Friday , December 3 2021

30 kgs ‘mishandled’ frozen meat nasabat sa Kyusi

AABOT sa 30 kilo ng baboy na umano’y “mis­handled frozen meat” ang nakom­piska  sa isang palengke sa No­valiches, Quezon City, kahapon ng madaling-araw.

Dakong 3:30 am nang salakayin ng mga opisyal at tauhan ng Quezon City Veterinary Department ang pamili­hang bayan sa Nova­liches na nagresulta sa pagkakakompiska ng mga karne.

Ayon kay Veterinary Department head Ana Marie Cabel, mapa­nganib sa kalusugan ang pagkain ng mga  karne na hindi inilagay agad sa freezer at chiller at ipinagbibili lamang sa mga stall sa labas ng palengke.

Paliwanag ni Cabel, kapag tinanggal ang karne sa chiller ay na­giging kontaminado ito.

Aniya, dapat tiyaking naka­lagay sa chiller o freezer ang karne at mapa­natili ang tempe­ratura upang maiwasan ang mabilis na pagka­sira ng karne.

Babala niya, ang mga mishandled meat ay maaaring magresulta sa diarrhea at pagka­lason ng mga taong kakain nito.

Nauna rito, pinaig­ting ng mga awtoridad ang inspeksiyon sa mga karne na ipinagbibili sa mga palengke sa Que­zon City, isang linggo bago sumapit ang Pas­ko.

Ilan sa mga paleng­ke na tinungo nila ang Balintawak Market, Star Market at C.I. Market sa Novaliches upang tiyakin kung may meat in­spection certificate ang mga tindero ng karne.

Pinayohan din ng mga awtoridad ang pu­bliko na maging metiku­loso sa pagbili ng karne.

Giit ng veterinary official, kung bibili ng karne dapat na palaging hanapin ang meat inspection certificate na magpapatunay na ang karne na binibili nila ay galing sa malinis na katayan at nain­s-peksiyon. (ALMAR DANGUILAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Benhur Abalos MMDA

Number coding scheme (UVVRP) muling ipatutupad ng MMDA

MULING ipatutupad ngayong araw ng Miyerkoles, 1 Disyembre 2021, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Kalayaan Pagasa Deped

Sa Pag-asa Island, Kalayaan
ELEMENTARY & HS INTEGRATED SCHOOL SA PAG-ASA ISLAND, APRUB SA DEPED

NABIGYAN ng pag-asa para sa isang maayos na buhay ang kabataan ng Pag-asa Island sa Kalayaan …

Sa Malabon
2 TULAK ARESTADO SA P.3-M SHABU

KULUNGAN ang binagsakan ng dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga nang makuhaan ng mahigit sa …

Janitor todas sa boga ng Jaguar

ISANG janitor ang pinagbabaril ng isang guwardiya PINAGBABARIL ang isang janitor, na ikinahulog nito mula …

Ayuda ginasta sa toma
KUYA PATAY SA SAKSAK NG KAPATID

PATAY agad ang isang magsasaka sa bayan ng Allacapan, lalawigan ng Cagayan, matapos saksakin ng …

Leave a Reply