Thursday , July 18 2024

LPG Bill pasado sa Senado

NATUWA si Senador Win Gatchalian sa pagpasa ng Senado sa panukalang magsasa­ayos sa mga umiiral na batas at magtatatag ng regulasyon sa lokal na industriya ng liquefied petroleum gas (LPG) upang pangalagaan ang kapakanan ng mga konsumer laban sa mga tiwaling negosyante at mapadali ang pagpa­palit ng tanke ng mga mamimili.

“Ang layon natin dito ay siguruhing may pamantayan ang industriya upang maprotektahan ang kapakanan ng mga mamimili. Nais din natin silang bigyan ng pagkakataong maka­pamili ng tatak ng LPG. Sa ngayon kasi, kung gusto mong magpalit ng tatak ng LPG dahil mas mura, kailangan mo munang bumili ng bagong tanke o silindro,” aniya kaug­nay ng Senate Bill No. 1955 o ang panukalang LPG Act.

Pinunto ni Gatcha­lian ang kawalan ng regulatory framework para pangasiwaan ang lokal na industriya ng LPG, dahilan kaya hindi matugunan ang mga isyung may kinalaman sa LPG katulad ng mga aksidenteng nangyari sa Serendra condominium complex sa Taguig City noong 2013 maging ang nangyari sa isang water refilling station sa Sampaloc noong 2019 at ang pinakahuli, sa isang restaurant sa Makati City. Lahat ito ay dahil sa pagsabog ng LPG.

Ayon sa Energy Committee Chairman, mahalagang masiguro ang ligtas na paggamit ng LPG lalo pa’t maari itong pagmulan ng sunog at pagsabog kung hindi tama ang pamamahala nito.

Ang panukalang National Energy Policy and Regulatory Frame­work for the Philippine LPG Industry ay layong magtatag ng LPG Cylinder Improve­ment Program para masi­gu­rong ang mga depektibong tanke ay maalis na sa sirkulasyon at mapalitan ng mga bago nang sa gayon ay mabawasan ang mga pagsabog at sunog dulot ng LPG.

Sa ilalim ng nasabing batas, magkakaroon ng Cylinder Exchange and Swapping Program para mas maging madali sa mga konsumer ang pagpapalit ng tatak ng LPG. Maaari na silang bumili ng ibang tatak ng LPG gamit ang lumang tane sa kahit saang retail outlet.

Marami nang bersiyon ng panukalang batas ang inihain mula pa noong 2004 sa pag-asang makapagtatag ng national energy policy and regulatory frame­work upang pamahalaan ang importasyon, refining, refilling, trans­portasyon, pagdadala, distribusyon at pagtitin­da ng LPG maging ang produksiyon, requalification at pagpapalit ng LPG pressure vessels.

Ang domestic consumption ng LPG ay patuloy na tumataas ng anim na porsiyento taon-taon ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA). (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

Pasay LGU at CWC, lumagda para sa Makabata Helpline 1383

LALONG PINALAKAS ng Pasay city government ang inisyatibang palawakin at seryosohin ang pangangalaga sa kapakanan …

arrest prison

Kapwa may asuntong Child Abuse
AKUSADO INARESTO SA PRESO
Isa pang MWP nasakote 

DALAWANG lalaki na nakatala bilang most wanted persons (MWP) ang nalambat ng pulisya sa magkahiwalay …

France Castro Satur Ocampo

 ‘CONVICTION’ SA CHILD ABUSE KINONDENA
‘Power of Red taggers’ inginuso

KINONDENA ng mga makabayang kongresista at mga militanteng grupo ang ipinataw na hatol ng Tagum …

Egay Erice Comelec

$15-M bank account ng Comelec official ibinunyag ng ex-Cong

TILA ‘isinampal’ ni dating Caloocan representative Egay Erice sa tanggapan ni Commission on Elections (COMELEC) …

Eng Bee Tin

Unang “National Hopia Day” celebration sa 19 Hulyo pangungunahan ng Eng Bee Tin

GAGANAPIN ang kauna-unahang selebrasyon ng “National Hopia Day” sa Filipinas sa 19 Hulyo 2024, na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *