Monday , December 23 2024

Masonry Layout

No special treatment kay De Lima — Rep. Castro

KOMPIYANSA si House Deputy Speaker Fredenil Castro, hindi mabibigyan ng special treatment si Sen. Leila de Lima, sakaling matuloy ang pag-aresto sa senadora. Pahayag ito ni Castro makaraan ma-raffle ang tatlong kasong kriminal na isinampa ng Department of Justice (DoJ), laban kay De Lima kaugnay sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison. Binigyang diin ng kongresista, ang batas sa …

Read More »

4 pulis patay, 3 kritikal, suspek utas (Nagsilbi ng arrest warrant)

dead gun police

BAGUIO CITY – Patay ang apat miyembro ng Kalinga Provincial Public Safety Company, habang kritikal ang tatlong iba pa, nang lumaban ang suspek na sisilbihan nila ng warrant of arrest sa Lubnac, Lubuagan, Kalinga, kamakalawa. Ayon kay S/Supt. Brent Madjaco, provincial director ng Kalinga Police, kabilang sa mga namatay sina PO3 Cruzaldo Lawagan, PO2 Jovenal Aguinaldo, PO1 Charles Compas, at …

Read More »

Sundalo patay sa ambush sa Maguindanao

dead gun

COTABATO CITY – Patay ang isang sundalo sa pananambang ng hinihinalang liquidation squad ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF), sa probinsya ng Maguindanao, kamakalawa. Kinilala ang biktimang si Sgt. Zaldy Caliman, kasapi ng 57th Infantry Battalion Philippine Army. Ayon kay Maguindanao police provincial director, S/Supt. Agustin Tello, lulan ang biktima ng kanyang motorsiklo, kasama ang kanyang anak at asawa mula …

Read More »

Psychopathic serial killer, mass murderer (Bansag kay Duterte ni De Lima)

TINAWAG na psychopathic serial killer ni Senadora Leila de Lima si Pangulong Rodrigo Duterte, ito ay kasunod nang paglutang ni dating Davao Death Squad chief, Arturo Lascañas para ilantad ang kanyang panibagong rebelasyon nang patayan sa ilang personalidad sa Davao. Ayon kay De Lima, bukod dito maituturing ding isang mass murderer ang Pangulo makaraan ang pag-amin ni Lascañas. Bunsod nito, …

Read More »

EJK hearing pinabubuksan sa senado

NAIS ng ilang mga senador na muling buksan ng Senado ang imbestigasyon sa extra judicial killings (EJK), ito ay kasunod nang paglutang ng dating lider ng Davao Death squad, na si SPO3 Arturo Lascañas, at binawi ang kanyang mga naunang pahayag sa Senado. Ayon kina Senadora Grace Poe, Leila de Lima, at Senador Bam Aquino, ito ang tamang panahon para …

Read More »

Rape suspect timbog sa parak

prison rape

CAMP OLIVAS, Pampanga – Nasakote nang pinagsanib na puwersa ng Mexico Police at Pampanga Provincial Public Safety Company, ang isang lalaking suspek sa panggagahasa at no. 2 most wanted person sa nasabing bayan, sa manhunt operation ng mga awtoridad sa Brgy. Sta. Cruz Maragul, Mexico, kamakalawa ng tanghali. Base sa report ni Supt. Wilfredo M. Paulo, hepe ng Mexico Police, …

Read More »

Driver, 13 estudyante patay sa Tanay (Tour bus nawalan ng preno saka sumalpok sa poste)

UMAKYAT na sa 14 katao ang mga namatay sa pagsalpok ng isang tourist bus sa poste ng koryente sa Brgy. Sampa-loc, Tanay, Rizal kahapon ng umaga. Kabilang sa namatay ang driver ng Panda Coach Tours and Transport Inc. bus, na si Julian Lacorda, 37, dead-on-arrival sa Amang Rodriguez Memorial Medical Center. Napag-alaman, 59 katao ang lulan ng bus, kabilang ang …

Read More »

Andanar resign — NUJP (Sa akusasyon sa Senate media)

DAPAT itikom ni Communications Secretary Martin Andanar ang kanyang bibig o magbitiw sa puwesto dahil sa labis na pag-abuso at tila hindi niya alam ang kanyang mga responsibilidad. Ito ang pahayag kahapon ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) sa pag-akusa ni Andanar sa mga mamamahayag na nagtungo sa press conference sa Senado ni retired SPO3 Arturo Lascanas …

Read More »

Gov. Umali ipinagbawal pagputol at pagbiyahe ng Coconut tree (Sa Oriental Mindoro)

NAGLABAS ng Executive Order (EO) No. 85 si Oriental Mindoro Governor  Alfonso V. Umali, Jr., para sa pansamantalang pagpapatigil sa pagpuputol ng niyog at paglalabas sa ibang lugar ng mga coco lumber sa lalawigan. Ito ay dahil sa napakaraming puno ng niyog ang nasalanta ng nagdaang bagyong Nina na halos ikaubos nito. Sa datos ng pamahalaang panlalawigan, nasa 150,000 board …

Read More »

Work slowdown inilarga sa NAIA ng BI employees (Sa tinanggal na overtime pay)

APEKTADO at bumagal ang proseso sa bawat pasaherong dumaraan sa Immigration counter sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminals sa isinagawang work slowdown kahapon. Dahil sa work slowdown ng BI employees, iniulat na umabot sa 20 hanggang 30 minutos bago matapos ang trasanksiyon ng mga pasahero. Isinagawa ang work slowdown sanhi nang hindi pagbabayad sa overtime pay para sa mga …

Read More »

Peace talks tuloy — CPP

MAAARI nang umusad ang negosasyon para sa pagbalangkas ng bilate-ral ceasefire agreement ng gobyerno at National Democratic Front of the Philippines (NDFP), na nakatakda sa 22-27 Pebrero  sa Netherlands, kapag nagpasya si Pangulong Rodrigo Duterte na ipadala ang negotiating panel at mga emisaryo. Sa kalatas ng Communist Party of the Philippines (CPP) kahapon, inihayag na upang matiyak ang tagumpay ng …

Read More »

Sabwatang Gaudan, BM Ikay may basbas ng lady solon?

MISTULANG nabuking ng kampo ni Negros Oriental Governor Roel Degamo ang sabwatan nina June Vincent Manuel Gaudan at Board Member Jessica Jane ‘Ikay’ Villanueva na nagsampa sa kanya ng kaso sa Ombudsman na sinabing nasa likod ang lady solon na si Josy Sy Limkaichong. Unang nagsampa sa Ombudsman main office si Gaudan, Legislative Officer IV sa House of Representatives tauhan …

Read More »

Pimentel sa arresting officer: Common sense pairalin sa pag-aresto kay De Lima

UMAPELA si Senate President Aquilino Koko Pimentel III, sa law enforcers, na pairalin ang common sense sakaling arestohin si Sen. Leila de Lima kaugnay sa drug cases. Ayon kay Pimentel, sakaling isilbi ng mga miyembro ng Philippine National Police, ang warrant of arrest laban kay De Lima, nawa ay huwag silang istorbohin sakaling nasa sesyon sila sa Senado. Kailangan din …

Read More »

Palag ng Anakbayan: De Lima hindi political prisoner

HINDI puwedeng ituring na political prisoner si Sen. Leila de Lima, ayon sa makakaliwang grupo ng mga kabataan na Anakbayan. Sa panayam ng Hataw, binatikos ni Kevin Aguayon, spokesperson ng Anakbayan-Metro Manila, ang pahayag ni De Lima, kapag inaresto siya ng mga awtoridad ano mang araw dahil sa mga kasong may kaugnayan sa illegal drugs. Pinabababaw aniya ni De Lima …

Read More »

Maza et al ‘di aatras sa utak-pulbura sa admin (Duterte hihikayatin bumalik sa peace talks)

TINIYAK ni National Anti-Poverty Commission (NAPC) chief Liza Maza, hindi aatras ang tatlong leftists sa gabinete, sa pakikipaggirian sa mga “utak-pulbura” sa administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sinabi ni Maza, hindi sila susuko nina Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Judy Taguiwalo, at Agrarian Reform Secretary Rafael Mariano sa pag-aambag ng boses ng mga mamamayan at hinaing ng …

Read More »

Napoles nais palayain ng SolGen (May sentensiyang reclusion perpetua)

MAY tsansa kaya na maging mailap ang hustisya kay Juan dela Cruz sa isyu ng P10-B pork barrel scam case, dahil ipinupursige ng administrasyong Duterte na maabsuwelto si Janel Lim-Napoles sa kasong illegal detention, na isinampa ng star witness na si Benhur Luy? Inihayag kahapon ni Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo,  suportado ng Palasyo ang posisyon ni Solicitor General …

Read More »

82-anyos birthday lola patay sa sunog sa Tondo

PATAY ang isang 82-anyos lola na nagdiriwang ng kanyang kaarawan, nang ma-trap sa nasusunog na bahay sa Tondo, Maynila, kahapon. Kinilala ang biktimang si Lorenza Calimag, nakatira sa Madrid St., Tondo. Nasagip ng mga tauhan ng Manila Bureau of Fire Protection, ang dalawang kaanak ng biktima na sina Jong Jeric Ca-limag, 23, at Michelle Ca-limag, 21, mula sa ika-apat palapag …

Read More »

Komunikasyon sa Palasyo barado (P2-B sa Surigao quake itinanggi ni Andanar)

BARADO ang komunikasyon sa Palasyo  kaya minsan ay mali ang balitang natutunghayan ng publiko dahil hindi regular na nakakausap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang communications group. Nabatid kahapon sa panayam kay Communications Secretary Martin Andanar sa DZRH, hindi totoo ang napaulat na naglaan ng dalawang bilyong piso si Pangulong Duterte na ayuda sa Surigao City, na niyanig ng magnitude …

Read More »

NDF deadma sa ‘paandar’ ni Andanar sa peace talks

Malacañan CPP NPA NDF

HINDI kikilanin ng kilusang komunista ang ano mang pahayag ng opisyal ng administrasyon kaugnay sa negosasyong pangkapayapaan, maliban kung manggagaling ito kina Pangulong Rodrigo Duterte, Presidential Adviser on the Peace Process Jesus Dureza, at government peace panel chairman Silvestre Bello III. Sa panayam ng Hataw kahapon, sinabi ni Satur Ocampo, independent observer ng National Democratic Front of the Philippines (NDFP), …

Read More »

EDSA 1 bigong pangarap — Rep. Zarate

KUNG pagkakaisa ng sambayanan ang pag-uusapan sa paglulunsad ng EDSA people power noong 1986, para baliktarin ang ‘tatsulok’ sa lipunang Filipino maituturing itong tagumpay. Ngunit kung katuparan ba ng pangarap ng sambayanang Filipino ang EDSA people power, ito ay malaking kabiguan. Ayon kay Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate, ang ‘pagdiriwang’ ng EDSA People Power ay muling magpapagunita ng …

Read More »

Sa all-out war vs gambling ng PNP: Usapang pera-pera kaya walang sangkot na buwis-buhay — Gen. Bato

NAGDEKLARA ng all out war sa illegal gambling si PNP chief, Director General Ronald dela Rosa, ngunit tiniyak na hindi magiging madugo gaya sa kanilang kampanya noon laban sa ilegal na droga. Paliwanag ni Dela Rosa, hindi sira ulo ang mga sangkot sa ilegal na pasugalan, ‘di tulad ng mga lulong sa droga na handang pumatay at magpakamatay. Sa ilegal …

Read More »

Resolusyon sa drug cases vs De Lima ilalabas na (Aguirre kakasuhan ni De Lima)

POSIBLENG ilabas na ano mang araw ngayong linggo, ang resulta ng imbestigasyon kaugnay sa isinampang mga kaso laban kay Sen. Leila de Lima, dahil sa sinasabing pagkakasangkot sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison (NBP). Ayon kay Justice Sec. Vitaliano Aguirre II, baka hindi na lumagpas nga-yong linggo, ilalabas na ng Department of Justice (DoJ) ang resolusyon sa graft …

Read More »

Common Station Project walang konsultasyon sa commuters

HINDI nagkaroon ng konsultasyon sa commuter group ang  P2.8 billion Common Station Project para sa LRT 1, MRT 3, at MRT 7, ito ang nabatid sa pagdinig ng Senate committee on public services, pinamumunuan ni Senadora Grace Poe. Kaugnay nito, tutol si Bayan Secretary General Renato Reyes sa mga lugar ng common stations sa kahabaan ng EDSA, na magsasakripisyong maglakad …

Read More »

Pintor tinarakan ni misis

SUGATAN ang isang pintor makaraan saksakin ng gunting ng kanyang live-in partner, nang magtalo ang dalawa habang kapwa lasing sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi. Ginagamot sa Caloocan City Medical Center, sanhi ng saksak sa dibdib si Danilo Macaraeg, 43, ng 57 Rosario St., Brgy. 155, Bagong Barrio, habang nakapiit sa himpilan ng pulisya ang suspek na si Michelle Aguilar, …

Read More »

Bebot inutas sa riles

PATAY ang isang hindi nakilalang babae, nang barilin ng hindi nakilalang suspek sa riles ng tren sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Ayon sa ulat ni Supt. Alex Daniel, hepe ng MPD-Station 7, dakong 1:30 am, nanonood ng television si Mark Torregoza, 27, ng 980 Hermosa St., Tondo, nang nakarinig nang sunod-su-nod na putok. Pagkaraan, natagpuan ang biktimang duguan na …

Read More »