Wednesday , July 6 2022

Graft ikinasa vs Lian mayor

IPINAGHARAP ng ka­song katiwalian at pag­la­bag sa Philippine Mining Act sa Ombuds­man ang alkalde ng Lian, Batangas kaugnay sa pakikipagsabwatan sa ilang malalaking kor­porasyon upang masa­laula ang kanilang kali­kasan.

Sa pitong pahinang reklamo, nais ng com­plainant na si Dennis Ilagan na patawan ng preventive suspension at masampahan ng kasong kriminal si Mayor Isa­gani Bolompo kasama si Exequiel Robles, pangu­lo ng Sta. Lucia Land Incorporated.

Bukod sa kasong graft at paglabag sa Philip­pine Mining Act, ipinagharap din ang alkalde ng kasong pagla­bag sa Code of Conduct of Government Emplo­y­ees.

May kinalaman ito sa pagbibigay ni Bolom­po ng developmental per­mit sa korporasyon para sa proyekto sa ba­yan ng Lian kahit wa­lang environmental clearance certificate mu­la sa Department of En­vi­ronment and Natural Resources (DENR), ga­yondin ng mga cer­tification mula sa Depart­ment of Agra­rian Reform at Housing and Land Use and Regula­tory Board (HLURB).

Sa katunayan, nag­pa­labas ang DENR ng cease and desist order laban sa anomang develop­ment sa Lian na magdudulot ng pagka­sira ng bundok at polusyon sa karagatan.

Sa kabila ng kautu­san ng DENR, nagpa­tuloy ang operasyon ng illegal mining o quarry­ing sa 84 hectares ng lupain sa Barangay Ma­ta­bungkay.

Nahaharap din ani­ya si Bolompo sa kasong malversation of public funds dahil sa pango­ngo­­lekta ng environ­mental users fee.

“Parang toll fee dahil ang sinumang pa­pa­sok sa Matabungkay kahit hindi naman pupunta sa beach at may bibilhin lamang sa tindahan ay hihingan agad ngP25 para raw sa environmental fee,” saad ni Ilagan.

Ayon kay Ilagan, kuwestiyonable ang public hearings at mga meeting na isinagawa para makapagpalabas ng resolusyon sa pani­ningil ng P25 na sina­sabing para sa environ­mental fee.

Bukod dito, hindi rin maipaliwanag ng lokal na pamahalaan kung saan napupunta ang kanilang koleksiyon gayong walang mga programang pang-kali­kasan na inilulunsad sa kanilang lugar.

About hataw tabloid

Check Also

Arjo Atayde

Arjo 6 batas inihain agad pagka-upo sa Kongreso

MA at PAni Rommel Placente SA pagsisimula ng kanyang trabaho bilang Congressman ng 1st District …

Malacañan

Family affair sa Palasyo
PARTY NG FIRST FAMILY ‘DI PERA NG GOBYERNO

WALANG gagamiting pondo ng bayan sa anomang party na idaraos ng First Family sa Malacañang, …

Bongbong Marcos BBM Imee Marcos

Sa pag-veto sa HB 7575
IMEE DESMAYADO
Pinagsasabong kaming magkapatid

ITO ang reaksiyon ni Senadora Imee Marcos matapos i-veto ng ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., …

Bulacan Airport Special Economic Zone

Konstruksiyon ng airport sa Bulacan tuloy — Salceda

SA KABILA ng pag-veto ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., sa House Bill 7575, tiniyak ni …

Ramon Zagala PSG Bongbong Marcos BBM

Non-PMAyer, DLSU PolSci graduate
UNANG PSG COMMANDER ITINALAGA NI MARCOS, JR

HINDI graduate ng Philippine Military Academy (PMA), sa halip ay sa De La Salle University …

Leave a Reply