Saturday , July 27 2024

Diokno, DPWH ‘buena mano’ sa Kamara sa Enero (Sa 2019 budget at kuwestiyonableng alokasyon)

Diokno, DPWH ‘buena mano’  sa Kamara sa Enero (Sa 2019 budget at kuwestiyonableng alokasyon) RJ inireklamo sa ‘ads jingle’ (Inihain ng advocacy group sa Palasyo)
Diokno, DPWH ‘buena mano’ sa Kamara sa Enero (Sa 2019 budget at kuwestiyonableng alokasyon)
RJ inireklamo sa ‘ads jingle’ (Inihain ng advocacy group sa Palasyo)

NAGPASYA ang Ka­ma­ra na imbestigahan ang maanolamyang budget at kuwes­tiyo­nableng alokasyon ng Department of Budget and Management (DBM) sa Naga City sa 3 Enero 2019.

Ayon kay Majority Leader Rolando Anda­ya, ang kanyang komite, ang committee on rules, ang magpapatawag sa mga opisyal ng Depart­ment of Public Works and Highways (DPWH), at mga opisyal ng local government units sa  Bicol.

Kasama sa mga pa­dadalhan ng subpoena ang regional director ng DPWH, dalawang dis­trict engineers ng Sor­sogon City at ang district engi­neer ng Catan­dua­nes.

Aniya, isasama rin sa subpoena ang mga pinu­no ng kasalukuyang DPWH bids and awards committee, ang mga nakaraan at nagretirong mga hepe ng nasabing mga ahensiya na huma­wak sa mga proyekto ng C.T. Leoncio.

Ayon kay Andaya ang C.T. Leoncio ay naka­sungkit nang higit P30-bilyones na proyektong pang- impraestruktura sa DPWH.

Sa mga susunod na pagdinig ng komite ipatatawag rin si Budget Secretary Benjamin Diok­no para magpaliwanag sa pambansang budget nga­yong 2018 at ang budget sa darating na 2019.

“I am particularly interested in knowing the total amount of payables that the DBM owe to contractors and suppliers this year,” ani Andaya.

“Ang utang ng DBM sa mga contractors at suppliers, aabot nang P100 bilyon para sa transaksiyon ng buong gobyerno. Hindi mababa­yaran ito ngayong taon. This was not disputed by Secretary Diokno during Question Hour,” ani Andaya.

Ang Question Hour ay naganap sa Kamara noong Martes.

Sinabi ni DPWH un­dersecretary for plan­ning, Ma. Catalina Ca­bral, ang babayaran ng DPWH ay aabot na sa P44 billion.

“Hindi pa ito naba­ba­yaran hanggang nga­yon,” giit ni Andaya.

Ang malaking ta­nong, ani Andaya  ay kung bakit nagsingit si Diokno ng karagdagang P75-bilyones sa mga proyekto ng DPWH kung hindi pa nga nakaba­bayad sa mga con­trac­tor at suppliers ng DPWH.

“Mag-i-insert ka ng P75 billion, ‘di naman pala mababayaran ang mga utang?”

“Hindi lang muk­hang balasubas dito ang gobyerno. This will defi­nitely cause an economic slowdown. Kung hindi mababayaran ng DBM ang P100 bilyon na utang nila. This is mis­management. Malinaw na may kapabayaan dito si Secretary Diok­no,” paliwanag ng ko­ng-re­sista.

“Malinaw na dapat sagutin ito ni Secretary Diokno. Unless he clears himself from this mess, there will be perpetual doubt that the people’s taxes are not safe under his stewardship,” aniya.

ni Gerry Baldo

About Gerry Baldo

Check Also

Dulot ng bagyong Carina
PAMPANGA, BULACAN, IBA PANG LUGAR SA CENTRAL LUZON LUMUBOG SA BAHA  
2 iniulat na nasawi

PATULOY na nagsasagawa ng disaster response operations ang mga pulis sa Central Luzon habang nananatili …

Arrest Posas Handcuff

Most wanted person sa Bicol Region naaresto sa Zambales

ISANG personalidad na nakatala bilang isa sa Most Wanted Persons sa Bicol region ang naaresto …

Bulacan Police PNP

Sampung wanted na kriminal sa Bulacan nasakote

HINDI alintana ng kapulisan sa Bulacan ang malakas na ulan at baha dulot ng bagyong …

Honey Lacuna Manila Baha Ulan Bagyo Carina

Bilang tugon sa problemang dala ni ‘Carina’:
SERYE NG DIREKTIBA IPINALABAS NI MAYOR HONEY

NAGPALABAS ng serye ng direktiba si Manila Mayor Honey Lacuna bilang tugon sa mga problemang …

Honey Lacuna Pangan Manila baha ulan carina

Pag-kalinga ni Action Lady, Mayor Lacuna kahit bagyo naramdaman ng mga Manileño!

BALEWALA kay Manila Mayor Honey Lacuna Pangan ang mataas na tubig baha na kanyang nilusong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *