Wednesday , September 27 2023
Club bar Prosti GRO

Bar sa Angeles City sinalakay 35 dancers nasagip, Koreano, 4 empleyado tiklo

HINDI nadatnan ng mga awtoridad ang operator ngunit arestado ang manager na isang Korean national at apat niyang kasamahan, habang nasagip ang 35 dancers sa ikinasang pagsalakay sa Sensation Gogo Bar sa entertainment district ng Fields Ave., Balibago, sa lungsod ng Angeles, lalawigan ng Pampanga.

Kinilala ni P/Col. Rommel Batangan ang mga suspek na sina Taekwong Byun, alyas Kevin, Korean national, manager; Charym Torres, kahera; Feliciano Bayani, make-up artist; Joyce Wells, bugaw; at Magnalen Abad, mga residente ng lungsod ng Mabalacat.

Samantala, nakatakas ang operator/may-ari ng Sensation Gogo Bar na kinilalang si Retchard Yongco na kasalukuyang tinutugis sa follow-up operation.

Nakatakdang sampa­han ng kasong paglabag sa RA 10364 o Anti-Trafficking in Person Act ang mga naarestong suspek. (R.SUSCANO)

About Raul Suscano

Check Also

nbp bilibid

Sa Bilibid, Munti
51 gramo ng shabu nabuking sa dalaw na bebot

HIGIT pang pinaigting ng Bureau of Corrections (BuCor) ang kampanya kontra ilegal na droga at …

Kahit na-hacked
Serbisyo ng PhilHealth tuloy

INIANUNSIYO kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na patuloy pa rin ang kanilang operasyon, …

ltfrb

Bastos na driver,  may kalalagyan — LTFRB

INILUNSAD kahapon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang malawakang kampanya laban sa …

092723 Hataw Frontpage

QCPD nalusutan sa gun ban  
TRIKE DRIVER PATAY SA TANDEM, 2 BABAENG PASAHERO SUGATAN

ni ALMAR DANGUILAN SA KABILA ng ipinatutupad na checkpoints ng Quezon City Police District (QCPD) …

092723 Hataw Frontpage

Ghost project itinanggi ng construction company

MARIING pinabulaanan ni Mary Mae Sebastian, isa sa may-ari ng P.L. Sebastian Construction, na mayroong …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *