Thursday , June 4 2026
Rodrigo Dutete Bong Go
Rodrigo Dutete Bong Go

Duterte tanging pangulo na kumausap sa kaliwa

MALAKI ang tiwala ni Pangulong Rodrigo Du­ter­te sa New People’s Army (NPA) noon pa man kaya kahit walang armas at bodyguard ay nagpu­punta siya sa mga kuta ng rebelde upang maki­pag-usap sa kanila.

Ito ang pagbabalik-tanaw ni Special Assist­ant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go sa harap ng mga rebelde na ipinagkatiwala sa kanya ang isang pulis na pina­laya matapos biha­gin sa nakalipas na pitong bu­wan.

“Ibig sabihin, malaki po ang tiwala n’ya sa inyo (NPA), kasi po kahit dalawa lang kami, walang security, walang baril o ano pa man, ay ipinag­katiwala n’ya ang buhay n’ya sa inyo,” ani Go sa mga rebelde sa North Cotabato.

Nanawagan si Go na suportahan ng NPA si Duterte dahil may sinse­ridad ang Punong Eheku­tibo at walang ibang magiging pangulo ang bansa na makakausap at madaling lapitan ng mga rebelde gaya ng dating Davao City mayor.

“Pinili n’yo siya bilang lider, suportahan natin s’ya kasi alam ko po very sincere s’ya. Wala naman ibang magiging pangulo na makakausap mo at madali n’yong abutin,” aniya.

Hindi na mabilang ang mga bihag na pulis at sundalo ng NPA ang nai-turnover ng mga rebelde kay Duterte mula nang alkalde pa siya ng Davao hanggang naging Pangulo na ng bansa.

Bilang patunay ni Go sa paghahangad ni Duter­te na umiral ang kapa­yapaan sa bansa, ang paglagda ng Pangulo sa Bangsamoro Organic Law.

Nagtungo noong Biyernes si Go sa Sitio Apog-Apog, Barangay Panaka, Magpet para sunduin si police Ins­pector Menardo Cui, naging prisoner of war (POW) noong Disyembre 2017.

Nangako si Go na sasabihin sa Pangulo ang pagnanais ng grupong Exodus for Justice and Peace na ituloy ang  peace talks sa  rebeldeng komunista.

(ROSE NOVENARIO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rose Novenario

Check Also

Sibuyas Onions

₱35.4-M puslit na sibuyas nakompiska sa Nueva Ecija masterminds tinutugis

LABIS sa ₱35.4 milyong halaga ng pinaghihinalaang puslit na sibuyas ang nakompiska sa isang cold …

Arrest Shabu

13-anyos arestado sa P6.8-M shabu

MULING nakasamsam ng P6.8 milyong halaga ng shabu mula sa isang lalaking menor de edad …

Lightning Kidlat Boat Sea

Mag-utol na baby, 2 pa tinamaan ng kidlat, pawang sugatan

INOOBSERBAHAN at ginagamot ang mga paso at sugat ng apat katao na magkakaanak kasama ang …

Guho 9-storey bldg sa Balibago, Angeles City, Pampanga

Sa Angeles City
PATAY 20 NA SA GUMUHONG 9-STOREY BLDG

KOMPIRMADONG 20 katao na ang namatay nang pito pang bangkay ang narekober sa gumuhong 9-palapag …

Knife Blood

Mag-asawang senior citizen patay sa anak na may mental health condition

PINAGSASAKSAK hanggang mapatay ng isang 46-anyos lalaki na may kondisyon sa pag-iisip ang kaniyang mga …