Sunday , September 29 2024

Masonry Layout

Hatol kay Palparan ikinagalak ng leftist groups

Jovito Palparan

IKINATUWA ng mga makakaliwang kongre­sista ang hatol na “guil­ty” kay dating Heneral Jovito Palparan kaugnay sa pagkawala ng dala­wang estudyante sa University of the Philip­pines (UP) na sina Karen Empeno at Sherlyn Cadapan. Ayon kina ACT Teachers representatives Antonio Tinio at France Castro, si Palparan ang nasa likod ng pagpatay sa daang-daang aktibista at mga tagapagtangol ng karapatang pantao sa ilalim …

Read More »

Palparan guilty sa ‘dinukot’ na 2 UP students

HINATULAN ng Malolos Regional Trial Court (RTC) nitong Lunes si dating Major General Jovito Palparan na guilty sa mga kasong kidnapping at illegal detention kaugnay sa pagkawala noong 2006 ng dalawang estudyante ng University of the Philippines. Bukod kay Palparan, hinatulan din ng Malolos RTC Branch 15 bilang guilty sa mga parehong kaso sina Lt. Col. Felipe Anotado Jr., at …

Read More »

Sign language ng pipi’t bingi binastos ni Mocha (Isasalang ng PCOO executives)

Mocha Uson Drew Olivar

MAGPUPULONG ang mga opisyal ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) upang talakayin ang panibagong viral video ni Assistant Secretary Mocha Uson at pro-Duterte blogger Drew Olivar na ginawang katatawanan ang “sign language” na ginagamit ng mga pipi’t bingi. “I will dicuss this with the team,” ayon kay PCOO Secretary Martin Andanar hinggil sa viral video na umani ng batikos ng …

Read More »

15,000 health workers mawawalan ng trabaho (Sa tapyas na budget ng DOH)

POSIBLENG mawalan ng trabaho ang higit 15,000 health workers ng gobyerno dahil sa pagtapyas ng Department of Budget and Management (DBM) sa panukalang pondo ng Department of Health (DOH) para sa susunod na taon. Sa pagdinig ng Senado nitong Lunes sa pondo ng DOH para sa 2019, kinuwestiyon ni Senate Minority Leader Franklin Drilon si Budget Assistant Director Jane Abella …

Read More »

‘Idiotic structure’ ipinaaayos sa bagong NFA administrator (Sa tiyak na supply ng bigas sa buong bansa)

ITINALAGA ni Pangu­long Rodrigo Duterte si Philippine Army Com­manding General Rolando Bautista bilang bagong administrator ng National Food Authority (NFA) kapalit ni Jason Aquino na nagbitiw noong nakaraang linggo. “NFA ka na. Mabait ‘yan si Rolly,” anang Pangulo sa command conference sa kapitolyo ng Cagayan sa Tuguegarao City kahapon. Sinabi ni Pangulong Duterte, nais niyang ayusin ni Bautista ang ‘idiotic …

Read More »

Suplay ng tubig lilimitahan (Sa Metro Manila, Bulacan, Cavite)

tubig water

LILIMITAHAN ang suplay ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila, Bulacan at Cavite simula kahapon, Linggo hang­gang Martes, abiso ng Maynilad kahapon. Ayon sa Maynilad, ipatutupad nila ang rotational water supply availability dahil sa pagtaas ng turbidity o paglabo ng raw water sa Ipo Dam. Sa ilalim ng rotational water supply availability, may partikular na oras sa loob ng …

Read More »

29 death toll sa Ompong (13 missing )

UMABOT sa 29 ang bilang ng mga namatay dahil sa pananalasa ng bagyong Ompong, ayon sa ulat ni  Presidential Political Adviser Francis Tolentino, nitong Linggo. Sa bilang na ito, 24 ang mula sa Cordillera Administative Region (CAR), ayon kay Tolen­tino sa press briefing sa Tuguegarao City, Caga­yan. Habang 13 indibi­duwal ang hindi pa nata­tagpuan sa rehi­yon. “Ang marami po tayong …

Read More »

32 patay, 40 na-trap sa Itogon landslides

UMABOT sa 32 katao ang patay habang 40 ang na-trap sa pagguho ng lupa sa pananalasa ng bagyong Ompong sa Itogon, Benguet, ayon sa alkalde ng nasabing bayan kahapon. Ayon kay Mayor Victo­rio Palangdan, sini­si­kap ng mga awtoridad na marekober ang 40 ka­tao na na-trap sa bunk­house na natabunan ng lupa sa naganap na land­slide. “May isang bunk­house ng isang …

Read More »

Tserman binoga sa ulo ng tandem

BUMULAGTANG wa­lang buhay ang isang barangay chairman nang barilin sa ulo ng riding-in-tandem habang lulan ng kanyang motorsiklo ma­ka­raan dumalo sa isang anti-illegal drugs seminar, sa kanto ng P. Burgos Drive at Ma. Orosa St., Ermita, Maynila kahapon. Kinilala ni SPO 3 Jonathan Bautista ng Manila Police District – Homicide Section, ang biktimang si Barangay Chairman Angel Joy Rivero, 52, …

Read More »

Metro Manila, 37 areas signal no. 1 kay Ompong

ITINAAS ng State weather bureau PAGASA ang Tropical Cyclone Warning Signal No. 1 sa Metro Ma­nila at 37 iba pang mga erya habang bumilis ang bagyong Ompong at nag­bago ng direksiyon nitong Huwebes ng hapon. Sa 5:00 pm advisory kahapon, sinabi ng PAGASA, si Ompong ay huling namataan sa 575 kilometers east northeast ng Virac, Catanduanes. Ito ay patuloy na …

Read More »

Super Typhoon Mangkhut nasa PH na — PAGASA

PUMASOK na ang super typhoon Mangkhut sa Philippine Area of Responsibility dakong 3:00 pm nitong Miyerkoles, ayon sa state weather bureau PAGASA. Ayon sa weather advi­sory mula sa PAGASA, ang super typhoon Mangkhut ay opisyal nang pina­ngalanan bilang “Ompong.” Nagbabala ang Na­tion­al Disaster Risk Reduction and Manage­ment Council (NDRRMC) nitong Miyerkoles sa publiko na maaaring simulang maranasan ang malakas na …

Read More »

6 nasakote sa P4.5-M Marijuana sa Kyusi

NASABAT ng mga tau­han ng Quezon City Police District (QCPD) ang 35 kilo ng marijuana, tinatayang P4.5 milyon ang halaga, sa anim arestadong mga suspek sa ikinasang pagsalakay sa Brgy. Immaculate Con­ception, Cubao, Quezon City, kamaka­lawa ng gabi. Kinilala ang mga ares­tado na sina Grenie Hierro, 34; Anthony John Timpug, 39; Lassery Ann Rayo, 30; Randbel Clifford Venzon, 20; Archie Visperas …

Read More »

Resignation ng NFA chief tinanggap ni Duterte

Jason Aquino NFA rice National Food Authority

TINANGGAP ni Pangu­long Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni National Food Authority (NFA) adminisitrator Jason Aquino. Sinabi ng Pangulo kahapon, naghahanap na siya ng ipapalit kay Aquino. “Jason Aquino has requested that he be relieved already…. I will scout [for] a new one,” ayon kay Duterte sa tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo. Pagod na umano si Aquino na mga …

Read More »

Trillanes maaari nang lumabas sa senado

INIHAYAG ni Senador Antonio Trillanes IV na anomang oras ay maaari na siyang makalabas ng gusali ng Senado ngunit hindi tinukoy kung dere­tsong uuwi ng kanilang tahanan o kung saan tutuloy pansamantala. Ito ay makaraan ba­wiin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kautusang arestohin ang senador nang walang warrant of arrest at maglabas ng desisyon ang Korte Su­pre­ma sa inihaing petisyong kumukuwestiyon …

Read More »

Proclamation 572 vs Trillanes tuloy

TULOY ang pagpapa­tupad ng Proclamation 572 na nagpapawalang bisa sa iginawad na amnestiya kay Senador Antonio Trillanes IV. Ibinasura ng Korte Suprema ang hirit na temporary restraining order (TRO) ni Trillanes para ipatigil ang imple­mentasyon ng Pro­cla­mation 572. “There is no legal impediment now to imple­ment Proclamation 572. He had his day in court and he failed,” ani Presidential Spokesman …

Read More »

Amnestiya ni Trillanes talagang walang bisa

Voltaire Gazmin Pnoy Trillanes

INILINAW ni Pangulong Duterte na wala talagang bisa ang amnestiya na iginawad kay Trillanes ng administrasyong Aquino dahil si dating Defense Secretary Voltaire Gaz­min lang ang nagreko­menda at nag-aproba at hindi si dating Pangulong Aquino. Nakasaad aniya sa Konstitusyon na tanging ang Pangulo lamang ang may kapangyarihan sa pagbibigay ng amnestiya at hindi puwedeng ipasa sa miyembro ng gabinete. Ang …

Read More »

Hamon sa Magdalo: Patalsikin n’yo ako — Duterte

HINAMON ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Magdalo Group o ang pangkat ng mga sundalong kinabibilangan ni Sen. Antonio Trillanes IV, na patalsikin siya sa puwesto kung bilib sila sa senador. Sa kanyang tete-a-tete kay Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na isinahimpapawid sa government-controlled PTV4, hinikayat niya ang mga sundalong nanini­wala kay Trillanes at dating Pangulong Benig­no Aquino IV na mag­punta …

Read More »

Kano nasakote sa Cainta (Canadian teacher inatado sa Taiwan)

ARESTADO ang isang most wanted person sa Taiwan sa kasong pag-chop-chop sa isang Canadian teacher, makaraan salakayin ng mga tauhan ng Cainta PNP at Bureau of Im­migra­tion (BI) ang kanyang pinagtataguan sa Cainta, Rizal. Kinilala ni S/Supt. Lou Evangelista, Rizal PNP provincial director, ang nadakip na si Oren Shlomo Mayer, nasa hustong gulang, ngayon ay nakapiit sa detention cell sa …

Read More »

Tserman itinumba sa La Union

dead gun police

PATAY ang isang 63-anyos barangay chairman ng Brgy. San Jose sa Rosario, La Union, nang pagbabarilin ng mga lalaking sakay ng SUV, nitong Biyernes. Ayon sa ulat ng pu­li­sya, nakiki­pagkuwen­tohan ang biktimang si Ruben Genetiano sa tapat ng bahay ng kamag-anak sa katabing-bayan ng Pugo, nang bumaba ng sa­sakyan ang tatlong gun­man at malapitan siyang binaril. Kabilang sa drug watch …

Read More »

Inflation puwedeng pababain — GMA

MAAARING bumaba ang inflation na 6.4 porsiyento gaya nang nangyari noong panahon ni dating Presidente Gloria Macapagal Arroyo. Ayon kay Arroyo, tumaas din ng 6.6 porsiyento ang inflation noong panahon na siya ay presidente pero hindi aniya tumagal nang mahigit apat na buwan. Ani Arroyo, napag-usapan nila ni Albay Rep. Joey Salceda, ang hepe ng National Economic and Development Authority …

Read More »

P12-M smuggled onions nasabat sa Manila Port

NASABAT ng Bureau of Customs (BOC) ang P12 milyon halaga ng smuggled onions mula sa China sa Manila International Container Port (MICP), ayon sa ulat ng ahensiya nitong Huwebes. Ang kontrabando ay natagpuan sa gitna ng tumataas na presyo ng mga gulay, kabilang ang sibuyas at iba pa. Nakatago sa anim containers, ang mga sibuyas na misdeklarado bilang mga mansanas, …

Read More »

5 kasunduan nilagdaan ng PH, Jordan

AMMAN – Limang kasunduan ang nilagdaan kahapon ng mga opisyal ng Filipinas at Jordan na lalong magpapatibay sa relasyon ng dalawang bansa. Kabilang sa mga kasunduan ang Memorandum of Understading (MOU) on Political Consultations, between the Ministry of Foreign Affairs and Expatriates of Jordan, and the Department of Foreign Affairs of the Philippines; MoU on Defence Coope-ration between the Jordan …

Read More »

Mocha ‘paborito’ sa official trips abroad

Mocha Uson Martin Andanar

TILA patok si Mocha Uson sa mga biyahe ng presidente at cabinet secretaries sa ibang bansa. Ayon kay Presidential Communications Secretary Martin Andanar, si Uson ay madalas na nakaka-sama sa mga biyahe sa ibang bansa dahil sa imbitasyon ng mga kalihim na may official trip. Sa pagdinig ng pa-nukalang budget ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) na nagkakahalaga ng P1.47 …

Read More »

Waiter nangholdap sa milk tea shop

arrest posas

NADAKIP ang isang waiter makaraan holdapin ang isang milk tea shop sa Sampaloc, Maynila, nitong Miyerkoles. Ayon sa suspek bago nangholdap ay nagsimba muna siya sa Quiapo Church at humingi ng tawad sa kaniyang gaga-wing kasalanan. “Sabi ko, Lord kayo na po bahala sa akin kasi wala na po ako malalapitan,” aniya. Gamit ang laruang baril ng anak, pinasok ng …

Read More »

P20.4-M shabu nasabat sa Maynila

KOMPISKADO ang tinatayang P20.4 milyon halaga ng ilegal na droga sa isang 25-anyos lalaki sa buy-bust operation ng mga awtoridad sa lungsod ng Maynila, nitong Huwebes ng hapon. Ayon sa ulat, dakong 3:20 pm nang ikasa nang pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG) Special Operations Unit, Region 3 Drug Enforcement Unit (RDEU) at Manila Police District (MPD), …

Read More »