Saturday , July 27 2024

AP-PL magsusulong ng Operationalization ng National Student Loan Program

IPINALABAS na noong na­ka­­raang taon ang imple­menting guidelines ng National Student Loan Program (NSLP) ngunit hindi pa rin ito naisasakatuparan, kaya’t Ang Ang Probinsyano Party-list ay hinihikayat ang mga ahensiya ng gobyerno na gawin itong prayoridad para maumpisahan na.

Ayon ay Alfred Delos Santos, nominee ng Ang Probinsyano Party-list, “Ang pag-uumpisa ng progra­mang ito ay dapat maging prayoridad dahil ang kinabukasan ng libo-libong mga kabataan ang nakasa­lalay dito.”

Ang NSLP ay kabilang sa Universal Access to Quality Tertiary Education Act (Republic Act 10931, Section 8) na isinabatas noong 3 Agosto 2017.

Nararapat sana ay isa­sagawa ito katuwang ang mga banko at iba pang institusyon tulad ng Social Security System (SSS).

Sa NSLP, ang estu­dyante ay makapag-uumpi­sang magbayad ng kanyang inutang pangmatrikula kapag siya ay may trabaho na at kapag mataas na ang kanyang sinasahod.

Ang pagbabayad ng kanyang student loan ay awtomatikong ibabawas sa kanyang suweldo kasabay ng kanyang bayad sa SSS.

“Naniniwala po tayo na ang NSLP ay makakatulong sa maraming maralitang pamilyang Filipino, lalo na ang mga nasa probinsiya,” dagdag ni Delos Santos.

“Dapat natin silang iprayoridad dahil kulang ang kanilang pantustos, madalas kinakailangan nilang laging pumili, papapasukin ba sa eskuwelahan ang bata o bibili sila ng pang-araw-araw nilang kakanin. Sa NSLP, ang mga magulang ay magiging kampante na makapag-aaral pa rin hang­gang kolehiyo ang kanilang mga anak at magkakaroon sila ng mas magandang kinabukasan.”

Ayon sa report noong Nobyembre ng nakaraang taon na inilabas ng principal author at sponsor ng batas na si Albay Rep. Joey Salce­da, ang NSLP ay hindi naimplementa dahil sa kakulangan ng pondo. Maliit na bahagi lamang ng P1 bilyong initial allocation ang nailaan para sa programa.

“Hindi po ‘yan katang­gap-tanggap,” ani Delos Santos. “Maghahanap po tayo ng paraan para mapon­dohan ang programa, ‘yan ang ating agenda.”

Ang mga isusulong na batas ng Ang Probinsyano Party-list ay nakasentro sa pag-angat ng pamumuhay ng ating mga kababayan at paglalapit ng mga serbisyo ng gobyerno sa mga ordinaryong mamamayan lalo ang mga nasa probinsya.

“Siguraduhin po natin na ang mga probinsyano ay hindi mahuhuli. ‘Yan po ang ating pagsisikapan kapag pinalad po tayong makaupo sa kongreso,” pagtatapos na lahad ni Delos Santos.

Isang dahilan ang pagiging pro-edukaysong adbokasiya kaya inendoso ng sikat na aktor na si Coco Martin ang Ang Probinsyano Party-list. Inilinaw niya na ang Ang Probinsyano Party-list lamang ang kanyang sinusuportahan dahil naniniwala siya sa mga adhikain nito para sa mga mamamayang Pilipino lalo ang mga probinsyano.

About hataw tabloid

Check Also

Binibining Pilipinas PlayTime Binibini

PlayTime sanib-puwersa sa 60th Binibining Pilipinas 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALUGOD na inihayag ng PlayTime, ang mabilis na lumalagong 24/7 online …

Puregold Cinepanalo Film Festival 2025

2nd Puregold Cinepanalo mas pinalaki, mabibiyayaan ng grant dinagdagan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio  MAS pinalaki, mas pinalawak. Ito tila ang gustong tahakin ng …

SM Prime 2

SM Prime at 30: A legacy of innovation and shared prosperity

Celebrating 30 Years of Transformative Growth: SM Prime Holdings Chairman Mr. Henry T. Sy, Jr. …

Kumu

SM Agency president ipinagmalaki ang Kumu: This is Filipino apps and we are definitely Filipino

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio “WE’RE still here. We’re celebrating our 6th anniversary and we’re …

Marian Rivera Kath Melendez Nekocee

Kath Melendez ng Nekocee na-starstruck kay Marian

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MALAKING challenge para sa production ng Cinemalaya movie ni Marian Rivera, ang Balota kung paano siya …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *