Sunday , June 16 2024
arrest prison

‘Mayor’ nahulihan ng shabu sa hoyo

DALAWAMPU’T ISANG plastic sachet ng shabu ang nakompiska sa isang high profile person deprived of liberty (PDL) sa loob ng kanilang selda sa isinagawang sorpre­sang greyhound operation sa loob ng Navotas city jail.

Sa report ni Assistant City Jail Warden S/Insp. Henry Laus kay NCJ Warden Supt. Ricky Heart Pergalan, arestado muli ang suspek na si Erwin Esguerra, alyas Boy, 50 anyos, may kasong paglabag sa Section 11 ng RA 9165 matapos ma­kom­piskahan ng shabu na nakaipit sa kanyang kaliwang tsine­las.

Bukod sa shabu, nakompiska rin ni JO1 Jhaffy Zesar De Castro na nakapalaman sa kabilang tsinelas ni Esguerra ang isang mobile phone na pinaniniwalaang gina­gamit sa kanyang ilegal na transaksiyon ng droga.

Nabatid na ipinag-utos ni Pergalan na isa rin abogado ang sorpresang greyhound operation, dakong 9:00 am kasunod ng ilang ulat ng insidente na may mga ipinapasok na kontrabando sa loob ng city jail sa pamamagitan ng pamingwit.

Nang halughigin ang Selda 14, napansin ng jail guards ang suot na tsinelas ni Esguerra na tila hirap nitong apakan at ihakbang kaya nang siyasatin ay nadiskubre ang nakapalaman na mga kontrabando.

Kaugnay nito, binala­an ni Pergalan ang mga bumibisita na huwag nang tangkain na mag­pus­lit ng kontrabando sa loob ng city jail dahil mahigpit at estrikto ang kanyang ipinapatupad na inspeksiyon.

Samantala, dinala si Esguerra at ang nakom­piskang kontrabando sa Philippine Drug Enforcement Agency.

(ROMMEL SALES)

About Rommel Sales

Check Also

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

DOST 1 opens ‘smart and sustainable’ workshop in Laoag City

THE Participatory Planning and Road Map Development Workshop towards a Smart and Sustainable City of Laoag kicked off …

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

Las Piñas LGU may bagong environmental at health vehicles

PINABASBASAN ng pamahalaang lungsod ng Las Piñas ang nakuhang mga bagong sasakyang pangkalikasan at pangkalusugan …

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

10,000 trabaho handog ng pasay LGU sa Kalayaan Job Fair

ISANG mega job fair ang inihandog ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Pasay kahapon …

Chavit Singson

Chavit Singson mamimigay ng P7-M sa kanyang kaarawan

MAMAMAHAGI si dating governor Luis “Chavit” Singson ng saya at kabutihang-loob sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan ngayong taon. …

Sam Verzosa Yul Servo

VM Yul at Rep Sam magsasalpukan sa pagka-Manila mayor 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAPARAMDAM na ang bofriend ni Rhian Ramos na si partylist representative Sam Versoza sa ilang barangay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *