Thursday , June 13 2024
electricity meralco

Power demand spikes tutugunan… PH mas maraming peaking plants kailangan — Pippa

NAIS ng  Philippine Indepen­dent Power Producers Association na magkaroon ng dagdag na peaking plants imbes baseload plants.

Ayon kay PIPPA President Atty. Ann Macias, pagaganahin lamang kung kakailanganin ang peaking plants sa panahon na ang consumers demand ay lampas sa available capacity mula sa baseload plants na operational 24 oras.

Aniya, kailangan matu­gunan ang demand spikes ng grid na dalawang porsi­yento sa lahat ng oras sa isang taon.

Nangangahulugan na peaking capacity ang kaila­ngan at hindi ang mas maraming  baseload capa­cities na hindi naman naga­gamit  ang 98 percent sa lahat ng oras.

Dagdag ni Macias, dahil sa lumalaking electricity demand dulot  ng mild El Niño at sa pangangailangan  sa midterm elections, ang forced outages ay  natural lamang at hindi maiiwasang pangyayari kahit pa sa makabagong teknolohiya.

Nauna rito, marami sa power generators ang nagpa­tupad ng forced outages noong Abril na naging dahilan para magla­gay ng red alert projections ang  National Grid Corp ang luzon

Ayon sa PIPPA, ang  forced outage ay isang engineering issue, bagay na hindi kayang mapangu­nahan o maagapan habang sinabi nila na hindi kokon­sintihin ng kanilang grupo ang sabwatan upang mag­ma­hal ang singil sa konsu­mo sa koryente o para maaprobahan ang mga  power supply contracts .

Sa katunayan, suporta­do nila ang competition sa merkado at bukas din sila sa imbestigasyon.

Hinimok ng PIPPA na pagtuunan ng gobyerno ang mga regulasyon na maaa­ring magbigay ng mga solusyon at iwasan ang mga patakan na nagpapa­hihirap na dahilan upang ilan sa mga investor at deve­lopers ay umaatras.

Naniniwala ang  PIPPA na mahagang papel ang  isang maayos na relasyon ng gobyerno at mga pro­ducer na magiging dahilan upang maging matagumpay ang operasyon ng mga planta kaya naman supor­tado ng grupo ang pagpa­patupad ng DC 2018-08-0021 ”Providing amend­ments to rule 29 part (a) of the implementing rules and regulations of RA 9136.”

About hataw tabloid

Check Also

Migz Zubiri Pope Francis

Pope Francis binulungan si Migz: Protektahan ang pamilyang Filipino

“PINAKIUSAPAN ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang …

Imelda Papin PCSO

Imelda Papin kompiyansang maraming matutulungan sa kanyang Isang Linggong Serbisyo

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio KAHAPON ang unang araw ng OPM icon at Jukebox Queen Imelda …

shabu drug arrest

Tulak timbog sa Navotas buybust ops

ARESTADO ang isang lalaki na sinabing sangkot sa pagtutulak ng ilegal na droga matapos kumagat …

Pastor Quiboloy

Warrant of arrest isinilbi vs Quiboloy, 5 iba pa

NAGTUNGO ang Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) at Special Action Force (SAF) …

Bagong Pilipinas Hymn

Hymn at pledge ng Bagong Pilipinas pang-Executive lang — SP Escudero

TAHASANG sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na hindi maaring ipilit sa senado, sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *