si Kerwin Espinosa. Kasunod ito nang kahilingan ni Espinosa na makausap si Pacquiao bago siya humarap sa Senate inquiry sa Miyerkoles. Bagama’t tumanggi muna si Pacman na isapubliko ang bawat detalye ng kanilang napag-usapan, tiyak niyang marami ang magugulat. Ngunit …
Read More »Panggigipit ng US sa PH isinumbong ni Digong kay Putin (APEC gala dinner ‘di sinipot ni Digong)
LIMA, Peru – ISINUMBONG ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Russian President Vladimir Putin ang agrabyadong kalagayan ng Filipinas sa pakikipag-ugnayan sa Amerika at pagkaladkad sa Filipinas sa mga inilunsad na digmaan ni Uncle Sam sa ibang mga bansa. Hindi naikubli ang kagalakan ni Duterte sa unang paghaharap nila ni Putin na itinuturing niyang idolo at kakampi sa bilateral meeting nila …
Read More »