ISA na namang volunteer ng “doctor to the barrio” ang pinaslang ng suspek na nagpanggap na pasyente sa loob ng kanyang klinika sa Cotabato City, kahapon. Mariing kinondena ni Health Secretary Paulyn Ubial ang pagpatay kay Dr. Shahid Jaja Sinolinding , ang ikalawang doktor na nasa ilalim ng “doctor to the barrio” na pinatay sa loob ng nakalipas na halos …
Read More »Masonry Layout
26 patay, 21 sugatan sa Nueva Ecija (Bus nahulog sa bangin)
DAGUPAN CITY – Umakyat sa 26 katao ang patay, habang 21 ang sugatan sa nahulog na bus sa bangin, sa bahagi ng Capintalan, Caranglan, Nueva Ecija, nitong Martes ng umaga. Ayon kay Michael Calma, Chief Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), Nueva Ecija, nasa 26 ang kompirmadong patay habang 21 ang sugatan. Sinabi ni Calma, ang mga namatay …
Read More »4 Pinoy patay sa sumabog na gulong (Sa Abu Dhabi)
ABU DHABI – Apat Filipino ang namatay sa isang aksidente sa Abu Dhabi sa kalagitnaan ng Visita Iglesia. Kabilang sa namatay sina Veronica Dulay, Daniel Paulo Paraiso, Ian Elli, at Marvin Mendoza. Samantala, naka-confine sa isang pagamutan ang kapatid ni Paraiso na si Ana Paula, at kapatid ni Mendoza na si Mary Ann. Sa unang impormasyon, sumabog ang gulong ng …
Read More »Himok sa pulis magnilay sa Holy Week
Hinimok ni PNP chief police Director General Ronald dela Rosa, ang bawat miyembro ng pambansang pulisya, na magnilay-nilay ngayong Semana Santa. Ginawa ni Dela Rosa ang panawagan sa kanyang talumpati sa regular na flag raising ceremony sa Camp Crame. Pahayag ni Dela Rosa, bawat pulis ay dapat tanungin ang kanilang mga sarili na bahagi ng “reflection.” Sinabi ng heneral, dapat …
Read More »PNP at AFP may safe conduct pass para sa NPA (Ngayong Holy Week)
TUGUEGARAO CITY – Nagsimula nang magbigay ng safe conduct pass para sa lahat ng mga kasapi ng New People’s Army (NPA) ang Kalinga-Philippine National Police (PNP) at 50th Infantry Battalion. Ang safe conduct pass ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga NPA na makasama ang kanilang mga mahal sa buhay ngayong Semana Santa, na magtatagal hanggang 16 Abril. Ang mabibigyan …
Read More »Aftershocks sa Batangas 3 buwan aabutin (5.4 magnitude quake yumanig sa N. Samar)
POSIBLENG tumagal ng hanggang tatlong buwan ang aftershocks sa Batangas. Sinabi ni Phivolcs seismologist Ishmael Narad, ito ay dahil sa magnitude 6.0 lindol nitong Sabado. Ayon kay Narad, bagama’t karamihan sa mga pagyanig ay hindi lubos nararamdaman, may ilan pang aftershocks na malakas hanggang magnitude 4.0. Samantala, inoobserbahan ng Phivolcs ang epekto ng lindol sa Bulkang Taal na malapit lamang …
Read More »BBL, GRP-NDFP peace pact muna bago Cha-cha
UUSAD ang Charter change kapag naisabatas na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) at napirmahan ang peace agreement ng gobyerno at National Democratic Front (NDF). Sinabi ni Pangulong Duterte kahapon, hindi siya magtatalaga ng 25 katao na bubuo sa Consultative Committee na mag-aaral sa pag-amyenda sa Konstitusyon hanggang walang BBL at GRP-NDFP peace agreement. “I will not name them until I …
Read More »Esperon big brother sa Duterte admin
MAGSISILBING “Big Brother” sa administrasyon si National Security Adviser Hermogenes Esperon, Jr., batay sa nilagdaang Executive Order No. 16 ni Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon sa EO 16, inatasan ni Pangulong Duterte ang lahat ng kagawaran, ahensiya ng gobyerno, kasama ang government-owned and controlled corporations (GOCCs) at lokal na pamahalaan, na sundin ang National Security Policy 2017-2022 sa pagbalangkas at implementasyon …
Read More »Preso kinalbo, ginulpi, kinikilan (DSOU gestapo ng QCPD)
INALMAHAN ng abogado ang paglabag sa karapatang pantao at extortion ng Quezon City Police District-District Special Operations Unit (QCPD-DSOU), sa 21 suspek na dinakip sa akusasyong cybersex sa Quezon City, kamakailan. Ayon kay Atty. Berteni “Toto” Causing, legal counsel ng mga suspek, kinalbo ang kanyang mga kliyente ng mga pulis habang nakapiit sa QCPD-DSOU, nang labag sa kanilang kalooban. Bago …
Read More »Rice importation ni Aquino tablado kay Digong (Filipino farmers dapat mauna)
TABLADO kay Pangulong Rodrigo Duterte ang planong pag-angkat ng isang milyong metriko toneladang bigas ni National Food Authority (NFA) Chairman Jason Aquino, sa pamama-gitan ng government-to-government (G2G) transaction. Bago tumulak patu-ngong state visit sa tatlong Gulf states (Saudia Arabia, Bahrain at Qatar), sinabi ng Pangulo, inutusan niya si Aquino na gamitin ang pondo ng NFA para bilhin ang palay ng …
Read More »Guro patay, 15 sugatan sa tumaob na dumptruck sa Quirino
CAUAYAN CITY – Patay ang isang guro habang 15 ang sugatan nang tumaob ang isang dumpstruck sa Brgy. Victoria Aglipay, Quirino, kamakalawa. Kinilala ang namatay na si Janice Pumaling, 27, walang asawa, at residente sa Cordon, Isabela. Batay sa imbestigasyon ng Aglipay Police Station, ang mga biktimang sakay ng isang dump truck ay galing sa isang kasalan. Ayon sa pagsisiyasat, …
Read More »Kelot kritikal sa tarak ng 4 suspek (Sa Manila North Cemetery)
KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang lalaki makaraan tarakan sa leeg at sa ibang bahagi ng katawan ng apat lalaki sa loob ng Manila North Cemetery sa Sta. Cruz, Maynila, kamakalawa ng gabi. Nilalapatan ng lunas sa Ospital ng Tondo ang biktimang kinilalang si Alvin Evangelista. Habang kinilala ang isa sa mga suspek na si alyas Baloktok, miyembro ng …
Read More »14 drug suspect tiklo sa buy-bust
LABING-APAT katao ang nasakote ng mga awtoridad sa isinagawang drug buy-bust operation sa magkakahiwalay na lungsod ng Caloocan, Malabon, Navotas at Valenzuela. Dakong 5:30 pm, nang maaresto ng mga tauhan ng District Drug Enforcement Unit (DDIU) sa buy-bust operation sa pagitan ng 4th at 3rd Avenue, 2nd St., Brgy. 118, Caloocan City si Leonardo Astillero, 25, at Aubery Mae Bagood, …
Read More »Higit pisong taas sa presyo ng petrolyo asahan
ASAHAN sa susunod na linggo ang malaking price hike sa produktong petrolyo. Ayon sa energy sour-ces, maglalaro sa P1 hanggang sa P1.10 ang dagdag sa presyo ng kada litro ng gasolina. Habang P0.80 hanggang P0.90 ang posibleng dagdag sa presyo ng kada litro ng diesel at kerosene. Ang pagtaas ng presyo ng oil products ay bunsod nang pagsipa ng presyo …
Read More »4,000 inmates isasailalim sa libreng HIV test (Sa Cebu City Jail)
CEBU CITY – Nagpapasalamat si Cebu City Councilor Dave Tumulak sa City health at sa Department of Health (DoH) sa Cebu, dahil agad tumugon sa kanyang panawagan na tulungang linisin ang selda at gamutin ang inmates ng Cebu City Jail, upang maiwasan ang paglaganap ng mga sakit sa loob ng pasilidad, lalo ang kaso ng HIV sa mga preso. Ayon …
Read More »Suso ng joggers dinadakma, kelot timbog sa buy-bust (Sa Ormoc City)
INARESTO sa isang buy-bust operation ang isang lalaking matagal nang pinaghahanap ng mga pulis dahil sa mara-ming reklamo ng panghihipo sa mga babaeng nagda-jogging sa Veloso Avenue sa Ormoc City. Kinilala ni S/Insp. Joseph Joevil Young ng Drug Enforcement Unit ng Ormoc City Police, ang suspek na si Jezel Laurente, 27, isang karpintero, may-asawa, at residente sa Sitio Cantalib, District …
Read More »Linggo ng Palaspas ipinagdiwang ng Katoliko
NAGTUNGO sa mga simba-han sa iba’t ibang panig ng bansa ang mga debotong Katoliko para ipagdiwang ang tradis-yonal na Palm Sunday, hudyat sa pagsisimula ng Semana Santa. Kanya-kanyang bitbit ang mga deboto ng kanilang mga palaspas na binendisyonan sa Palm Sunday masses. Ang nasabing religious tradition ay mula sa Biblical account na naganap ang “triumphant entry” ni Jesus sa Jerusalem …
Read More »NFAC dialogue kay Duterte hinaharang ni Bong Go
MATAGAL nang humihirit ang NFAC na pinamumunuan ni Cabinet Secretary Leoncio “Jun” Evasco, ng dialogue kay Pangulong Rodrigo Duterte ngunit tila hinaharang sila ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go. Isa ito sa hinaing ni Chavez sa kanyang kalatas. Ngunit sina Agriculture Secretary Emmanuel Pinol at Aquino ay nakadidirekta aniya sa Pangulo. “The NFAC members have also …
Read More »G2G ng NFA pabor sa rice smugglers
PABOR sa rice smugglers ang government to government (G2G) rice importation na isinusulong ni National Food Authority (NFA ) Administrator Jason Aquino, ayon kay dating Undersecretary Maia Chiara Halmen Valdez. Sa kalatas ni Valdez, sinabi niya, ang government to government (G2G) ay hindi saklaw ng procurement law kaya puwedeng magamit sa smuggling at corruption. “It is only G2G that is …
Read More »Sotto tumalon mula 20/f nalasog (High sa damo)
NALASOG ang katawan ng isang estudyanteng may apelyidong Sotto na hinihinalang lango sa marijuana, makaraan tumalon mula sa ika-20 palapag ng tinutuluyang condominium tower sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw. Kinilala ang biktimang si Nathan Wolfe Sotto, 21, residente sa Unit 2034 The Manila Residences Tower II sa Malate. Ayon sa ulat ng Manila Police District (MPD) Homicide section, …
Read More »Man-made na lindol suspetsa ng Batangueños (Dahil sa PHINMA Geotherman project)
NANGANGAMBA ang mga Batangueño, makararanas pa ng mas maraming pagyanig makaraan ang dalawang malalakas na lindol, na pinaghihinalaan nilang dulot ng itinatayong Geothermal project sa Mabini, Batangas. Ayon sa mga residente ng Mabini, may 100 taon nang hindi nakararanas ng lindol ang kanilang lugar kaya lubha silang nagulat na sa loob ng limang araw ay dalawang beses niyanig nang malalakas …
Read More »Luzon nilindol nang 2 beses
DALAWANG lindol, kabilang ang may lakas na magnitude 5.9, ang yumanig sa Luzon, minuto lamang ang pagitan dakong hapon nitong Sabado. Ayon sa ulat ng Uni-ted States Geological Survey, ang unang lindol, may magnitude 5.7 at lalim na 40.4 kilometers, ay tumama dakong 3:08 p.m. sa east-northeast ng Brgy. Bagalangit Mabini, Batangas. Ang epicenter ng pa-ngalawang lindol (magnitude 5.9) ay …
Read More »Divorce bill, legal remedy sa irreconcilable marriage
IGINIIT ni Gabriela Partylist Rep. Emmi De Jesus, ang divorce bill ay isang legal remedy sa irreconcilable differences ng mga mag-asawa at upang maiwasan ang extra marital affairs ng isang babae o lalaki. Ayon kay De Jesus, hindi isang simpleng pagtatanggal ng bisa ng kontrata ang mangyayari sa diborsiyo, kundi ito ay pagpapawalang-bisa sa kasal na dumaan sa korte, at …
Read More »Sabungero nagbaril sa ulo (Sa VIP room ng Caybiga Cockpit Arena)
WINAKASAN ng isang sabungero ang sariling buhay sa pamamagitan ng pagbaril sa sarili sa loob ng air-conditioned room ng isang sabungan sa Caloocan City, kamakalawa ng hapon. Patay na nang matagpuan ang biktimang si Robertson Dela Cruz, 30, ng Malinis St., Valenzuela City, sa tama ng bala ng Glock .40 na natagpuan sa lugar. Batay sa ulat ng security guard …
Read More »Pag-akyat sa Banahaw sa Holy Week bawal
NAGA CITY– Muling nagpaalala ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) sa publiko, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pag-akyat sa Mt. Banahaw sa Quezon Province sa darating na Semana Santa. Ayon kay Dr. Henry Buzar, head ng PDRRMO-Quezon, bawal pa rin ang pag-akyat ng mga deboto, maging ang mga turista na bibisita sa naturang bundok. Ayon kay …
Read More »