Monday , June 24 2024

National feeding program palawakin!

NAIS ni dating Malabon City Lone District Representative Jaye Lacson-Noel na palawakin pa ang National Feeding Program sa  bansa.

Ayon sa lady solon, dapat gawing 180 days mu­la sa kasalukuyang 120 ang feeding  program, lalo sa mga kabataan sa nasabing lungsod.

Aniya, sa pamamagitan nito masisigurong sapat na nutrisyon ang maibibigay sa mga bata upang maiwasan ang malnourish.

“Napakalaking tulong sa mga kabataan ang libreng pagkain sa paa­ralan. Bukod sa nabibigyan sila ng ta­mang nutrisyon, isa rin itong epektibong paraan para manatili sila sa esku­wela­han,” ani  Lacson-Noel.

Tiniyak din niya na isu­sulong niya ang amyenda sa batas para dumami ang mga benepisaryo ng nasa­bing programa at maisama ang mga mag-aaral hang­gang Grade 10.

Sa kasalukuyan, mga estudyante lamang sa mga public schools mula pre-school hanggang Grade 6 ang saklaw ng Republic Act No. 11037 o ang Masus­tansiyang Pagkain Para sa Batang Pilipino Act na naisabatas kamakailan.

”Ibigay natin sa mga kabataan ang nararapat na suporta para sa kanila. Napakalaking tulong nang libreng pagkain sa paaralan para matiyak na lalaking malusog at matatalino ang Malabonians,” pagtatapos ng Kongresista.

(JUN DAVID)

About hataw tabloid

Check Also

Toll collection sa Cavitex suspendido nang 30 araw

IPINAHAYAG ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang magandang balitang natanggap niya mula sa Philippine Reclamation …

Bamban mayor, 13 pa inasunto sa ilegal na POGO

NAHAHARAP sa isang asuntong kriminal  si Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo kasama ang 13 iba …

Sa asuntong human trafficking  
MAYOR ALICE GUO KOMPIYANSA VS PARATANG  
Walang ebidensiya para tawaging kasabwat

HATAW News Team NANINDIGAN si Bamban Tarlac Mayor Alice Guo na wala siyang koneksiyon sa …

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs 1

Two DOST Region 02 Women Earn Certification as CagVal RPGRPs

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 is proud to announce that two …

SM Fire Volunteers 1

BFP, DILG, and SM Prime empower communities through 1st fire volunteers assembly

In a demonstration of its commitment to community safety, the Bureau of Fire Protection (BFP) …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *