Friday , December 3 2021

Pumalag sa rape 24-anyos bebot pinatay ng boarder

PATAY ang 24-anyos babae nang pumalag habang pinagsa­saman­talahan ng kanilang boarder na construction worker sa Quezon City, kahapon ng umaga.

Sa report sa Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) ng Quezon City Police District (QCPD), dakong 7:30 am nang matagpuan ang duguang bangkay ng biktima na kinilalang si Joniecar dela Cruz Letran, sa loob ng kanyang silid sa A-18 Cadena de Amor St., Pingkian-3, Zone 1, Brgy. Pasong Tamo ng nabanggit na lungsod.

Hawak na ng mga awtoridad ang suspek na si Rommel Baraga Fer­mento, 32, construction worker, tubong Suarez, Iligan City, at pansa­mantalang nangu­ngu­pahan sa bahay ng biktima.

Sa pagsisiyasat ni PO1 Armeo Pascual, ng Talipapa Police Station 3, nangungupahan ang suspek sa bahay ng biktima dahil malapit la­mang doon ang pinapa­sukang construction site.

Bago natagpuan ang bangkay ng biktima, huli siyang nakita sa birthday ng kapitbahay  na naki­kipag-inoman, kasama ang suspek.

Dakong 11:00 pm, umuwi ang biktima para matulog ngunit kina­umagahan ay pinuntahan ng kanyang tatay sa kanyang silid upang utusan na magsaing.

Halos ilang minuto nang kumakatok ang tatay ng biktima at dahil walang nagbubukas ay puwersahan niyang bi­nuk­san at doon ay bumu­ngad sa kanya ang du­guang nakabulagtang anak.

Ayon sa imbes­tiga­dor, may malalim na sugat sa ulo ang biktima at posibleng pinagsa­mantalahan dahil balig­tad na ang suot na under­­wear nang matag­puan.

Sa pulisya, inamin ng suspek na pinag­saman­talahan niya ang biktima at dahil sa kapapalag ay ilang ulit niyang iniuntog ang ulo sa semento dahilan nang agarang pagkamatay ni Joniecar. (ALMAR DANGUI­LAN)

About Almar Danguilan

Check Also

Benhur Abalos MMDA

Number coding scheme (UVVRP) muling ipatutupad ng MMDA

MULING ipatutupad ngayong araw ng Miyerkoles, 1 Disyembre 2021, ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) …

Kalayaan Pagasa Deped

Sa Pag-asa Island, Kalayaan
ELEMENTARY & HS INTEGRATED SCHOOL SA PAG-ASA ISLAND, APRUB SA DEPED

NABIGYAN ng pag-asa para sa isang maayos na buhay ang kabataan ng Pag-asa Island sa Kalayaan …

Sa Malabon
2 TULAK ARESTADO SA P.3-M SHABU

KULUNGAN ang binagsakan ng dalawang tulak ng ipinagbabawal na droga nang makuhaan ng mahigit sa …

Janitor todas sa boga ng Jaguar

ISANG janitor ang pinagbabaril ng isang guwardiya PINAGBABARIL ang isang janitor, na ikinahulog nito mula …

Ayuda ginasta sa toma
KUYA PATAY SA SAKSAK NG KAPATID

PATAY agad ang isang magsasaka sa bayan ng Allacapan, lalawigan ng Cagayan, matapos saksakin ng …

Leave a Reply