Thursday , June 4 2026
arrest prison

Bonding ‘shabu session’ ng 4 mag-uutol umabot sa kulungan

HINDI lang sa pot session umabot ang bonding ng apat na magkakapatid dahil umabot ito sa kulungan nang madakip matapos maaktohan sa paggamit ng droga  sa isinagawang anti-illegal drug operation ng Quezon City Police District (QCPD), iniulat kahapon.

Kaugnay nito, walo katao pa ang nadakip kabilang ang sinabing tulak na nasa drug watchlist ng QCPD.

Sa ulat kay QCPD Director, P/BGen. Joselito Esquivel Jr.,  dakong 9:00 pm kamakalawa, naunang nadakip ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng Batasan Police Station

(PS 6) na pinamumunuan ni P/Lt. Col. Joel Villanueva sa  buy bust operation si Richard Dumo alias Kangkong, 45 anyos.

Si Kangkong ay kilalang drug pusher sa kanilang lugar sa  Gen. Evangelista St., Brgy. Ba­gong Silangan, at kabilang sa QCPD Direc­torate for Intelligence (DI) drug watchlist kaya ito ay kanila nang tinitiktikan.

Nang magpositbong patuloy sa pagbebenta ng ilegal na droga, ikinasa ang buy bust kaya nadakip si Dumo.

Nakuha kay Dumo ang shabu na nagka­kahalaga ng P300 at marked money.

Kasamang binitbit ang magkakapatid na sina Arnel Linggaon, 50;  Aldino Linggaon, 48; at  Alberto Linggaon, 46; Angelito Linggaon, 21, naaktohan sa pot session sa lugar ni Dumo.

Bukod sa magkakapatid kabilang din sa nadakip sina Randy Nitura, 45;  Jacinto Salon Jr, 41;  Angelo Gomez, 41;  Jherdan Asejo, 30;  William Erlano, 63, pawang residente sa Brgy. Bagong Silangan;  Francis Randel Navarro, 44, at Gina Olivares, 49, kapwa naninirahan sa Tarlac City na nakasama sa shabu session.

Ang mga suspek ay nakapiit ngayon sa Batasan Police Station 6 habang inihahanda ang kasong isasampa laban sa kanila.

(ALMAR DANGUILAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Almar Danguilan

Check Also

060326 Hataw Frontpage

Sa dalawang araw na walang sesyon
CAYETANO RESIGN – SB11

HATAW News Team MARIING hinamon ng Senate minority bloc o solid bloc 11 (SB11) si …

Lalaking inaresto sa buybust nanlaban patay

TODAS angisang 31-anyos lalaki nang manlaban, magtangkang manaksak, at mang-agaw ng baril ng pulis, sa …

stab ice pick

Naglalabang lalaki ginilitan, pinagsasaksak ng kumpare habang naka-Facebook live streaming

NAKABUROL na ang isang 45-anyos lalaking ginilitan at pinagsasaksak ng kanyang kaalitang kumpare habang naka-live …

Hand Baby Dead

Pinalabas na kinidnap ng ama
Sanggol paulit-ulit na iniuntog, bangkay isinilid sa ecobag ng yaya

NAAAGNAS na ang bangkay nang matagpuan ang isang 11-buwang gulang na sanggol sa loob ng …

Terry Ridon Sara Duterte

‘Pagtakas’ ni VP Sara sa paglilitis inupakan

MARIING pinuna ng ilang miyembro ng House prosecution panel ang naging sagot ng kampo ni …