shabu drug arrest

P40-M shabu kompiskado sa Cebu

CEBU CITY – Mahigit P40 milyon halaga ng hinihi­nalang shabu ang nakom­piska sa ikinasang buy-bust operation sa lungsod na ito, noong Martes.

Isang alyas Jr. ang nahuli at nakompiskahan ng 6.8 kilo ng ilegal na droga.

Sinabi ni Police Regional Office chief, Director Debold Sinas, isang sindikato ang nag-o-operate sa Cebu at ang droga ay mula sa Metro Manila.

Aniya, ang droga ay ibinibiyahe sa isang sasak­yan sa Roll-on/Roll-off ves­sel at pipik-apin ng indibi­duwal. Inihahanda na ang serye ng follow-up opera­tions upang mahuli ang supplier at mastermind ng ilegal na droga sa lungsod.