ILULUNSAD ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang legal na opensiba laban sa ABS-CBN, sa paghahain ng kasong multiple-syndicated estafa laban sa pamilya Lopez, nang hindi ilabas ang kanyang political advertisement kahit tinanggap ang bayad niya. Paliwanag ng Pangulo sa kanyang talumpati sa groundbreaking ceremony ng Armed Forces of the Philippines-Philippine National Police housing design and modalities sa Madayaw Residences, Kadayawan …
Read More »Masonry Layout
Kelot patay sa heat stroke
NATAGPUANG walang buhay isang 53-anyos lalaking hinihinalang inatake ng heat stroke sa Sta. Mesa, Maynila, kahapon ng umaga. Ayon sa Manila Police District (MPD) Homicide Section, base sa LTO non-professional drivers license, kinilala ang biktimang si Teddy Sauler, ng 136-K 7th St., Kamias, Quezon City. Base sa imbestigasyon, natagpuan ng isang construction worker na si Jonel Duenlag, 23, ang biktima …
Read More »Lolo binoga sa tagayan
BUMULAGTA ang isang 59-anyos lolo makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem habang nakikipag-tagayan sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Kinilala ang biktimang si Dophy Rito, residente sa Linampas St., Dagupan, Tondo, binawian ng buhay habang nilalapatan ng lunas sa Metropolitan Medical Center. Mabilis na tumakas lulan ng motorsiklo ang dalawang suspek makaraan ang pa-mamaril. Sa imbestigasyon ni SPO2 John Charles Duran,ng Manila …
Read More »Bagong batas-trapiko handa nang ipatupad (Sa Caloocan City)
HANDA na ang lokal na pamahalaan ng Caloocan City sa pagpapatupad ng kapapasang mga batas na nagbabawal gumamit ng gadgets ang mga nagmamaneho at nagbabawal magsakay ng maliliit na bata sa motorsiklo. Ayon kay Engineer Gilberto Jay Bernardo, tagapamahala ng Department of Public Safety Office and Traffic Management (DPSTM), nagpatawag siya ng pulong sa transport groups sa lungsod, at inihayag …
Read More »Pastol patay sa kidlat
BINAWIAN ng buhay ang isang 35-anyos lalaki nang tamaan ng kidlat habang nagpapastol ng hayop sa Albay, nitong Miyerkoles ng hapon. Isinugod sa ospital ngunit binawian ng buhay ang biktimang si Antonio Oropesa, residente ng Brgy. Napo sa Polangui, Albay. Ayon sa pulisya, dakong 5:00 pm nang tamaan ng kidlat si Oropesa habang nagpapastol ng hayop sa gitna ng palayan …
Read More »Magdyowang karnaper/holdaper arestado sa QCPD
INARESTO ng mga operatiba ng Quezon City Police District (QCPD) ang live-in partners matapos mabigong tangayin ang isang taxi na kanilang hinoldap sa Brgy. Doña Mariana, Quezon City, kahapon ng madaling-araw. Iniharap ni QCPD director, Chief Supt. Guil-lermo Lorenzo T. Elea-zar, sa media ang dalawang suspek na sina Jade Bertoldo, 18, at Jessa Lopez, 23, kapwa nakatira sa Denmark St., …
Read More »Magkapitbahay niratrat, patay
PATAY noon din ang magkapitbahay makaraan pagbabarilin ng hindi nakilalang mga lalaki sa Brgy. East Kamias, Quezon City, kahapon ng madaling araw. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) director, C/Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kinilala ang mga biktimang sina Niko Ledesma, 25, ng 55 K St., at Nelver Inano, 25, residente ng 65 K St., kapwa ng Brgy. …
Read More »Drug raps vs Marcelino, Chinese nat’l ibinasura ng DoJ
INIUTOS ng Department of Justice (DoJ) ang pag-atras sa drug charges laban kay Marine Lt. Col. Ferdinand Marcelino at kasama niyang isang Chinese national, na nakabinbin sa Manila Court. Ito ay makaraan pagbigyan ng DoJ ang petition for review na inihain nina Marcelino at Yan Yi Shou kaugnay sa September 2016 resolution, nagresulta sa pagsasampa sa kanila ng kasong possession …
Read More »Seguridad sa Quiapo kasado na (Paghahanda sa Ramadan) — MPD
NAKATAKDANG ipatupad ng Manila Police District (MPD) at pamahalaang lungsod ng Maynila ang “foolproof” o 24/7 walang palyang security detail sa Muslim community, bilang paghahanda sa nalalapit na Ramadan sa Quiapo, Maynila. Ang ilalatag na security plan ay bunsod ng pangamba ni Mayor Erap Estrada, makaraan ang tatlong magkakasunod na pagsabog sa Quiapo, sinasabing dahil sa su-miklab na “religious war” …
Read More »Teresa COP sinibak ni Gen. Bato
SINIBAK sa puwesto ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa ang chief of police ng Teresa PNP na si C/Insp. Richard Ganalon, makaraan mahulihan ng P200,000 halaga ng shabu ang isa niyang tauhan. Personal na nagtungo sa Teresa PNP si Dela Rosa at sinermonan ang nadakip na si PO1 Fernan Manimbo, 33, ng Brgy. Bravo, Gen. M. Natividad, …
Read More »P8-M shabu kompiskado Chinese nat’l arestado
ARESTADO ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang Chinese national, itinuturing na miyembro ng big time drug syndicate, sa buy-bust operation sa lungsod ng Pasay, nitong Miyerkoles ng gabi. Ang suspek na kinilalang si Niko Sy alyas Shi Yong Ming, pansamantalang tumutuloy sa isang lugar sa Malate, Manila, ay nahuli sa Macapagal Boulevard, malapit sa Solaire …
Read More »Ayuda ng EU tablado kay Duterte (Utak-pulubi ibinasura)
TAAS-NOO at hindi utak-pulubing mentalidad ang dapat pairalin sa Filipinas bilang malayang bansa. Ito ang inihayag ng Palasyo kahapon, makaraan magpasya na tablahin ang ayudang ipinagkakaloob ng European Union (EU) dahil sa pakikialam sa usaping-panloob ng bansa. “The Philippines no longer accepts aid from EU to enable them not to interfere with our internal affairs. We’re supposed to be an …
Read More »‘Yosi Kadiri’ ban sa buong bansa — EO26 (Pirmado na ni Digong)
NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 26, magpapatupad ng nationwide smoking ban. Kinompirma ni Health Secretary Paulyn Jean Ubial, pinirmahan ng Pangulo ng EO 26, dalawang linggo bago ang World No Tabacco Day sa 31 Mayo. Ibinase aniya ang EO 26 sa Smoking Ban Ordinance sa Davao City. Ngayon aniya ilalabas ng DoH ang opisyal na pahayag kaugnay …
Read More »Undercover cop patay sa minamatyagang drug suspect (Sa Balayan, Batangas)
BINAWIAN ng buhay ang isang undercover cop makaraan pagbabarilin ng minamatyagan niyang drug suspect sa Balayan, Batangas, nitong Martes ng madaling araw. Kinilala ang pulis na si SPO1 Brian de Jesus, miyembro ng intelligence division ng Balayan Police Station. Nakatakas ang suspek sa pamamagitan ni Rodolfo Macalindong, isa sa most wanted persons, at hinihinalang miyembro ng sindikato ng droga sa …
Read More »Pulis-Rizal timbog sa droga
ARESTADO ang isang pulis na nakatalaga sa Drug Enforcement Unit ng Teresa PNP, nang maaktohan na nagbabagsak ng 100 gramo ng shabu sa Carissa 1, Brgy. Bagumbayan, sa lalawigan ng Rizal, nitong Martes. Kinilala ni S/Supt. Albert Ocon, Rizal PNP provincial director, ang nadakip na si PO1 Fernand Manimbo, itinuturing na high value target ng Rizal PNP. Nakuha sa suspek …
Read More »Bata bawal umangkas sa motorsiklo
BAWAL umangkas ang maliliit na bata sa motorsiklo sa national roads, at highway sa buong bansa, ayon sa nakasaad sa Children’s Safety on Motorcycles Act or Republic Act 10666, magiging epektibo sa 19 Mayo. “Only children whose feet can reach the foot peg, could wrap their arms around the driver’s waist, and wears protective gear such as a helmet may …
Read More »OSY kritikal sa samurai ng kaaway
MALUBHANG nasugatan ang isang binatilyong out of school youth (OSY) makaraan pagtatagain ng samurai ng kanyang kaaway sa Pier 2, Tondo, Maynila, kahapon ng madaling-araw. Kinilala ang biktimang si Theogyl Cerdon alyas TJ, 15-anyos, ng Brgy. 20, Zone 2, Apex Compound, Pier 2, North Harbor, Tondo, nilalapatan ng lunas sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center. Habang ang suspek ay …
Read More »PH handa ba sa cyber attacks? — Sen. Bam
NAGHAIN ng resolusyon ang isang senador upang malaman kung handa ang Filipinas sa cyber attacks kasunod nang pag-atake ng ransomware sa mga computer sa 150 bansa sa buong mundo. “We want to hear from the experts from government and also from our Pinoy tech firms on whether our country is prepared for these cyber attacks and what should be done …
Read More »Longest boodle fight sa Munti centennial
IPAGDIRIWANG ang ika-100 Founding Anniversary ng Muntinlupa sa pamamagitan ng pinakamahabang boodle fight sa 20 Mayo, tampok ang mga residente ng walong barangay. Ayon kay Muntinlupa Centennial Commission (MCC) chairman and City Administrator Allan Cacheula, ang boodle fight ay tatakbo sa habang 11 kilometro mula Barangay Tunasan hanggang sa Barangay Sucat. Inanyayahan ni Cachuela ang lahat sa gaganaping pinakamahabang boddle …
Read More »Napoles ‘di suportado ng Palasyo — Panelo
HINDI naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na inosente si Janet Lim-Napoles sa mga kasong kinakaharap kaugnay sa pork barrel scam. “The President has not made an opinion on that [matter],” ani Chief Pre-sidential Legal Counsel Salvador Panelo. Sa isang panayam, inihayag ni Atty. Stepehen David, abogado ni Napoles, na kombinsido ang Pangulo na inosente si Napoles. Ani Panelo, hindi nakikialam …
Read More »Duterte sa PTV 4 (Mula sa Masa Para sa Masa)
MAHIGIT isang taon mula nang maluklok sa Palasyo, ibabalik ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang programa sa telebisyon upang direktang maiparating sa publiko ang mga polisiya at programa ng kanyang administrasyon. Kinompirma ni Communications Secretary Martin Andanar, ipalalabas sa susunod na linggo sa government-controlled PTV-4 ang bagong TV show ni Pangulong Duterte na “Mula sa Masa Para sa Masa” kasama …
Read More »5,200 OFWs nagpalista sa amnesty program sa Saudi Arabia
LUMOBO sa 5,200 ang bilang ng undocumented OFWs sa Jeddah, Saudi Arabia, na nagpatala para sa 90-day amnesty program, na nagsimula noong Marso. Sinabi ng Philippine Consulate head sa Jeddah na si Consul RJ Sumague nitong Martes, umabot na 5,200 ang mga nakapagrehistro sa konsulada mula noong 26 Marso. Halos karamihan aniya sa mga humahabol magparehistro ay mga dating nagtatrabaho …
Read More »Cayetano welcome addition sa gabinete — Palasyo
NANINIWALA ang Palasyo na sisigla ang relasyon ng Filipinas sa ibang mga bansa sa pagkompirma ng Commission on Appointments (CA) sa appointment ni Alan Peter Cayetano bilang kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA). “Secretary Cayetano’s experience and legal acumen shall enrich the leadership of the Department of Foreign Affairs (DFA) and promote and enhance our international relations with the …
Read More »Cayetano kompirmado
KINOMPIRMA ng makapangyarihang Commission on Appointments (CA) ang nominasyon ni Senador Alan Peter Cayetano bilang bagong kalihim ng Department of Foreign Affairs (DFA), kapalit ni Officer in Charge (OIC) Under Secretary Enrique Manalo, pumalit kay dating Secretary Perfecto Yasay, na ibinasura ng komisyon ang kompirmasyon dahil sa pagsisinungaling sa kanyang citizenship. Halos wala pang limang minuto at hindi pa nakauupo …
Read More »Police intel sa Quiapo blasts utas sa ambush
PATAY ang isang intel operative ng Manila Police District (MPD), na kabilang sa nag-iimbestiga sa Quiapo blasts, makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Paco, Maynila kamakalawa. Hindi umabot nang buhay sa Philippine General Hospital (PGH) ang biktimang si PO2 Abdul Jabbar Alonto, 36, nakatalaga sa MPD-District Intelligence Division (DID), tubong Marawi City at naninirahan sa 645 Carlos Palanca St., San Miguel, …
Read More »