Monday , June 16 2025

Nasa panig ako ng katotohanan — Vice Mayor Umali

NANAWAGAN ang kam­po ni Vice Mayor Emmanuel Antonio Umali sa mga tagasu­porta at mga kalalawigan sa Nueva Ecija na ‘wag magpadadala sa mga paninira sa kanyang pa­milya at manatiling kal­mado sa kabila ng kali­wa’t kanang pamo­mo­litika ng mga kalaban nila sa politika.

Mahinahong tinang­gap ni Umali ang utos ng Department of the Interior and Local Government (DILG) noong 4 Hulyo 2018 na bumaba sa puwesto habang dinidinig ang kanyang motion for reconsideration sa Office of the Ombudsman.

Nag-ugat ang kaso sa bintang ng mga kalaban sa politika ng mga Umali na ini-repack ang relief goods ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at ginamit umano nila sa pamomolitika noong 2016 elections.

“Malinaw naman po ang motibo ng gina­gawang pamomolitika sa atin, sa aking kapatid na si governor Oyie (Umali) at sa ating butihing go­bernadora Cherry (Umali). Ang pamilya Umali, higit sa disiplina at malasakit sa tao – kami ay naninindigan para sa totoong pagbabago at pagpapabuti sa kabu­hayan ng mga minamahal naming Novo Ecijano,” wika ng bise alkalde.

Binigyang-diin din ni Umali, sa loob nang mahigit isang dekadang serbisyo ng “Tatak Umali,” iginiit niya na marami na ang nabago sa buhay at kabuhayan ng mga taga-Nueva Ecija, lalo sa pagpapalakas ng basic social services, matinong pamamahala, matalinong serbisyo-publiko at makataong adbokasiya na sinimulan ng kanyang nakatatan­dang kapatid na si 3-termer governor Atty. Aurelio “Oyie” Umali.

“Ang Tatak Umali po ang naging simbolo ng malaking pagbabago sa ating lalawigan. Tayo po ang bumasag sa dinas­tiya ng makalumang poli­tika sa ating lalawigan. Tayo po ang naging ins­trumento para muling mangarap at umahon sa hirap ang ating mga kalalawigan. Hindi po natin hahayaan na sirain lamang ito ng mga nagha­hangad na ibalik ang madilim na liderato sa ating probinsiya,” giit ni Umali.

Kinondena rin ng bise alkalde ang ikinakalat na ‘fake’ reversal decision ng mga kalaban nila sa politika para maibalik siya bilang pinuno ng kon­seho ng pamahalaang panlungsod ng Cabana­tuan City.

Tiwala si Umali na anomang oras ay magla­labas ng reversal order ang Office of the Ombuds­man para malinis ang kanilang pangalan sa eskandalong gawa-gawa lamang ng mga kalaban nila sa politka.

“Ako’y naniniwala na darating ang oras ‘the truth will set us free.’ Hindi ako nagmamadali na makabalik sa puwesto dahil nasa panig tayo ng katotohanan. Kung ano­man ang mga gina­ga­wang paninikil sa atin nga­yon ng mga kalaban natin, magsisilbi itong lakas at inspirasyon para patatagin pa ang mala­sakit at totoong pagse­serbisyo sa ating mga kalalawigan,” anang bise alkalde.

Sa ilalim ng programa at proyekto ng mga Umali, prayoridad ng provincial government sa ilalim ng liderato ni Gov. Cherry kaagapay ang esposong si ex-governor Atty. Oyie na mabigyan ng tapat na serbisyo ang bawat Novo Ecijano.

ni RAMON ESTABAYA

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ramon Estabaya

Check Also

Nicolas Torre III

PNP Chief Torre sa mga pulis:
Serbisyong may malasakit pairalin

MAGSERBISYO nang may malasakit.                Mahigpit itong ipinaalala ni Philippine National Police (PNP) chief Police …

Comelec Elections

Suspensiyon ng voter registration para sa BSKE posible — Comelec

POSIBLENG hindi matuloy ang nakatakdang voter registration na mag-uumpisa sa 1 Hulyo 2025 bilang paghahanda …

Tanso Copper Cable Wire

Sa Caloocan City
5 kelot, 1 menor de edad huli sa P.2-M ninakaw na kable

NASAKOTE ng Caloocan City Police ang limang lalaki, kabilang ang isang menor de edad sa …

Arrest Shabu

Tulak arestado sa P6.8-M shabu

DINAKIP ang isang lalaking itinuturing na big time tulak matapos kumagat sa buybust ng mga …

061325 Hataw Frontpage

Impeachment trial vs VP Sara ongoing, alive & kicking — Risa

HATAW News Team HINDI ‘dead on arrival’ kundi nanatiling buhay, ongoing, alive and kicking ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *